Star 3
Salamat sa lahat ng nagbabasa at magbabasa pa lang. Enjooooooooy :'''>
Star 3
Inihanda ko ang sarili ko, maging presentable kung maaari. May music video shooting kasi mamaya si Reizel kaya hindi ko pwedeng palampasin ang isang iyon. Pwede naman kaming manood sa kanya, ang bawal lang ay mag ingay, mang gulo habang nag shushoot na sila. Inihanda ko rin ang camera ko. Nagbabakasakaling makapag papicture ako sa kanya.
Kasama ko manood sa shooting ang adopted child ni ate na si Ena. She's a fan of Reizel. Natuwa lang ako nang malaman kong idolo niya rin ito.
~Call up all our friends, go hard this weekend
For no damn reason, I don't think we'll ever change
Meet you at the spot, half past ten o'clock
We don't ever stop, and we're never gonna change~
Nag ring yung cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa lamesa nang katabing kama ko. Yeah, pati ringtone ko ay mga kanta ni Reizel. Hindi naman kasi talaga nakakasawa ang boses niya sa katunayan it feels relax pa kapag naririnig mo ang boses niya kahit na pagka may rock pa ito. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Brena Marin. May gusto sa aking babaeng 'to pero I didn't make use to like her. Medyo hard pero hindi siya ang type kong babae.
"Ethan! Could you go out with me later?"
Isa lang ang masasabi ko sa kanya. I'm a busy person. Biro lang, ayoko lang talaga sumama sa kanya at may pupuntahan nga ako diba.
"Sorry, pero aalis din ako."
"Aww," she used her sad tone of voice. Hindi effective. Tss pero nabuhayan muli ito "Sama na lang ako sayo! Where do I meet you?"
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Gagawa talaga siya nang paraan para magkasama kami. Siya na pilit kong nilalayo sa akin, na siya namang gumagawa nang paraan para mas mapalapit sa akin. Ang hirap din kasing tanggihan ang isang babae, kaya pinayagan ko na siyang sumama kahit ngayong araw lang. Sa tingin ko, hindi siya mag eenjoy mamaya.
"Kuya," Ena said while entering my room. Nang makapasok na siya sa loob at muling isinara ang pinto. "I'm ready!" Nakangiti siyang tugon nito sa akin. Hindi ka rin magsisisi kung bakit nag ampon pa si ate ng bata, kung ganito din naman ba ang resulta diba?
"Tara na, nakapag paalam ka na ba kay mommy mo? Baka mamaya ako ang pagalitan nu'n."
"No kuya, I explained to mom naman. Basta daw, bantayan mo lang daw ako." She grinned.
Naku mukhang hindi maganda ang mga ngiti niyang 'yun ha. Inalis ko na lang sa isipin ko ang mga bagay bagay na pwedeng ikasira nang araw ko ngayon. Today is my day, wala dapat makasira n'un.
Tumayo na ako at una nang lumabas nang kwarto ko si Ena kaya sumunod naman ako sa kanya. Handa na ang mga gamit ko. Ang camera. Sana kahit isang kuha lang, para masimulan ko nang lagyan ang photo album na binili ko.
Bumaba na kami nang condo ni Ena. Hindi magkamayaw sa pag vibrate itong cellphone ko dahil sa patuloy na pagtetext ni Brena. Hindi ko naman siya nirereplayan na at tinext ko na naman siya na magkita na lang kami sa malapit sa park dahil doon lang din gaganapin ang shooting nito. Para tuloy akong kinikiliti sa patuloy na pagvibrate nito.
Muli kong kinuha kong kinuha ang nagtype ulit na magkita nga kami sa lugar na tinext ko sa kanya kanina lamang. Maglalakad na lang kami ni Ena dahil malapit lang ang park dito sa Condo namin.
Natatanaw ko na ang park, may mga tent na akong nakikita mula dito. May mga ilan ilang tao rin na nanunood. Pagkadating namin sa park ay agad kaming hinarang ng mga nagbabantay kundo dito.
"Saan kayo pupunta?"
Napalingon ako kay Ena na nakatingin din sa akin, siguro nagtataka kung bakit kami hinarangan. Epal din naman kasi 'tong bantay na 'to.
"Manonood lang po ng shooting." Sabi ko sa kanya. Nakaikot pa ang kamay braso nito na nagmumukha siyan bouncer dahil.
"Bawal dito," medyo nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata na nagulat ako. Bakit naman bawal manood ng shooting? "Bawal dito, mag ingay."
