Star 28

                                                          Star 28

Minulat ko ang mga mata ko at nag-unat. Tiningnan ko ang orasan at alas dies na pala nang umaga. Bumangon na rin naman ako sa kinahihigaan ko. Tulog pa si Cezar at Ethan. Si Ethan mukhang bagsak talaga kasi siya ba naman ang magdrive for two and a half hours. Malamig ang kwarto namin dito kaya kinumutan ko ang dalawa. Sumilip ako sa may bintana ay hindi naman gaanong katirikan ang araw kaya pwede na rin. Lumabas na ako nang kwarto nang makasalubong ko si Millette.

           Natulala pa ako as in. Artista 'yun, singer specific. Kay Reizel, hindi na ako masyadong na starstruck pero sa kapatid niya lang pero itong kay Millette ay napatulala talaga ako. I can't imagine na makikita ko siya ngayon, hindi ko naman siya bias, artista kasi siya kaya maraming natulala. Ang nonsense ko dinaanan lang naman ako. So for what pa?

           Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad palabas nang suit na tinirhan namin. Pagkalabas ko ay maamoy mo ang simoy nang dagat. Ang fresh lang nang hangin dito kaysa doon sa amin. Puro polusyon ang malalanghap mo.

           Umupo lang ako sa may duyan dahil nalililiman naman nang mga puno dito. Tinatanaaw tanaw ko ang paligid. Maganda ang paligid, maputi ang buhangin at asul na asul ang dagat.

           "Brena." Napalingon ako sa tumawag nang pangalan ko. Nakangiti itong palapit sa akin. Napangiti na lang din naman ako sa kanya. "Why you were here alone?" Tanong niya sa akin nang makalapit siya.

           Tumabi naman siya sa duyan na inuupuan ko at nag sway na rin ito. Niyakap niya rin ako bigla. Haay, hindi ko talaga inaasahan na itong si Cezar ay magiging boyfriend ko. Like what! Asaran at bangayan ang laging nangyayari sa amin tapos in the end kaming dalawang ang magkakatuyan, so cliché diba? Pero masaya kapag ganun diba, simple lang pero kakaiba.

           "Wala lang Cezar," pinisil ko ang pisngi niya. "You know, first boyfriend kita pero hindi ikaw ang first love ko." Sa sinabi ko sa kanya, napayuko naman bigla ito.

           So damn funny! Ang seryoso naman nito ni Cezar, totoo nga naman kasi na hindi siya ang first love ko. Si Ethan pangalawa lang siya pero mas okay na rin kasi siya rin ang first ko.

           "Why first?" Narinig ko sinabi niya.

           "Oh anong masama dun? Ayaw mo n'un first boyfriend kita?" Napakunot ako nang noo sa kanya. Iniangat naman niya ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko.

           "What if you find someone better than me, first is just a first. When you find the second one its just more one thing that you better love the second. Why would you love the second if you don't love the first one." Napatango na lamang ako sa sinabi niya.

           Nalungkot naman ako sa sinabi niya kasi may point naman talaga siya sa sinabi niya. Hindi naman daw ako magmamahal nang pangalawa kung naging sapat na ang una. Haay, Cezar. I chose you because there's a one thing that everyone couldn't find to them for me, Cezar is special.

           "Cezar, don't mind it. I love you, just please remember that. I chose you Cezar, 'cause your the one who makes my life happy." Sa sinabi ko ulit ay niyakap na naman ako nang sobrang higpit. Yung tipong hindi ka na makakahinga.

           "I love you too, Brena." Then he kissed me at my forehead. Pang matanda diba? Pero its just a respect to girls minsan. Mas mabuti nang sa noo kasi minsan sincere pa ito. I love the way he efforted much to me.

           Ilang minuto rin kaming magkayakapan. Feeling happy with each other.

           "Guys!" Napalingon kami sa nagsalita. Si Ethan lang naman pala. Palapit ito sa aming dalawa ni Cezar. "Lunch na tayo, hinihintay na tayo nila Reizel at Rizza doon." Sabi niya.

           Tumayo na rin naman kaming dalawa ni Cezar sa duyan at sumunod kaming dalawa kay Ethan. Habang sinusundan namin si Ethan ay hinawakan ni Cezar ang kamay ko at mahigpit ang pagkakahawak niya na parang ayaw na niya akong pakawalan pa.

           "Ethan!" Tawag ko rito. Naabutan naman namin ito sa paglalakad kaya nasabayan na namin siya. "Ethan..." ulit ko pa.

           "Bakit?" Tugon nito sa akin.

           "Nakita mo ba si Millette kanina?" Pagtatanong ko sa kanya.

