Star 26
Star 26
I called up Rizza kung okay na naman na ba si Reizel. If she eats well, hindi na umiiyak at hindi nagkukulong sa kwarto. Good to hear to Rizza that lumabas na rin naman daw ito nang kwarto niya. Siguro nahimasmasan na rin si Reizel sa nangyari. I realized to her that no matter what happen, if she know had the guts to stay from what you are, just stay and smile.
We will be meet later Nolan. Rizza called her na makikipagkita nga si Reizel sa kanya, alam na rin naman ni Rizza ang mga nangyari kaya walang dapat na itago. She knows the best for Reizel, magkapatid sila kaya nilang ipagtanggol ang isa't isa.
Nandito nga na naman si Brena at Cezar sa unit ko. Nakita ko pang magkaholding hands ang dalawa kaya laking gulat ko na lang. Sinabi naman nila agad sa akin at hindi na nila nilihim pa. Sila nang dalawa, I'm happy for them sabi ko nga hindi tatagal ang bangayan nilang dalawa at magiging happy ang ending nilang dalawa. Nandito nga daw talaga silang dalawa sa unti ko para sabihin nga 'yun pero naunahan ko.
"Seryoso ba kayo diyan?" Pagtatanong ko sa kanya. Si Cezar naaalala ko pa, first time niyang makita si Brena ay naasar agad ito at puro bangayan na silang dalawa. Hindi ko aakalain na, ang bangayan at naging inlaban.
"Ako?" Ngisi pa ni Brena. Tiningnan niya si Cezar at inirapan 'to at tumingin sa akin. "Naku! Ethan, nagjojoke lang kami! Sira ulo 'yang unggoy na 'yan eh. Isali pa ako sa biro niya." Sabay kindat ni Brena nang kaliwang mata niya.
"What?!" Makareact naman si Cezar. Ang oa masyado. "You'd say yes, right?" Hinawakan pa ni Cezar ang kamay ni Brena at nagmamakaawa ang mukha nito. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Magiging masaya at magulo siguro anng relasyon nilang dalawa, mga aso't pusa eh.
"O.a mong unggoy ka!" Saka binatukan pa ni Brena si Cezar. Natawa na lang ako. Iba talaga kapag magkasama silang dalawa. Siguro mag wowork out talaga ang relationship nila. Mabuti na lang silang dalawa. They finally reach their goals of love, pero sa akin hindi ko pa rin naaabot at mas gumugulo pa ang mundo ko ngayon. "Pasalamat ka, mahal kita." Tapos kinurot pa siya ni Cezar sa pisngi niya at nagpaluan pa sa braso.
Ngit ngiti na lang ako sa kanilang dalawa. Nakahinga naman nang maluwag si Cezar sa sinabi ni Brena. Nang matigil ang dalawa sa bangayan ay huminahon na rin ang mga ito.
"Ethan..." sabi ni Brena. "Saan ka nga pala pupunta ngayon?" Tanong ni Brena.
"Yeah, Bro? Where are you going? Can we just stay here in your unit?" Singit pa ni Cezar.
Wala naman din siguro makakaalam na iba kung hindi naman nila sasabihin sa iba. Napagkakatiwalaan ko naman 'tong dalawa kaya safe naman kung sabihin ko.
"Makikipagkita kami kila Nolan." Diretsyo kong sagot. Napakunot naman nang noo si Brena sa sinabi ko. Si Cezar, walang pakelam.
"Oh? Anong gagawin mo sa karibal mo?" Napangisi na lang ako sa sinabi ni Brena.
"Brena, pinagsamantalahan ni Nolan si Reizel. At may sikreto ako kay Nolan, nakita ko kasi si Nolan na may ibang babae maliban kay Reizel. Kaya ngayon papatunayan ko kay Reizel ang lahat nang sinabi ko." Sabi ko naman.
"Pinagsamantalahan talaga?" Tumango ako sa kanya. "Di na lang tinuloy, grabe naman." Brena flips her hair. Nagsalubong naman ang kilay ni Cezar sa sinabi ni Brena. "Eh Ethan, paano mo naman mapapatunayan kung kinausap niyo na siya? Syempre prepared na 'yan. May mga isasagot na 'yan. Irereschedule niya 'yung pakikipagkita sa so -called kabit diba? Di mo man lang ba naisip 'yun Ethan? Kahit kailan talaga, parehas kayo nang utak ni Cezar. Slow." Napaface palm naman siya sa sinabi niya.
Kahit ako rin napag isip isip ko rin ang sinabi niya. Mali ang ginawa namin, siguro kailangan ibahin ang plano pero wala akong maisip. Masyadong magulo ang pag iisip ko ngayon kaya kahit maliliit na lagay lang eh hindi ko maisip.