"A-ah." napangiwi ako. Medyo baliw din 'tong bantay na 'to kala ko hindi pa kami makakanood eh. Napabuntong hininga na lang ako.
Itinuro niya kami sa may bandang may mga nanonood na tao. Doon lang daw kami pwedeng manood kasi baka daw magkagulo pa. Maiingay lang naman ang fans ni Reizel hindi magugulo. Hinawakan ko sa kamay si Ena at naglakad kami sa itinuro ng bantay.
"Kuya, akala ko hindi na natin mapapanood si Reizel eh."
"Naku, hindi pwede 'yun." natawa tawa na lang ako.
Pagkadatin namin sa lugar ay may mga ilan ilan dito na fans talaga ni Reizel at lagi kong nakikita sa mga concerts at events nito. May mga banner ang ilan. Ang iba naman ay may dala dalang pagkain na ibibigay kay Reizel. Samantala ako walang dala. Ang dala ko? Si Ena. Pero siguro mamaya bibili ako ng pwedeng ibigay sa kanya.
Lahat kami nakatuon sa tent at hinihintay lang siyang lumabas. Gagawin niya kasi ang music video niya na isasama sa launching ng album niya nextweek. Malay mo diba, mabigyan pa kami ng exposure dito. Habang ang iba ay nag aantay sa paglabas ni Reizel sa tent, abala ang tenga ko sa pinag uusapan ng dalawang babae sa likod ko.
"Alam mo kundi lang sumikat yang si Reizel, mas kabog yan ni Millette." Napataas ako nang kilay sa sinabi n'un.
"Tama ka diyan, sumikat lang naman kasi siya kasi lagi siyang guests sa mga events tapos kinuha ng isang recording company kaya lang sumikat."
"Kung tutuusin nga diba, mas magaling pa sa kanya si Millette."
Hindi ko na matiis yung mga pinagsasabi nila. Kaya humarap na ako sa kanila. Pagkatingin ko sa kanila, naumay ako bigla sa pagmumukha nila. Tadtarin ba naman ang mukha ng napaka kapal ng blush on? Naku, mga desperadong babae. Gagawin ang lahat maka agaw lang ng pansin.
Nang makatingin ako sa kanila ay tumingin din sila sa akin. Ang isa ay tinaasan ako bigla ng kilay ang isa naman ay nakatitig sa akin na mukha akong papatayin.
"Kung wala kayong magandang sasabihin kay Reizel, pwede na naman kayong umalis dito. Hindi naman niya kayo kailangan."
Pagkasabi ko ay bigla silang tumayo at biglang itinutok sa akin ang bad finger niya. Mga babae talaga, kagagawan ni Millette 'yan eh. Mga mucis video kasi ng isang 'yun ay parang kampon ni santanas. Mukhang demonya rin kung manamit minsan. Kung naasar kayo sa pagdedecribe ko kay Millette, pasensyahan na kasi kahit kailan hinding hindi ko siya magustuhan.
Umalis ang dalawang babae na kanina lamang ay kung ano anong sinasabi kay Reizel. May natanaw akong isang babae na palapit sa amin at mukhang badtrip siya. Nabunggo niya pa ang dalawang babae. "Hoy! Bakit mo ko binunggo?"
Natigil sa paglalakad si Brena at hinarap muli ang mga babae na masanggi lang ang balikat ay makareact ang oa.
"Ang arte mo! Masanggi ka lang, umaray ka agad! Paano pa kaya kung ginahasa ka diyan, aray ka na ng aray diyan! Mga clown." Nakita kong nagulat yung dalawang babae sa sinabi ni Brena kahit ako ay natawa sa sinabi niya. Hindi na siya pinansin nang dalawang babae kundi umalis itong nagtatakbo.
Humarap ulit si Brena at pansin kong hindi nga maganda ang mood niya. Nang makalapit siya sa akin ay hindi agad ako pinansin nito.
"Sorry, di na kita naantay." Sabi ko sa kanya.
"You wouldn't wait for me naman, ang tagal na kaya kitang hinihintay tapos ganyan ka, iba hinihintay mo!"
"Hey! Hey! 'Wag maingay!" Sabi ng isang staff doon.
Inirapan ni Brena ang staff na 'yun.
"Bakit ba kasi nandito ka sa park?" Tanong niya sa akin.
"May shooting si Reizel eh."
"Reizel na naman? Lagi na lang siya, ako kailan mo ba ako mapapansin? Kakanta pa ba ako para lang mainlove ka sakin? Sabihin mo Ethan, gagawin ko lahat." Nagmumukhang nagmamakaawa niyang sinasabi ang bawat linya niya. Hinawakan pa ang kamay ko.
