Star 29
Star 29
Ethan's POV
Lumabas si Reizel nang cafeteria kaya sinundan ko na lamang. Hindi rin naman ako pinigilan nang kapatid nito. I know kaya nga nandito kami at summer vacation for Reizel na rin. Para naman makalimutan niya si Nolan nang ilang araw at hindi na mabalik ang nararamdaman nito kay Nolan. Masakit naman kasi talaga kapag naloko ka nang isang tao at ginagamit lang ang kasikataan mo para amdamay din siya. Hindi patas para sa totoong nagmamahal.
Mukhang hindi pa masyadong makakapag enjoy dito si Reizel na nandito nga daw si Millette. Ang bestfriend turn rival niya. Mababaw ang dahilan ni Millette pero ganun talaga ang nangyayari, may magbabago at magbabago talaga sa friendships.
Hinabol ko si Reizel. Hindi naman siya mabilis maglakad kaya nahabol ko naman siya. Nakayuko lang siyang maglakad, ano kayang iniisip niya? Iniisip na naman ba niya si Nolan?
"Iniisip mo pa rin ba siya?" Napahalukipkip kong tanong sa kanya. Nakikita ko lamang siya sa gilid nang mata ko. Nakayuko lang ito at nakacrossed arms. Napansin ko rin na nagbuntong hininga siya.
"Ethan," sabi nito sa pangalan ko. "Mahirap naman kasing magmove on sa isang tao na kapag alam mo nang minahal mo nang sobra." Sa sinabi niya. Nalulungkot na naman ako.
"Reizel, this is the place where you can find peace of mind. Kahit ilang araw lang, makalimutan mo ang ginawa sayo ni Nolan. You can find yourself here." Sabi ko sa kanya.
"What if, I can't?"
"Reizel, merong nilaan sa atin na tao. Minsan sasaktan tayo at lolokohin. Minsan din kasi nandiyan lang sa paligid mo ang tunay namamahalin ka." Kagaya ko Reizel. Kaya kitang mahalin. Dati rati, hanggang kaway lang tayo. Hi-hello's lang ang usapan pero umabot sa ganito at nagulo ang sitwasyon niya nang dumating ako.
Pero I'm not the one who will ruined everything, I'm the one to make this things clear. Yung walang nasasaktan at naloloko.
"Ethan, maraming pwedeng magbago. Isa na ako doon, nasaktan kasi ako." Napansin kong pinunasan niya ang luha niya na pumatak.
Hindi ko na siya kinibo sa sinabi niya. Nakarating kami sa dulo nang beach nang naglalakad lang. Dito mas feel mo yung lamig nang hangin na nanggagaling sa dagat. Hindi rin amoy polusyon ang amoy dito, sariwa mula sa dagat. Umupo si Reizel sa may buhanginan at tumabi naman ako sa kanya.
Tiningnan ko si Reizel at nakapikit ang mga mata nito at hinahangin ang buhok gawa nang hangin. Malakas din naman ang hangin kasi nga nasa tabing dagat din. Hindi rin naman kasikatan ang araw kaya hindi kami naiinitan.
Nagdo-drawing lang ako sa buhanginan at nakapangalumbaba. Nahihiya ako kung ako na naman magsasalita. Hihintayin ko na lang ulit siya kumibo.
Ilang minuto rin ang nakakaraan at ganoon pa rin kami walang kibuan at pinapakiramdaman lang namin ang lamig nang paligid. Nang lingunin ko si Reizel ay laking gulat ko na lang na nakatitig ito sa akin kaya bigla akong napaiwas nang tingin sa kanya.
"Ethan," Mahina nitong sabi pero sapat na para marinig ko. Tumingin naman ako sa kanya at siya naman ang umiwas nang tingin. "Nagmahal ka na ba?" Tanong niya.
Napangisi na lang ako sa sinabi niya at kinuha ang malapit na bato at hinagi sa dagat. Sino bang hindi mararanasan ang magmahal? Lahat naman tayo, actually.
"Oo naman," tugon ko sa kanya. Nagpatuloy lang din ako sa paghahagis nang bato sa dagat. "Bakit mo naman natanong?"