           "Tinanong mo na sa akin 'yan kanina rin. Siguro nga namamalikmata ka lang talaga." Ngisi pa nito.

           "No Ethan! Kitang kita siya nang dalawa kong mata. Nagkasalubungan pa kaming dalawa pero syempre dinaanan niya lang ako. Na startruck kasi ako sa kanya eh." Amaze na sabi ko sa kanya. Yung kaninang umaga rin naman ay hindi ako namamalikmata. Kasi nga kitang kita na nang dalawa kong mata.

           "Imbento ka masyado Brena. Hindi pwedeng nandito rin si Millette, magkakagulo lang 'yan silang dalawa ni Reizel kapag nagkita sila." Sabi ni Ethan.

           "No! Bro, I saw her too with my own eyes. She's so toasted too."

           Natawa naman kaming dalawa ni Ethan sa sinabi ni Cezar. Kahit kailan talaga ang lakas mang asar pero kapag siya na ay madali rin mapikon. Ang panget din naman nang accent kapag magtatalog. Ang conyo niya masyado.

           "Really? Bahala na lang." Napakibit balikat na lang si Ethan sa sinabi niya.

           "Ethan," tawag ko pa sa kanya at tinanguhan na lamang ako nito. "Diba Millette and Reizel are rivals? Pagbatiin mo kaya! Hahahahaha!" Kahit ako nabaliw sa sinuggest ko.

           "Damn suggestion, Brena." Singit ni Cezar kaya binatukan ko na agad. Kung maka damn naman kasi akala mo may mga suggestions siya na naaprubahan.

           "Sige na, hinihintay na nila tayo sa cafeteria."

           Pagdating naman namin sa cafeteria nang suit ay nakita namin sina Rizza at Reizel na inaantay nga kaming tatlo. So much paimportante kaming tatlo nakakahiya tuloy. Nakita na rin naman nila kaming tatlo kaya sumunod na lang din naman kami sa kanila.

           Umupo kami sa may reservation seats doon. Wow ha, ang vip naman namin masyado dito sa suit na 'to. Syempre kasi may kasama kaming artista at kilalang kilala ba naman diba.

           "I heard Millette was here." Sabi ni Rizza. Tiningn ko naman ang kapatid nito na umiwas na lamang nang tingin.

           "Yes she's her," sabat ko kaya napalingon silang apat sa kain. "I saw her."

           "Me too." Dagdag ni Cezar.

           "Ah! so that's good." Nakangiti pa nitong sabi.

           "Anong good dun ate? Rival ko 'yun 'no." Reizel rolled her eyes. Pansin ko sa boses niya na nairita siya. Kahit ako naman 'no lalo kapag kabit mo 'yung nandito tapos may balak siyang gagawin diba? I hate it.

           "Okay fine Reizel, basta enjoy your vacation here. Find yourself." Sabi ni Reizel. Natahimik naman siya sa sinabi nang kapatid saka na dumating ang waiter at kinuha ang mga orders namin.

           Pansin ko lang kay Ethan ay sobrang makatitig kay Reizel. Paano na lang kaya kung nakakatunaw ang pagtitig ibigsabihin niyan, apat na lang kami dito. Ilang minuto rin nang bumalik ang mga waiter at dala dala na rin ang mga pagkain na in-order namin. Nagsipagkainan naman kaming lima. Walang kumikibo, mga kalansing lamang nang kutsara at tinodor at mga pagnguya lamang ang maririnig sa amin.

           Nauna akong natapos kumain sa kanilang lima. Nagpaalam naman ako sa kanila na mag cr lang ako. Kasi kanina pa rin ako naiihi. Pumunta ako sa cr at umihi rin naman agad. Lalabas na sana ako nang cr nang pumasok naman si Millette kaya natulala na naman ako dito.

           "Why are you looking at me?" Napabusangot na lang ako nang magsalita siya. Ang taray naman nang isang 'to. I rolled my eyes to her, mabuti na lang at hindi ako fan nang isang 'to. Masama ba kasing tingnan siya? For me, hindi. Artista siya at hindi maaring walang tumingin sa kanya.

           "Sorry, I'm not." I flip my hair. Aalis na sana ako nang bigla niyang hatakin ang buhok ko kaya napaharap ako bigla sa kanya. "How dare you!" Sabi ko sa kanya.

           Minsan lang may bumangga sa akin at sa minsan na 'yun. Minsan na rin akong nakipag away. Ayaw ko man pero kung susubukan ako nang babaeng 'to ay hindi ako pipigil. Nasaktan ako sa ginawa niya, hindi pwedeng wala akong gawin kasi artisya at ipa media pa niya na sinaktan siya. So what? I have the rights naman, pero syempre artista yan maraming fans. Kaya siya magwawagi.