"Baliw ka talaga Brena, may kakilala ako baka gusto mo siya na lang?"
"Ayoko!"
Irereto ko sana si Cezar sa kanya at baka magustuhan niya at matipuhan. Para naman tigil tigil na niya ako at ang ending ay sila at hindi na ako guuguluhin pa nang isang 'to.
Lumingon siya sa katabi ko na kanina pang nakatingin sa kanya.
"Sino 'yan?" Tinulak tulak niya pa ako sa balikat ko. Tapos dinuduro duro niya ng nguso niya.
"Yan? Si Ena yan." Tapos bigla siyang tumayo at napahawak sa bibig niya.
"Wag mong sabihin," mukhang magdedeliryo ang isang 'to.
Hinatak ko siya paupo ulit. Hindi siya mapakali. Pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay niya niya. "Hindi, hindi diba?"
"Hindi nga." Natigil siya sa pagpaypay.
"Eh ano mo 'yan?"
"Anak ng ate ako." Pagkasabi ko sa kanya ay bigla siyang nagpakawala ng hangin. Siguro dahil nalaman niyang hindi ko anak yan. Masyado pa akong bata. 19 years old pa lang ako pero sa tingin ko bata pa rin ako.
Ilang minuto lang ay nagkaroon ng malakas ng hiyawan nang tao. Napatayo ako sa pagkakaupo at kinarga ko si Ena dahil hindi niya makikita. Nakita namin na bumukas na ang tent at lumabas mula dito ang babaeng kanina pa namin inaabangan. Lumakas muli ang pagsigaw ng mga fans dito at pinapatahimik muli ang mga tao dahil mamaya mag uumpisa na sila siguro.
Kumalma naman ang mga tao dito. "Hindi ko makita!" Nagtatalon talon na sabi ni Brena. Ang liit na babae naman kasi nito. Hanggang balikat ko lang siya. Nang mapalingon ako sa kanya ay lumingon din sa sa akin at tumitig. Alam ko na ang titig na 'yan.
"Ako? Hindi mo ba ako bubuhatin? Nakakapagod kaya tumalon 'no." Pag aangal niya. Napailing iling at natawa na lang ako sa kanya. Hindi na siya ulit nagtatalon talon at umupo na lang ulit.
Sa totoo lang Brena, dati nagustuhan kita. It was like nung mga elementay days pa 'yun pero iba na 'to eh. Nasa college na kami at matagal na panahon na rin 'yun. Ibinaba ko na rin naman si Ena dahil nangangalay na ang braso ko.
Natatanaw ko naman si Reizel mula dito. Nag aayos na siya at magsisimula na ang shooting nila. Pero bago pa ay humarap siya sa mga fans niya at kumaway kasabay nang kanyang magandang ngiti. Kumaway din ako sa kanya. Alam kong nagtama ang mga mata namin. Kaya agad niya itong iniwas at itinuon ang sarili sa pag shooshooting.
Kahit kailan talaga ang hirap abutin ni Reizel. Hindi niya talaga ako mapapansin eh. She's a star, maraming humahanga sa kanya. Normal na sa kanila 'yun pero para sa akin. Hindi eh, bago pa siya sumikat nagustuhan ko na siya. Iba kasi siyang tao. Down to earth siya ng tao. Pero isa lang talaga ang pinanindigan niyang salita, ayaw niyang magpapicture. Pero sana, makatsamba ako ngayon.
Nagsimula na rin sila mag take ng shoots. Siguro habang abala sila, bibili muna ako nang makakain namin at 'yun ibibigay ko kay Reizel.
"Brena, maiwan ko muna sayo si Ena ah. May bibilhin lang ako." Tumango na laman si Brena sa sinabi ko. Tumabi sa kanya si Ena, kita sa mukha ni Brena na nairita itong tinabihan siya ni Ena. Maarte rin talaga 'tong babaeng to.
Iniwan ko na silang dalawa. Mag kakasundo rin ang dalawang 'yun tiwala lang.
Hindi na ako lalayo pa dahil may malapit lang naman na food store dito. Siguro okay na yung donut 'no? Naglalakad lang ako sa gilid nang kalsada saka ako tumawid sa kabilang kalye.
Nang makarating ako sa donut store. Nanlumo ako bigla nang madatnan ko ang loob ay puro pila. Makakailang oras kaya ako dito? Sana hindi ako tagalin dahil sigurado sayang lang ang effort ko.
