Star 27
Star 27
Rizza planned for a summer vacation. Niyaya niya ako na sumama sa kanila at sinabihan pa ako na magyaya din nang bestfriends ko daw para hindi daw ako ma-op kung sakali. Syempre ang dalawang makulit sa buhay ko na si Brena at Cezar lang naman ang isasama ko.
Rizza planned it para daw makalimutan muna ni Reizel ang mga nangyari at maging masaya ulit. Nung nagbreak kasi silang dalawa, hindi na daw lumalabas nang bahay si Reizel kaya lahat nang meetings at practice nila ay niresched na. Nandito lang naman ako kay Reizel, if she doesn't feel me well I will feel for her that I'm here for her.
Nandito kaming tatlo sa bahay ni Brena kasi ang sasakyan niya daw ang gagamitin naming tatlo. Magkikita na lang daw kami sa lugar kung saan kami manunuluyan. Hanggang ngayon, hindi pa rin tapos si Brena kakaayos nang damit niya. Ngayon ko lang din kasi siya sinabihan kaya nagmamadali tuloy tapos si Cezar ay kahapon ko pa sinabihan.
Mabuti na lang talaga at nabisto na si Nolan sa pinag gagawa niya kung hindi talaga, maaring gumulo pa ang sitwasyon nila Reizel. Ngayon na nalaman na ang katotohanan at wala nang magagawa si Nolan, bistado na siya at walang magagawa.
Brena's POV
Bwisit naman kasi si Ethan ngayon lang ako sinabihan na isasama daw niya ako sa summer vacation na niyaya rin daw siya ni Rizza. Hindi na ako aangal pa at kasama na rin naman si Cezar. Mabilis kong inayos ang mga dadalhin kong damit baka daw kasi 3-5 days kami doon. Wala namang problema sa akin kung ganun katagal, mas mag eenjoy pa nga ako lalo na kapag malapit lang sa beach.
Binitbit ko na ang bag na may mga damit ko at ibang mga kailangan ko pa. Dali dali naman akong bumaba nang hagdan at tumungo sa sala kung nasaan dalawa. Tumayo na rin naman sila at kinuha ang dala dala ko. Pinalagay ko na rin naman ang mga gamit namin sa compartment nang sasakyan ko. Si Ethan naman ang magdadrive nang sasakyan dahil marunong naman ito.
"Ready for the trip?" Pagtatanong ni Ethan.
Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Ready! Pero sana kasi sinabihan mo na agad ako Ethan hindi na sana tayo nagtagal pa!" Saka ko inirapan.
"That's okay, Brena. You are with me this summer vacation." Singit pa ni Cezar.
"Oo na." Saka ko siya binatukan, kung makadaldal din kasi eh.
"So? Tara na!" Sabi ni Ethan. Sumakay na rin naman kami sa loob nang sasakyan. Syempre si Ethan na ang driver namin kaya sa harap siya at sa likod lang kaming dalawa ni Cezar.
Inistart ni Ethan ang sasakyan at pinaandar na ito. Sinabi rin ni Ethan na sa place na kung saan daw kami manunuluyan ay doon daw magkikita kita. So alam na naman ata ni Ethan kung saan 'yun kaya no problem na para hanapin pa ang direksyon. Ilang minuto lang din ay naka labas na rin kami nang city. Mukhang mahaba haba ang biyahe nito kaya mukhang makakatulog rin ako.
Nakatingin lang ako sa side window ko dahil 'tong si Cezar at tulog na agad. Maaga pa ngayon at sisikat pa lamang ang araw. Kahit ako, naalimpungatan sa kanilang dalawa at hindi na maghahanap pa nang masasakyan diba. Nakasandal ang ulo ni Cezar sa balikat ko. Natatawa na lang ako kung paano naging kaming dalawa ni Cezar. Hindi naman namin inaasahan na sa bangayan pa lang 'yun may mabubuong sparks sa aming dalawa.
Kasi kahit na malakas ang trip ni Cezar sa akin. Nawala rin isang araw ang inis ko sa kanya at napalitan nang bilis nang tibok nang puso. Haay! O.a ko na!
Napahikab ako. Inaantok na rin ako pero wag muna ngayon dahil kailangan bantayan si Ethan at makatulog pa 'yan.
"Ethan!" Tawag ko rito. Pwede naman na pampatanggal antok ang pag uusap. Muli akong nahikab.
"Bakit?" Tugon nito sa akin. Diretsyo lang ang tingin niya sa dinandaanan nang sasakyan. Syempre baka mabangga pa kami.
"Kamusta si Reizel?" Pagtatanong ko. Naghintay pa ako nang sagot niya pero walang tugon. Hindi naman ata nakatulog 'to diba? "Hoy! Ethan! Wag ka matulog diyan! Titirisin kita diyan!"
"I'm not." Sagot pa nito.
"Eh bakit hindi mo ako sinagot? Masyado bang private kung pag uuusapan silang dalawa? Naku Ethan! Baka nagkakamali ka, ako pa ata ang nag isip nang dahilan para maging successful 'yang plano mo." Ngisi ko pa sa kanya.
Narinig ko pa siyang nagbuntong hininga. "Ethan, kung ayaw mo naman sabihin, okay lang naman." Okay lang. Totoo. Nakakaasar lang, dati naman ay hindi siya ganyan. Sinasabi naman niya kung may problema ba siya, mga tipong ganun.
"Its okay Brena, hindi naman masyadong private." Sabi niya.
"So? Anong nangyari?" Pagtatanong ko.
