Star 8
Star 8
Packing up my school things and ready for the hell week. You know, projects lang naman ang ipapagawa sa amin this summer class kasi hindi nga kami nakapasa noon dahil sa hindi kami nakapagprepare and we can't find the perfect singer for the lyrics na ginawa namin.
Ang project namin ay magrecord ng kanta na kami ang gumawa ng lyrics. Ngayon, papasok kami sa summer class para magawa at makapasa sa subject na 'yun. Ang problema lang naman namin ay kaya hindi kami nakapag pasa ay walang kakanta at wala kaming lugar kung saan makakapag record nang matino.
Ayos na ako lahat lahat at ready nang pumasok pero itong si Cezar ay ang sarap pa nang hilata. Kinuha ko ang alarm clock sa tabi niya, sinet ko ito sa susunod na minuto. Hindi pa kaya 'to magigising kung itapat ko mismo sa mga tenga niya. Hindi ko pa nga nagagawa. Natatawa na ako sa mgiging reaksyon ni Cezar.
Itinapat ko sa tenga niya ang alarm clock na sandali na lang at tutunog. "1..2..3.."
And there he goes. Napabangon bigla sa kakahiga at gulat na gulat at ang mas ikinatawa ko pa ang biglang tulo nang laway niya. I can't help stop laughing. Sino nga ba ang hindi matutuwa sa ganoong reaksyon. Napahawak na ako sa ako tiyan ko dahil sa sobrang sakit na kakatawa.
He glared at me pero hindi ko pa rin mapigilan ang hindi matawa. Pinunasan niya na ang mukha niya at ang sahid na natuluan ng laway. "Hahahaha. Sige na! Mag ayos ka na. Papasok pa tayo."
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. Hindi siguro naalala na may pasok kami at summer class. Gabi na rin kasi pumunta kagabi dito kasi dinaanan niya pa daw 'yung babaeng may gusto sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa akin pero hindi maaalis sa akin ang masamang titig niya.
Tinaasan ko lamang siya ng mga kilay ko.
"If you wake me up again, don't ever do that again. I. Will. Kill. You." Saka niya kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid at lumabas na nang kwarto ko.
Hindi pa rin maalis yung ngiti ko. Ang lakas din pala ng trip ko. Napailing iling na lang din akong lumabas nang kwarto ko.
Dumiretsyo ako sa sala at umupo muna doon. Hihintayin kko lang si Cezar matapos mag ayos sa sarili niya. Actually, inagahan ko talagang gumising at magbihis kasi alam kong hindi magigising nang tamang oras si Cezar kaya ako ang naging alarm clock niya. Yan napapala nang mga puyat. Sinuot ko ang headphones ko at pinakinggan ang mga new release songs ni Reizel.
Napapikit na lang ako habang nakikinig sa mga kanta niya.
Today I'm inlove and tomorrow I'm in pain. Wala lang, may masabi lang.
Hindi ko namalayan ang oras at ilang minuto na rin pala akong nakikinig sa kanta ni Reizel. Natapos na rin naman si Cezar mag ayos kaya lumabas na rin kami ng unitt ko. Hindi na maalis sa utak ko ang mga kanta niya, tila nag record sa mga utak ko at paulit ulit ko itong naririnig. How only I could wish for na sana marinig ko ulit siyang kumanta. Badtrip talaga nung event. Sayang.
Nag bus na lang kami ni Cezar, kasi kung magtataxi pa kami ay mapapamahal pa kami. Bus na rin naman talaga ang usual transportation ko kapag papasok ako sa school para makatipid.
Pagkapasok namin sa bus ay lahat ay naka standing ovation, I mean wala nang bakanteng upuan at lahat ay nakatayo na. Hindi na naman kami aangal pa kasi matatagalan ang susunod na darating na bus. Kaya okay lang tumayo, may bababa naman.
"Bro! What will happen if we didn't pass again the subject?"
Tinapik ko na lang siya sa balikat niya.
"H'wag kang mag alala. Mapapasa natin 'yan."
Napatango na lamang ito sa sinabi ko. Huminto ang bus at may bumaba na ilang pasahero kaya dali dali naman kaming umupo sa mga nabakante agad.
Kung tatanungin niyo college na kami at nasa 3rd year level na kami. Masyadong mahirap nga kung tutuusin ang taong ito kasi lahat kailangang gawin. Nakakaapressure, kaya hindi namin nagawa ang project na 'yan dahil kulang sa oras at wala talaga kaming mapiling kakanta. Yun ang pinaka problema namin. Lahat kaming hindi nakapasa ay kami kami ang magsusummer class. Ewan ko kung grupo pa rin kami. Kung hindi, okay lang ako namman halos sumulat ng kanta na ginawa namin for that kaya hindi na hassle 'yun.
