Star 4
Star 4
Malakas ang ulan. Tahimik lang akong pinapanood ang bawat patak nito sa lupa. Katulad ng ulan ang nararamdaman ko kay Reizel, madaling ma fall. Kasi unang kita ko pa lang sa kanya, bumilis agad ang tibok ng puso ko. Tila isang tambol na patuloy lang sa pagpukpok ng drumstick nito. Pero siguro hanggang paghanga lang talaga ang tingin ko kay Reizel sapat na siguro 'yun. Ayokong umasa. Kasi kahit ngayon, hindi ko siya malapitan.
Lagi na lang kami hinahadlangan. Tila ang daming pader na nakaharang sa pagitan namin. Hindi mabitag bitag. Hindi ko naman magawang bitagin kung siya, sa bawat sirang nagagawa ko, siyang ginagawa niya ulit. Sense na rin yun nang hindi ko siya kayang maabot.
Niyaya kami ni Brena na pumunta muna sa bahay niya. Kaya nandito kami ngayon sa bahay niya. Tuwang tuwa naman kasi nakapunta rin daw ako sa bahay niya.
"Hindi ka kakain?" Tanong ni Brena na inuubos na yung isang box nang donuts na binili ko para ibigay sana kay Reizel.
Umilingiling ako sa kanya "Ubusin niyo na ni Ena yan."
"Sus, hindi ka lang nakapagpapicture kay Reizel parang binagsakan na nang langit at lupa yang mukha mo. Umayos ka nga, babae lang yan. Nandito pa 'ko." Matatawa ba ako sa sinabi niya o maaasar.
"Kung type lang kita, bakit hindi." Bigla akong sinamaan ng tingin ni Brena sa sinabi ko kaya umiwas na lang ako nang tingin sa kanya.
Tumayo ako. "Pwedeng makigamit ng banyo?"
"Wala akong banyo dito, magtiis ka diyan." Nagtaray pa ang pucha. Kumain na lang ulit silang dalawa ni Ena. Si Ena kasi nanonood ng tv tapos 'yung palabas ay barbie.
Napangisi na lang ako kay Brena. Tumungo na lang sa banyo nila. Hinanap ko pa kung saan, may kalakihan din kasi ang bahay nito. Malamansyon pero pinaliit lang ng konti.
Nang makita ko ang banyo ay ginamit ko agad ito. Ilang saglit lang ay natapos na ako.
Nadaan ko ang hagdan patungo sa taas patungong sala. Hindi naman magagalit si Brena kung aakyat ako diba saka wala namang tao dito ngayon, mga katulong niya lang dito sa bahay. Dahan dahan akong naglakad paakyat. Sinabi kasi sakin ni Brena na pinagawan siya nang Papa niya ng recording studio pero hindi niya daw ito ginagamit kasi hindi naman daw siya mahilig kumanta.
Sa may bandang dulo daw ito ng second floor nila at may nakalagay sa pinto na g-clefs na palawit. Nakita ko naman agad ito at pumunta ako. Kaharap ko na ang pinto. Hindi naman siguro ito naka lock. Pinihit ko ang doorknob at dahan dahang itinulak papasok. Madilim ang loob kaya wala pa ako masyadong maaninag. Nang mabuksan ko nang tuluyan ang pinto ay agad kong kinapa ang gilid ng dingding katabi ng pinto para mabuksan ang switch ng ilaw.
Nang pagbukas ko nang ilaw ay namangha ako sa kwartong ito. Hindi ako makapaniwala na makakapasok ako sa ganitong kwarto. Tila isang pangarap ko ang makapasok sa ganitong kwarto. Ang laki ng espasyo sa loob, hindi lang recording studio ito, music room na rin kumbaga. May mga drum sets, guitars. Pumasok ako nang tuluyan at isinara ang pinto. Nilock ko ito para paniguradong walang makakapasok.
Inenspeksyon ko ang bawat kagamitan dito. Mga bago pa ang gamit, hindi pa nagagamit ang mga ito. Pansin ngang hindi mahilig sa mga ito si Brena, sayang lang ito kung hindi gagamitin kahit isang beses lang.
Tumungo naman ako sa recording studio. Pangarap ko ring makapagrecord ng boses ko sa isang studio. Wala rin akong hilig sa pagkanta pero susubukan ko.
Itinapat ko ang microphone sa bibig ko. Huminga ako nang malalim. Naaalala ko pa naman ang huling kanta na ginawa ko noon. Kinakabahan ako at pinagpapawisan pero ako lang naman magisa dito sa loob at malamig dito gawa ng lamig ng aircon.