"Well, Reizel is still crying whenever she is alone sabi nang ate niya. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin kay Reizel na its over. Mahirap kasi sa isang sitwasyon na ikaw mismo ang nasa kalagayan. Ang masaktan at maloko."
"So Ethan, the point is mahal pa rin ba ni Reizel 'yung Nolan ha?"
"Hindi ganun kadali Brena mag let go nang feelings." Napataas ako nang kilay sa sinabi niya.
"Right," mahina kong sabi. "Mahirap nga talagang mag let go nang feelings sa taong minahal mo." Parinig ko. Siguro naman magegets niya yung sinabi ko sa kanya.
Tinignan ko si Ethan at natahimik sa sinabi ko. Napangiti na lang ako sa kanya, oo mahirap naman talaga mag let go nang feelings mo sa isang tao lalo na kapag mahal na mahal mo talaga ito.
"Sige Ethan, matutulog na ako. Wake me up if you want something ha?" Sabi ko.
"Sige." Tugon lamang nito.
Pumikit na rin naman ako nang mata ko at niyakap ang katabi ko na si Cezar. Malamig ang sasakyan kaya hindi pwedeng walang mayayakapan. Haay! Buti na lang ang warm nang katawan ni Cezar.
--STAR--
"Brena! Cezar! Nandito na tayo!" Narinig ko na boses ni Ethan. Dahan dahan ko minulat ang mata ko at nabigla ako nang yakap yakap ko pala si Cezar at nakangiti pa ito sa akin. Inalis ko agad ang pagkakayakap ko sa kanya, umaabuso ang isang 'to ah. Bumaba na rin naman kaming dalawa ni Cezar nang sasakayan.
Nakita ko ang sign nang pinatutuluyan namin at malapit nga lang ito sa beach kasi naamoy ko na ang dagat. 'Marinasansan Beach Resort' ang nakasulat dito.
Kinuha naman naming tatlo ang mga bags namin sa compartment nang sasakyan. Nagpalingon lingon ako sa paligid, ang ganda talaga. I can't imagine na makakapunta ako sa ganitong place without my family pero ayos na rin at kasama ko ang mga kaibigan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sinong babae ang umagawa nang atensyon ko. Si Millette Sadreana.
Lumapit ako bigla kay Ethan at itinuro si Millette pero nang paglingon muli namin doon ay wala na ito. Sinabihan pa ako ni Ethan na baka namamalikmata lang daw ba ako o tulog pa daw ako. Hindi rin naman ako sigurado sa nakita ko kasi I'm not sure eh.
Naglakad na rin kami at nakita na rin naman namin sila Reizel at ang kapatid nito. Hindi ako makapaniwala na ang ganda pala nang kapatid niya. Si Rizza. Ito ba yung hinahanap dati ni Ethan? Nakakatuwa lang din ang liit pala nang mundo nila.
Inakbayan na lang ako ni Cezar para hindi kami ma op sa kanilang tatlo. Si Ethan ay sinabayan sa paglalakad ang tatlo at kaming dalawa naman ni Cezar ay sumusunod na lang sa dalawa. I wonder if lalong ma attach si Ethan kay Reizel what will happen?
Nang makarating kami sa pagtutuluyan namin ay nahiya kami bigla. Sila Reizel pala ang magbabayad sa mga rooms na iooccupy namin. Hindi rin naman sinabi ni Ethan na gastos pala nang mga Saavedra 'yun.
Napangwi na lang kaming dalawa ni Cezar sa kanila.
"You are?" pagtutukoy sa akin ni Rizza.
Ngumiti na naman ako. "Brena." Tinanong din naman niya si Cezar at sinagot naman nito.
Pansin ko lang hindi kumikibo si Reizel. Halata pa rin sa kanya 'yung nangyari siguro about sa break up diba. Hindi ko na lang din ito pinansin at baka awayin pa ako kung pakelaman ko siya diba. Masaya na ako kay Cezar.
"Tara na! Brena at Cezar sa kwarto natin." Tumango naman ako at sumunod na lang kami kay Ethan.
Pagkarating namin sa room ay inilapag na rin naman agad ang mga gamit namin. Kalapit lang naman na kwarto sina Reizel at Rizza. Humilata agad ako sa kama, good for three naman at sakto kaming tatlo. Pumikit agad ako pero napaupo ako bigla nang maalala ko na naman si Reizel.
"Ethan!" Tawag ko rito na nakahiga na rin. Siguro sobrang pagod ba naman kasi, almost 2 and a half hours ang biyahe ba naman kaya nakakapagod din. Si Cezar ito, sa kama ko tumabi at natulog. Hayaan mo sa kabilang kama na lang ako. Lumingon naman sa akin si Ethan.
"Oh?" Sabi nito.
"What's with Reizel? Bakit hindi siya kumikibo kanina?" Tanong ko.
Napakibit balikat na lang si Ethan sa sinabi ko. "I don't know, maybe I think she can't over yet." Sabi nito at pumiki na lamang nang mata.
Makikitulog na nga rin ako, I need rest. Mamayang hapon na lang kami mag gagala sa beach resort na ito. I know, sa place na ito may magandang mangyayari. Hindi lang sa akin kundi kay Ethan at Reizel na rin. I know somethings were up to.
--STAR--
Author's Note:
Shortest update ko sa story na ito. Sorry kung ito lang kinayanan nang braincells ko. Pero sana na ejnoy niyo naman! THANK YOU ULIT GUYS! I promise na araw araw na ulit update nito. Pero kung hindi naman, dalawang updates ss isang araw. Yun lamang SALAMAT! Lovelots xx.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top