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa school. Dali dali kaming bumaba at nagtungo agad sa room kung saan doon kami magsusummer class. Nasaktuhan pa naming wala pang professor kaya safe na safe kami.
Magkatabi kami ng upuan ni Cezar. May mga ilan ilan na rin namang tao dito sa loob at nandito na rin naman ang mga kagrupo namin sa project na 'yun.
"Cezar," tawag ko dito. Lumingon naman agad ito sa akin. Nakikipagdaldalan na kasi kaagad sa katabi niyang babae.
"Oh? Why?"
"Diba narinig mo naman kagabi na sinabi ni Rizza na apelyido niya ay Salazar?"
Tumango ito. "Yes. And I though she's Reizel sister's because they had the same features."
"Kasi kagabi niresearch ko ang pangalan niya, walang lumalabas. As in, no results. Tapos may lumalabas naman na 'you mean, Rizza Saavedra."
"So? Did you try to click that? What happen?" Excited nitong sabi sa akin.
"Hindi, hindi ko na tinry pang isearch kasi diba, she said Salazar is her last name. Bakit pa ako magtataka dun?"
Narinig kong ngumisi si Cezar. "I will tell you this, Rizza and Reizel are sisters. See!"
Napakibit balikat na lang ako. Ewan ko dito kay Cezar kung bakit ganun na lang lagi ang interpretasyon kapag makikita si Rizza. She always thought that Rizza and Reizel are sisters. Pero diba bakit pa pupunta sa isang event ang kapatid diba?
Dumating na rin ang aming professor at nagsi ayos naman sa mga upuan ang mga kaklase ko dito. "Good morning," bati nito na nakangiti.
Napangiti rin ako kasi hindi masyadong kasungitan ang guro namin. Mukhang hindi nga siya professor at para siyang isang model dahil sa tangkad nito. Maganda rin ang kulay nang balat nito kahit maitim siya, ang ganda rin nang buhok niya na mas lalong nagpapaganda sa hubog ng mukha niya.
"I'm Ms. Tamara Bliss. Your summer class proffessor."
Kinalabit ako ni Cezar at may binulong sa akin. "She's toasted." Tapos tumawa ito nang mahina.
I glared at him. Asarin daw ba ang proffessor namin baka mamaya hindi pa siya ipasa nito.
"Hey two there at back." Napabalik ang atensyon ko kay Ms. Tamara na nakatingin ngayon sa aming dalawa. "What's goin' on there?"
"Ah! Wala po Ms." I hand gesture.
"Okay," napabuntong hininga ako nang malakas. "I know some of you have groups now. It will be the same and others that haven't groups yet. There's still some. For the same groups before, in just 1 week. Submit your project. The project that will be pass to me is on cd. I hope this day, some of you can start now. Goodbye, if you have frequent questions, just meet me at the center."
Nagkumpulan na ang mga grupo grupo at nagsimula na rin magdiskusyon. Lumapit na rin naman ang dati kong mga myembre. Each group has a five members. Maganda naman ang grupo namin dahil may editor na kami. May composer. Wala lang talagang singer.
"Wait, I'll ask Ms. Tamara." Bago pa man tuluyan lumabas ng room si Ms. Tamara ay tinawag ko na 'to.
"Oh why? Questions?" Nakangiti nito sa akin. Hindi ka talaga magsasawa sa ngiti niya. Its perfect. "Ah, kiddo?"
Hala! Bakit ako natutulala!
"Ms. Tamara, tanong ko lang po sana if sa isang grupo isang singer lang po?"
"No, probably the group must have two singers or so on. Why?"
"Wala po kasi sa amin ang magaling kumanta eh." Napakamot ako sa batok ko.
"That's impossible. I hope some of your members or You can sing. Give me a sample."
Papikit pikit pa ako. She ask me to sing a song. Hindi naman maganda ang boses ko. Nakataas pa ang kilay nito sa akin at hinihintay akong kumanta.
"Go, c'mon. Don't be shy."
Inhale. Exhale. Okay I'm prepared, pero what to sing? Kahit ano na basta.
'My life is brilliant.
My love is pure.
I saw an angel.
Of that I'm sure.
She smiled at me on the subway.
She was with another man.
But I won't lose no sleep on that,
'Cause I've got a plan.'
Nahiya ako bigla kaya hininto ko na agad. Wala akong maisip na kanta eh kaya 'yan na lang naalala ko. Napatango pa siya nang marinig akong kumanta.
"You have a good voice. Keep it up." She patted me at my shoulder. Tumalikod na siya at lumabas na nag room.