"Nasaktan ka na ba?" Natigil ako sa ginagawa ko nang sabihin niya 'yun. Nilingon ko siya at walang mga kurba ang labi nito. Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat saka ako umiwas nang tingin sa kanya.
"Alam mo Reizel, hindi na mawawala sa isang tao ang masaktan. Kapag nagmahal ka, kabalikat na nito ang masaktan ka. Kasi minsan kapag nasaktan ka, may mga matutunanan ka naman." Sabi ko sa kanya.
"I know what your point Ethan. I mean naloko ka na ba?" Muli akong napangisi sa sinabi niya. Hindi naman maloloko ang mga lalaki, pwera na lang kung may ibang lalaki ang babae. Minsan kasi, o sabihin na nating madalas. Lalaki talaga ang nanloloko.
"No Reizel," natawa tawa ko na lang sabi sa kanya. "Minsan kasi nagmahal na ako. Ginawa ko na ang lahat para lang maging kami. Yung efforts ko sa kanya, maganda naman ang nagiging takbo nang panliligaw ko sa kanya kaya lang nagbago 'yun isang araw." Kahit ngayon pala, naaalala ko pa rin 'yung mga nangyari na hindi na naman dapat pang alalahanin. Isa na 'yung past na kalangan nang kalimutan.
"Anong nangyari? Bakit nagbago?" Tanong niya sa akin.
"Nagsawa siya sa akin. Puro daw kasi ako gawa nang gawa. Saka yung mga efforts ko naman daw ay kayang kaya rin naman daw niyang gawin kaya naghanap siya nang bagong lalaki. Reizel, masakit kasi doon ko pa lang naramdaman kung paano masaktan. Ginawa mo ang lahat para sa kanya pero siya binalewala lang ang lahat. Kaya sinabi ko sa sarili ko na, hindi na muna ako magmamahal. May isang tao rin kasi akong hinihintay na mapasa akin." Lumingon ako kay Reizel at tinitigan ang mga mata nito.
"S-Sino naman 'yun?" Nauutal niyang sabi saka. Siya umiwas nang tingin at hinawi ang buhok na nililipad nang hangin.
"Isa siyang sikat na singer. Dati ang hirap niyang abutin kasi hanggang mall shows at events ko lang siya nakakasama. Sa umpisa, hi-hello's lang ang usapan pero ngayon hindi na ganun. Masaya ako kasi ngayon, nakakasama ko na siya." Nakangiti kong pagkukwento ko sa kanya. Kung alam niya lang na siya ang tinutukoy ko.
"Ethan? Sino 'yang tinutukoy mo?" Nakakunot na noo niyang tinanong sa akin.
"Kapag sinabi ko ba, hindi mo ipagsasabi?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi na tuloy maalis ang mga ngiti ko sa labi, she keeps me happy. Kailangan ko din naman siyang mapasaya para makalimutan ang mga sakit na naramdaman niya.
"Oo naman," she giggled. "Sino nga?" Pag uulit niya sa tanong niya.
"Ikaw." Diretsyo kong sabi sa kanya. Napansin kong lumunok pa siya nang laway nang banggitin ko 'yun. Tinanong naman niya kasi kung sino ang tinutukoy ko. Sinagot ko naman na siya. "Oh? Nagulat ka ata?" Nakangisi ko pang sabi sa kanya.
"H-Hindi." Nauutal nitong sabi. "Seryoso ka ba?" Tanong pa niya.
"Sa tingin mo ba lolokohin kita gaya nang ginawa sayo ni Nolan?" Ngiti kong sabi sa kanya. Sa sinabi ko naman ay unti unting nagkaroon nang mga ngiti ang labi niya. Tumayo ako at nagpagpag nang buhangin. I offered my hand para makatayo siya. Inabot naman niya ang kamay ko at tumayo na rin siya.
"Its nice to talk with you, Ethan. Nakakapagrefreshing nang utak." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Gusto mo ba marinig akong kumanta?" Sabi ko sa kanya. Napataas siya nang kilay sa sinabi ko.