'Ohh ohh...
When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along'
Bumalik lahat ng ala ala kasama siya. Ginawa ko ang kantang 'to tanda ng pagmamahal ko sa kanya pero binalewala lang niya. She didn't appreaciate all the effort I give, para sa kanya wala lang 'yung ginawa ko.
'And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you'
Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong damhin ang mga linya nang kantang isinulat ko noon. Nagawa ko lang naman isulat ang kanta kasi inspired ako. Masakit lang kasi iniwan niya ako, nagsawa siya sa akin. Nagsawa siya mga ginagawa ko sa kanya kesyo paulit ulit na lang daw.
'I've loved you forever,
In lifetimes before
And I promise you never...
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow,
Forever has now begun...'
Hindi naman lagi kasi nakikita sa ginagawa ang lahat ng bagay kapag nagmamahal eh. Minsan kasi dapat pakiramdaman mo siya, alamin mong mahal mo siya. Hindi 'yung bawat ginagawa niya lang sayo ang hinahanap mo. Hindi ka patas.
Iminulat ko ang mga mata ko nang makita ko sa harap ko ang dalawang babae na nanonood sa akin. Si Brena at Ena ay pinapanood ako dito. Napahinto tuloy ako sa pagkanta. Nahiya tuloy ako bigla sa kanila. Alam naman nilang ang panget panget ng boses ko eh.
Ngumiti si Brena at nagsalita pero hindi ko marinig kasi nasa loob ako ng studio. Pero nabasa ko sa bibig niya ang sinabi niya 'Sige, ituloy mo lang. Makikinig lang kami.' Yun ang pagkakaintindi ko.
May pinindot siya banda dun at narinig ko na siya "Ituloy mo lang, wag ka mahiya." Tumango ito sa akin.
Napangiti na lang ako. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko sinimulang damhin ang kantang ginawa ko.
'Every word I say is true
This I promise you
Ooh, I promise you...'
Natapos ko ang kanta sa sobrang kahihiyan. Palabas ako ng studio nang nagkakamot ng batok. Hindi pa kasi ako naririnig nilang kumanta ngayon lang. Nahihiya kasi, saka wala naman akong talent dun.
Paglabas ko ay nagsipalakpakan ang dalawa. Inalis ko ang pagkamot sa batok at napangisi sa kanilang dalawa. Matawa tawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ano ba kayo, nakakahiya."
"Nahiya ka pa! Ang galing mo nga eh!" Lumapit ito sa akin at saka ako inakbayan. "Magaling ka nga!"
Inalis ko ang pagkaka akbay niya sa akin. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. Tinitigan ko siya, nakatitig din naman siya sa akin. Pansin kong lumunok siya ng laway. Natawa ako bigla kaya inalis ko na lang. Umupo ako sa may gilid dahil may sofa rito.
"Kuya, you have a good voice." Sabi ni Sarena.
"Oo," biglang pag sang ayon ni Brena. "Mukha ngang matatalo mo pa si Reizel eh."
Napangisi ako. "Hindi ko kailangan kalabanin ang idolo ko, sapat na sakin ang maging tagahanga niya." Nagbuntong hininga ako.
"Naku Ethan!" Bigla bigla na lang niya akong piningot kaya napatayo ako bigla dahil sa sakit. Binitawan niya ang tenga ko at agad ko naman itong hinawakan. "Bakit hindi mo subukan mag audition? Sisikat ka! Matatalbugan mo pa siya, tapos mapapasakin ka na."
"Kung 'yun lang pala gusto mo. Hindi ko talaga gagawin 'yun."
"Ang bitter mo! Parang binibiro ka lang eh." pinaikot ikot niya yung upuan niya.
"Sige, mag gagabi na rin. Baka hanapin na si Ena."
"Kuya, I told mommy naman eh, kaya hindi 'yun." Hinatak ako ni Ena pabalik sa upuan kaya wala akong magawa kundi umupo na lang ulit.
"Bata na hindi nagpapauwi sayo, gusto mo dito kayo matulog? Tapos tabi tayo, naka half nake ka, yayakap yakapin kita tap-"
"Brena, may bata oh." Pinigilan ko siya sa pagsasalita. Kung ano pang sabihin nito na marinig ni Ena.
"Tapos mabubuntis mo ko," sinamaan ko siya nanng tingin. "Tse," hininto na niya yung upuan niya "Pero Ethan! Sino yung singer nung kanta, hindi ko pa naririnig 'yun. Ngayon lang sayo."
"Ah 'yun ba?" Inayos ko ang pagkakaupo ko. "Sinulat ko ang kantang 'yun."