She said I have a good voice. Naniniwala rin ba siya dun? Para sa akin, ngarag ngarag din nga ang boses ko. Siguro niloloko lang nila ako. Ayaw nilang madown ako madisappoint. Nagkacare pa pala sila sakin.
Bumalik na ako sa mga kagrupo ko. Yung isa kong kagrupo ay magaling mag gitara kaya hindi na problema sa amin kung maging acoustic man ang kalabasan ng kanta namin.
"Sabi ni Ms. Tamara, kailangan nang dalawang singers. Parang duo. Ganun?"
"Hindi ko kaya." Sabi ng babaeng kagrupo ko.
"Pwede ka naman maging back voice o kung may linya man para sa babae, yun lang kakantahin mo." Ani nang isa ko pang kagrupo.
"Yes! Ethan is a good songer. No, I mean singer." Singit ni Cezar.
"Yun naman pala eh, ang problema na lang natin kung saan tayo magrerecord na maririnig din ang gitara." Sabi ng editor ng grupo.
Napaisip ako bigla. At unang pumasok sa isip ko ay si Brena. May music room sila doon at kumpleto pa nang gamit. Yun nga lang ay kung papayagan kami.
"Meron ako alam, sa kaibigan ko. May music room sila doon at kumpleto rin sila nang mga gamit. Problema nga lang kung papayag 'yun na pwede nating gamitin 'yun?"
"Wait!" Napatingin ako kay Cezar. "Brena's house?!" Gulat na gulat na sabi nito.
"Wala na tayong choice." Nagkibit balikat na lang ako. Kesa naman sa wala diba? Atleast meron.
"That! Stupid! Brena!" Halatanng nanggigigil siya.
Ilang minuto din ang usapan namin, may konting pagbabago sa usapan pero ako na ang napagpasyahan magiging lead singer.
"Wait! What I'm gonna do?" Cezar said.
"Just watch us." Sabi ng editor namin.
"No way." Then they laugh together.
"Pwede ka namang mag back up sa amin." Suggest ko.
"Okay," poker face pa. Wala naman siyang magagawa kung hindi siya sasama sa amin dahil hindi siya mabibigyan ng grade ni Ms. Tamara.
I call up Brena kung pwede namin magamit ang music room niya. Pumayag naman agad siya kasi makikita na naman daw niya ako pero nang isingit ko ang pangalan ni Ceza ay mukhang hindi pa sana matutuloy. Pero napilit ko rin siya kaya tuloy kami.
"I said I won't do it." Si Cezar kasi ang pinipilit naming mag doorbell.
"Pipindot ka lang naman eh." Sabi ni guitarist.
"Oo nga," sabat ng babaeng kagrupo namin.
"Okay, fine!" Ilang beses niyang pinindot pindot ito. Hindi na siya natigil kahit inaawat na namin.
Palabas na si Brena. Nakabusangot ito nang lumabas. Naasar siguro sa paulit ulit na door bell ni Cezar. Lahat kami ay itinuro si Cezar na nakapoker face pa rin sa amin pero nagulat siya nang makita niya si Brena na nakapameywang na nakabusangot dito.
"Sino nagsabi na ulit ulitin mo ang pag doorbell?" Nakataas na ang mga kilay nito. "Monkey you!"
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Brena kay Cezar. Nabaling ang sa akin ang tingin ni Brena at nag glow ang mga mata nito.
"Ethan!" Yayakapin niya sana ako nang hilain siya pabalik ni Cezar. Hindi niya tuloy ang nagawa niya. "Epal ka monkey!"
"Nah!"
"Tse," kinuha na niya ang kamay ko. "Tara na sa loob! No pets allowed!"
"Hala? Wala namang hayop dito ah?" Tanong ng editor namin.
"Ano ka ba! Si Cezar ata tinutukoy niya. Monkey nga daw diba?" Natawa na lamang ako sa kanila.
Pumasok na kami sa loob at pinapunta muna kami sa sala. Hindi talaga pinapasok ni Brena si Cezar kaya nakaharang ito sa pintuan at nakapameywang pa. "I said no pets allowed here. This is a house, not a zoo."
--STAR--
Author's Note:
Yiie! Thank you readers! Next update na lang ulit. Kung tatanungin kung anong kanta yung kinanta ni Ethan, ang title ay 'Youre Beautiful' Basta yan! Search mo na lang :D Si Ms. Tamara ang nasa multimedia section. Still sa ibang characters, naghahanap pa ako ng fictional lalo na kay Ethan, may nahanap ako pero masyadong bata masyadong matanda kaya wala. Basta yun na muna, comments and votes pleeeeeease? THANK YOU!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top