May dalawang pila na pero ang bagal pa rin ng usad. Nasa dulo pa ako. Sana hindi ito matagal.
Paulit ulit kong tinitignan ang oras sa cellphone ko. Naka tatlumpong minuto na pala ako dito. At sa wakas sa tagal at hinahaba haba ng pila ay ako naman ang susunod na. Nang ako na ang oorder ay sinabi ko na lang ang mga gusto ko. Dalawang box ang binili ko, samin nila Brena at Ena ang isang box at kay Reizel ang isa. Minsan lang ako umeffort ganito, sana hindi masayang.
Nag abot ako nang bayad sa cashier at kinuha ko naman ang dalawang box ng donuts. Palabas na ako nang tindahan nang may dumampi sa balat kong basa na pumapatak. Hindi naman laway ko kasi hindi naman ako nagsasalita.
Tumingala ako. Umuulan nga, lalo pa itong lumakas kaya nagmadali akong pumunta sa park para balikan sina Ena at Brena. Patakbo akong bumalik sa park.
Pagkadating ko ay nakasilong ang karamihan sa mga puno at ang iba ay may mga dalang payong. Nakita ko agad si Brena na nakasilong sa may puno. Agad ko silang nilapitan.
"Bakit ang tagal mo naman?" Pagkasilong ko ay agad kong pinagpagan ang basa kong damit.
"Ang daming tao sa tindahan eh, halos mapuno na." Sabi ko naman sa kanya.
"Nasaan na sila?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Hindi na muna daw itutuloy ang shooting, dahil mukhang mamayang hapon pa daw itong ulan." Napabagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Ano nang gagawin ko dito sa binili ko. Sabi ko hindi masasayang ang effort ko dito.
"Nasan na si Reizel?"
"Kuya, umalis na siya pero kuya tignan mo oh." Hinila hila niya yung damit ni Brena.
"Oo na, teka lang," may kinuha si Brena sa bulsa at pagkalabas niya ng cellphone niya ay iniharap ito sa mukha ko. "Ang cute namin diba?"
Naaasar ako. Bakit sila may picture kasama si Reizel?
"Ang daya niyo naman, paano nangyari 'yan?" Pagtatanong ko. Ang laki nang mga ngiti nila na halatang inaasar ako.
"Bago siya umalis, biglang lumapit itong si Ena kay Reizel. Sumunod naman ako, dahil nastarstruck din ako. Nagpapicture kami. See ang cute namin diba?"
Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa hindi basang semento. Ang daya naman. Bakit sila may kuha kasama si Reizel pero ako kahit isa hindi.
"Paano siya pumayag magpapicture?" Sabi ko. Kinuha ni Brena ang isang box nang donuts at kinain ito.
"Dahil kay Ena, she please Reizel."
Pilit lang din pala ang isang 'yun sabi ko na nga ba hindi magpapakuha si Reizel ng picture agad agad. Haay, naku ang hirap ng sitwasyon ko. Ang hirap niyang lapitan. Kasi ako naman ng lumalapit, siya namang paglayo nito.
"Ang emo mo diyan." Sabi ni Brena. "Kiss kita diyan eh." Aakto sana siyang lalapit sa akin at hahalikan ako pero isinubsub ko sa kanya ang palad ko. "Bastos ka! Buti na lang gwapo ka!" Kinilig pa ang pucha.
Reizel Saavedra. Star that no matter what I do, I can't reach.
"Uwi na tayo." Tumayo na ako.
"Umuulan pa oh!" Pagpipigil ni Brena.
"Yeah, kuya can we just stay here." Dagdag ni Ena.
"Gusto mo pumunta sa bahay?" Napalingon ako kay Brena "Kung gusto mo lang naman."
"Sige."
"Waaaaaaaaaaah!" Parang baliw na nagsisigaw si Brena na pumayag ako sa kanya. Kaya lahat ng nandito sa park ay naagaw ang atensyon sa kanya. Kailan ba 'to titino?
Hinihintay lang namin tumila ang ulan. Aalis din kami dito sa park. Parang ang malas ko kasi dito. Ayoko na dito sa lugar na 'to.
--STAR--
Author's Note:
Thanks for reading this chapter :D Kung pansin niyo na mga kanta ni Avril Lavinge ang ginagamit ko. Opo ang kanta niya po talaga pero may mga isisingit din akong iba na hindi siya yung kumanta pero karamihan sa kanya. I like her songs. Sa mga gusto mag padedic, comment na lang po dito. Comments and votes are higly appreciated (paulit ulit na 'koXD) sige THANK YOU ULIT!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top