           "You are with Reizel diba? Oh c'mon! Nakikisabit ka na ba? Oh well, I don't know you. So please get out." Turo niya pa sa pintuan. I rolled again my eyes to her. Kung hindi ako makakapagtimpi nito, sasampalin ko na talaga anng babaeng 'to.

           "Alam mo maganda ka,"

           "Thank you!" Nakangiti pa nitong sabi at matawa tawa.

           "Oo tama ka, mas maganda ka sa mga demonyo. Umangat ka lang nang konti. Kasi medyo brownish naman ang skin mo. Pero konti lang talaga, sige na. Ayokong mapasama sa kedemonyohan mo. And please, go to hell." Saka ako lumabas nang cr.

           Napanganga siya sa sinabi ko. Akala niya ba papatalo ako kasi inaasar niya ako. Naku! Nagkamali siya nang natapatang tao. Mali siya nang sinanggi.

           Bumalik ako sa cafeteria sina Rizza at Cezar na lamang ang nandoon pagbalik ko. Kaya nang umupo ako ay tinanong ko agad kung nasaan na silang dalawa.

           "Sinamahan ni Ethan si Reizel, kasi gusto raw muna ni Reizel magliwaliw muna." Sabi ni Rizza sa akin. Tumango at ngumiti na lamang ako sa kanya. "Bakit nga pala ang tagal mo sa cr?" Curios na tinanong ako ni Rizza.

           Huminga ako nang malalim at nagpapay nang kamay kahit na malamig ang cafeteria. "Si Millette kasi hatakin daw ba ang buhok ko." Irita kong sabi.

           "What?" Singit na naman ni Cezar sa usapan.

           "Alam mo ba Brena, Reizel and Millette are bestfriends." Nawala yung ngiti sa labi ni Rizza nang sabihin niya 'yun.

           "Talaga? I didn't know. Ang pagkaka alam ko lang sa kanila ay rivals sa singing career. Wala akong nabalitaan na ganyan." Napaisip tuloy ako bigla sa sinabi ni Rizza. Promise wala talaga akong nasasagap na balita na ganyan. All I know is rivals nga sila. "So how did they became rivals?" Tanong ko.

           "Because of insecurities." Simpleng sagot ni Rizza.

           "Whom?" Tanong naman ni Cezar. Ngayon lang siya naging interesado sa mga ganitong usapan ah. Kasi minsan aalis na lang ito o kaya maglalaro nalang.

           "Millette."

           "Oh? Talaga? Kaya pala kung makasabunot kanina kala mo kung sino." Dagdag ko pa.

           "Yes, nainsecure kasi siya sa naging takbo nang career ni Reizel. Siya rin kasi ang naging dahilan kung bakit nakapasok si Reizel sa singing career, in the end mas lalong umangat si Reizel than Millette kaya nagkaroon nang rivals ang dating magbesfriend." Pagkukwento niya sa amin.

           Kaya rin pala ganun na din kung umakto si Millette kanina. Haay, people change nga naman. Kung sino pa 'yung bestfriend mo siya pa yung nagiging matindi mong kaaway. Hindi nga ako nagkakamali, sa mga maliliit na bagay nagagawang palakihin ang hindi naman dapat. Ma pride lang din siguro si Millete kaya ganyan siya.

           "I see," tango tango ko pa.

           "So that is." Singit na naman ni Cezar.

           "Tara na sa labas, I know mamayang gabi rin ay magkakaroon nang bonfires dito. Mag eenjoy tayo nang sobra." Tumayo na rin naman kami.

           "Salamat din po pala saa pagsama." Nahihiya kong sabi.

           "Its okay, its because of Ethan too. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mahahanap ni Reizel ang katotohanan."

           "Oo nga." Pag sang ayon ko na lang at lumabas na rin naman kami nang cafeteria at lumabas nang suit.

           Humiwalay sa amin si Rizza kasi may kakausapin daw muna siya kaya kaming dalawa na lang ni Cezar ngayon.

           "Saan na kaya nagpunta sina Ethan at Reizel." Sabi ko. Nakahawak na naman sa mga kamay ko si Cezar. Ang sweet lang.

           "Don't mind them, Brena. I know Ethan is happy because he's with Reizel. His longtime crush."

           "Ah." Saka ako tumango. "Tara, mag enjoy na muna tayo." Saka ko bumitaw sa kamay niya at tumakbo. Hinahabol na naman niya ako.

           "Wait for me!" Sigaw nito.

           I know mahahanap rin nila Ethan at Reizel ang tunay nilang mga gusto. Sa ngayon, mag eenjoy muna akong kasama si Cezar.

           "Unggoy!" Sigaw ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top