"Talaga? Marunong kang kumanta?" Di makapaniwala niyang sabi sa akin. Natawa na lang kami dalawa sa pag amin ko na medyo marunong runong naman ako. "Sige, try mo nga."
I clear my throat. Natutuwa na lang ako na medyo nagiging close na rin kami ni Reizel. Sa ganitong sitwasyon pala nagkakaintindihan kaming dalawa. We could share our feelings together.
'When you find yourself
In some far off place,
And it causes you
To rethink some things.
You start to sense
That slowly you're becoming someone else
And then you find yourself.'
Nakatingin lang nang diretsyo si Reizel habang pinapakinggan niya akong kumanta. Tamang tama lang din naman ang kanta ko for her. She needs to find herself, na kahit na maraming nangyari sa kanya at naloko siya. Kailangan niya talagang harapin kung anong nangyayari. Dapat harapin niya kung anong dapat. Siya mismo ang umalaman nang mga mali niya.
"You have a good voice, Ethan. Nice!" Nakangiti pa nitong sabi sa akin.
"Salamat. Listen to this stanza, Reizel." I clean my throat again ang start to sing.
'When you meet the one
You've been waiting for,
And he's everything
That you want and more,
You look at him
And you finally start
To live for someone else.
And then you find yourself;
That's when you find yourself.'
Sana makita na rin ni Reizel kung sino nga ba dapat ang para sa kanya. She need to find the guy na para sa kanya talaga at 'yung hindi siya sasaktan at lolokohin.
Nakarating kami sa may tabi nang dagat nang kumakanta pa rin ako. Hindi ko rin namalayan na magkahawak na rin pala kami nang kamay. Hindi ko rin naman binibitawan kasi ginusto ko rin naman eh. Dahil naka tsinelas rin naman kami ay naramdaman na namin ang alon anng tubig nang dagat.
Bumitaw sa pagkakahawak si Reizel at tuminginn sa akin. Tumingin din naman ako sa kanya. Nakangiti itong nakatitig sa mga mata ko. "Ang ganda nang boses mo Ethan. Masabay ka nga minsan sa recording ko." Saka natawa tawa si Reizel. Napakamot na lamang ako nang ulo sa sinabi niya. Siya pa talaga ang nagsabi na maganda ang boses ko ha? Si Reizel Saavedra na 'yan. Magaling na singer pa ang bumati sa boses ko.
"Seryoso? Isasama mo ako?" Tanong ko pa sa kanya.
Tumango naman ito sa akin. "Oo, duet din tayo minsan." Naglakad na ulit kami pero ngayon sa mga tabi na nang dagat at mukhang tatangayin pa kami sa lakas nang hangin dito. "Gusto mo rin akong kumanta?" Pagtatanong niya sa akin.
Lumaki ang ngiti sa labi ko nang sabihin niya 'yun. "Naman! Ikaw pa!"
"Naku, nambola ka pa." Natawa pa 'to. "Sige, sasagutin ko lang ang kanta na kinanta mo." Tumango naman ako sa kanya. She clears her throat. Dati sa mga fans niya lang siya kumakanta at sa cellphone o ipods ko lamang siya naririnig kumanta pero ngayon harap harapan ko na.
'Why did I let myself believe that
Miracles could happen?
'Cause now I have to pretend
That I don't really care'
'I thought you were my fairy tale
A dream when I'm not sleeping
A wish upon a star
That's coming true'
Napatango tango na lamang ako sa pagkanta niya. I know what does she sangs mean. Lahat naman talaga nang kanta ay may meaning. Yun na lang kung paano rin idi-deliver nang singer ang pagkanta. Kung may emotional ang pagkanta, may nakaka attach nang feelings nang isang tao.
'But everybody else could tell
That I confused my feelings with the truth
When there was me and you'
Natapos siyang kumanta nang nakangiti pero may tumulong luha sa mata nito na agad naman niyang pinunasan at tumawa. Hinampas pa ako nito sa braso. Nahalata kong naging pilit ang tawa niya doon, kasi may meaning ang kanta na sinabi niya.