"Weh? Di nga?! Niloloko mo lang ako eh."
"Totoo nga," napatawa tawa pa ako kasi hindi daw ba maniwala. "Sinulat ko ang kantang 'yun habang nililigawan ko pa si, basta wag mo nang kilalanin. ang effort nang pagliligaw ko sa kanya, ginawa ko lahat para lang masagot niya ako pero masyado siyang mapili kaya tumagal nang ilang buwan ang panliligaw ko sa kanya."
"Ang arte naman niyang babaeng 'yan, sana kasi ako na lang niligawan mo. Ah kahit wag 'no! Tayo na agad." Nakangiti nitong sabi.
"Months din ang itinagal n'un pero it ends na walang nangyari. Nagsawa daw siya sa mga ginagawa ko sa kanya. Puro daw ako ganito, ganyan. Kaya iniwan niya ako."
"Sino 'yang babaeng 'yan papaslangin ko yan!"
"Huminahon ka," napa cross arm na lang siya. "Kaya n'un hindi na ako nanligaw, sayang din pala effort. Si Reizel na lang ang hinihintay ko, kahit medyo mahirap gagawin ko ang lahat."
"Reizel na naman?" Napahilamos siya nang palad niya. "Nandito naman ako? Hindi nga lang magaling kumanta, pero hindi kita papahirapan."
"Ayoko sa madaldal."
"Si Reizel nga, ang ingay ingay! Hindi mapakali! Kung saan saan pa, nag iingay!" Natatawa ako sa mga pinagsasabi nito.
"Singer kasi siya Brena, kaya ganun. Ikaw para kang bibe."
"Bibe agad?!" Gulat siya pero nagpasweet agad dahil iniisip siguro nito isang banat. "Sige sige, bakit?" Papikit pikit pa nang mata.
"Ang dak dak mo kasi!"
"Ikaw!" Bigla niya akong pinagkukurot, iniilagan ko naman gamit ang braso. "Grabe ka sakin! Haay!"
"Hahahahaha!" Napatingin ako kay Ena na natatawa na rin.
Ilang saglit lang ay huminahon na rin kami. Ay si Brena lang pala dapat.
"Uhm," Napatingin ako sa kanya. "Isa pa ngang kanta, dali na Ethan!"
"Ayaw." Tapos tumingin akokay Ena. Nakatingin din siya sa akin at kita sa mata niya na 'sige isa pa kuya'.
Kaya napilitan akong kumanta ulit. Wala na sa lagay ang boses ko. Masyadong panget.
"Kantahin mo 'yung nakakatouch ah!" Sabi pa nito bago ako pumasok sa studio.
"Gusto mo ulitin ko na lang." Nag pout pa ito pero pumayag naman siya na yun na lang ulit kantahin ko.
Umubo ako para maayos ang pagkanta ko. Sinimulan ko ang intro sa utak ko at binuka ang bibig at nagsimula na.
'And I will take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby'
--STAR--
"Sige, Ethan! Ingat kayo!" Kaway kaway nitong paalam sa min bago kami lumabas sa gate ng bahay nila.
"Babye ate Brena!" Paalam ni Ena.
Tumango na lamang ako kay Brena. Ngumiti at kumaway sa kanya. Binuksan ko na ang gate pero muli niyang tinawag ang pangalan ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Kung gusto mo ulit kumanta sa studio, balik ka na lang dito!" Sigaw nito.
Parang nagning ning ang mga mata ko nang sabihin niya 'yun pero wala naman talaga sa pagkanta ang talento ko eh.
"Sige, salamat!"
Tuluyan na rin kaming lumabas ni Ena sa gate. Naghintay pa kami sandali ng masasakyan pauwi.
Siguro nga mahilig ako makinig ng mga kanta. Masarap kasi pakinggan ang mga boses na smooth, lalo na kay Reizel. Mahilig ako sa kanta, pero hindi 'yun ang talento ko. Sadyang pag hahanga lang sa mga mang aawit ang sadya ko. Wala nang iba.
--STAR--
Author's Note:
Naenjoy mo ba ang chapter na 'to! WAAAAAH! Thank you ulit! Votes and comments please. Guys, try niyo rin basahin yung iba kong story. Yung My Corpse Boyfriend na ongoing pa, or yung mga finished ko na. Nasa Works ko naman siya kaya hanapin niyo na lang :D And yung mga ginagamit kong kanta, kung gusto niyo marinig nasa multimedia naman nakalagay. Soon mag popost ako sa mga kantang mapapasama . Salamat ulit! Next Chapter na lang ulit! Lovelots xx.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top