"Okay ka lang ba?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Haha! Oo, okay lang ako. Ano ka ba!" Sabi nito sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang hawakan nito ang kamay ko at sinandal sa balikat ko ang ulo niya. Wala naman akong nagawa kaya naglakad na lang kaming dalawa.
Ang sarap pala nang feeling na 'yung taong gusto mo at inaasam. Ngayon nakasandal na sayo. Nakangiti lang ako habang naglalakad kami at may malakas na hangin na halos itulak na kami.
"Alam mo Ethan, sayo lang ako naging comfortable nang ganito. Mas nalinawan ako sa mga nangyari, na dapat hindi dalhin ang mga nangyari sa ngayong panahon. Mawawala rin naman lahat eh." Sabi nito at iniangat ang ulo niya at tumingin sa akin.
Nagulat na lang din ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi ko. Napahagikgik pa si Reizel at nagtatakbo na. Hinabol ko naman siya bigla.
"Hoy! Madaya ka, nagnanakaw ka nang halik!" Sigaw ko dito habang tumatakbo kami sa gilid nang dagat.
"Hindi naman nakaw 'yun! Sa pisngi naman!" Saka siya tawa nang tawa habang tumatakbo. Kapag may pagkakataon ay binabasa ko siya at nahihinto siya at tatakbo muli.
Ang saya lang tingnan ni Reizel sa mga ganitong sitwasyon. Mas masaya kasi naset free niya na lahat nang nararamdaman niya. Kailangan naman kasi talaga iwanan ang nakaraan at pumasok sa araw na kailangan harapin nang buong buo.
Nang mahabol si Reizel ay bigla ko itong niyakap dahil sa hindi naman namin alam na may darating na alon ay naanod din kami at nahiga sa buhangin. Nang maalis ang alon ay nakita ko na rin ang nakangiting mukha ni Reizel. Kahit basa siya ay maganda pa rin.
Piningot ko ang ilong niya. Nasa ilalim ko siya at nakapaibabaw ako sa kanya. Hindi ako nahihiya sa sitwasyon namin ngayon kundi natutuwa pa ako.
"Madaya ka! Nagnanakaw ka nang halik!" Muli ko siyang piningot sa ilong niya. Agad niya namang inalis ang kamay ko at hinimas ito.
"Hindi nga kasi 'yun stolen kiss." Pagtatanggol niya sa sarili niya.
"Eh ano 'yun?" Nakangisi ko pang sabi sa kanya. Hindi pa rin kami umaalis sa posisyon naman. Medyo may kalayuan pa rin naman ang resort eh. Pero basang basa na kaming dalawa dahil sa inalon nga kami.
"Thank you kiss." She said and giggled.
"Thank you kiss?" Pagtatanong ko pa sa kanya. "Eh eto, hindi na thank you kiss." Inilapat ko ang labi ko sa labi niya at naglapit ang aming mga maiinit na labi. Umalis din naman agad ako sa pagkakahalik sa kanya at umayos na rin nang posiyon at umupo. Nahihiya tuloy ako sa kanya.
"Para san naman 'yun?" Sabi pa niya.
Muli ko siyang hinarap at ngumiti. "Love kiss ang tawag don." Sa pagkasabi ko ay bigla akong niyakap ni Reizel at muling naglapat ang mga labi namin.
Love kiss diba? Ibigsabihin, may namumuo nang love? Naku naman! Ang lakas na nang tama ko! Mabuti na lang at naiwan na ni Reizel ang mga sakit na nadarama niya.
--STAR--
Author's Note:
Hindi pa 'to ang last chapter guys! Marami pang chapters na darating at marami pang mangyayari na hindi niyo inaasahan. Basta, keep reading na lang at supporting sa story ko. SALAMAT SA INYO GUYS! Baka maging madalas na ang 2 chapters per day kasi gusto ko na rin talag 'tong matapos. HAHAHAHA! THANK YOU ULIT. Lovelots xx.
Mga ginamit na song sa chapter na 'to.
- Find yourself - Brad Paisley
- When There Was Me And You - HSM Soundtrack (Vanessa Hugdens)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top