"So ano dapat plano?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Okay! Here's the plan," Umayos siya nang pagkakaupo at mas lalong dumikit kay Cezar. Naku! Hindi na ata mapaghihiwalay ang dalawang 'to. Masyado nang napagdikit sa isa't isa. "Ethan, listen. Diba natawagan niyo siya na makikipag meet kayo. Ang gawin niyo pumunta pa rin kay-"
"What a plan." Singit ni Cezar kaya hindi natapos ni Brena ang sasabihin niya.
"Hindi pa kasi ako tapos diba?" Inirapan niya ito at lumayo nang kaunti. "Kapag nandun na kayo, wag kayong magpapakita. Syempre yung makikita niyo pa rin siya pero nakatago kayo tapos bigla niyong icancel ang pakikipagkita niyo. Siguro kapag nangyari 'yun maghahanap ulit nang babae 'yun at pwede niyo na siyang mabisto. See Ethan? May pruweba ka na?" Proud na sabi ni Brena sa suggestion niya.
Maganda ang sinabi niya. Kaya sinang ayunan ko na agad siya at tinawagan si Rizza. Sinabi ko rin sa kanya ang plano, susunduin na lamang daw nila ako dito sa condo, dadaanan na lang daw nila si Shorty. May number na rin naman ako ni Shorty at sinabi ko sa kanya na sa company niya siya dadaanan nila Rizza. Sumang ayon naman lahat sila sa plano namin, ang problema ko na lamang ay kung anong magiging reaksyon ni Reizel mamaya.
Sinabihan ko na rin naman sina Brena at Cezar na dito na lang muna sa unit ko kung gusto nila mag stay. Ginusto naman nang dalawa kasi makakapaglaro daw sila nang playstation. Hindi na nga rin ako nakakalaro sa sobrang busy ko rin.
Palabas na ako nang unit ko nang biglang tumawag si Rizza. "Hello? Ethan!" Unang bungad pa lang nang boses nito ay may parang problema na.
"Oh Rizza? Anong nangyayari?" Nag aalala kong tanong sa kanya.
"Si Reizel! Ayaw na naman niyang lumabas ng kwarto niya. Natatakot daw kasi siyang malaman ang katotohanan." Ito na naman si Reizel, ikinukulong na naman niya ang sarili niya sa mga ilusyong pinakita sa kanya ni Nolan. Ayaw niya talagang kumawala sa panlolokong 'yun.
"Sige, pupunta ako diyan!" Sabi ko sa kabilang linya.
"Salamat Ethan, maaasahan ka talaga." Saka nito binaba ang telepono.
Dali dali naman akong sumakay papunta sa bahay nila Rizza. Naaawa na ako kay Reizel, hindi niya dapat nararanasan ang mga ganito. Dapat masaya siya ngayon dahil sa career niya hindi dapat siya nalulungkot sa pag ibig lang. Maraming nagagawa ang pag ibig, ang saktan ka, ang paasahin ka at iwan kang tanga.
Kaya minsan, hindi na rin ako sumubok magmahal pa at pumasok sa isang relasyon simula kasi nang iwanan ako nang nililigawan ko. Nasayang lang ang mga efforts ko, ginawang basura ang lahat. Ganun ata talaga ang iba, naghahanap nang mas matimbang. Hindi naman sa takot magmahal ulit, ayoko lang ulit mareject.
Ilang saglit lang ay nakarating din naman agad ako sa bahay nila Reizel. Sinalubong ako ni Rizza at sobrang nag aalala ang mukha nito kaya dali dali niya naman akong dinala ulit sa kwarto niya. Sinusukan kong ipihit ang seradura pero nakalock ang mga ito. Kumatok din ako nang ilang bses pero hindi niya pa rin binubuksan, mga hikbi lamang ang naririnig namin ni Rizza. Masyado bang mabigat na iwanan si Nolan. Si Nolan the great.
"Ethan! Hindi na ako sasama! Mas maganda 'wag na lang natin ituloy 'to!" Sigaw niya. Halatang umiiyak siya sa tono nanng pagsasalita niya. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya at muling kumatok. Hindi pwedeng magkulong na lamang siya sa kwarto dahil kung hindi hindi siya makakaalis sa mundong ginagalawa niya.
"Reizel! Hindi pwede. Hindi ka rin naman pwede magstay sa ganyang sitwasyon. Reizel, kailangan mong malaman at makita kung anong nangyayari sa paligid mo. Huwag kang magpatukso sa damdamin mo, labanan mo." Pagkasabi nito ay bumukas. Ang pinto at nakita ko angg namumugtong mata ni Reizel.
Mukhang magdamag siyang umiyak, halata naman sa mga mata nito. Binuksan ni Reizel ang pintuan at bigla akong niyakap nito. Umiiyak na naman siya, kailangan ko lang siyang patahanin. Hinilod ko ang likod nito. "Reizel, ayaw mo bang malaman ang totoo?"
"Ethan, natatakot ako." Sabi nito sa akin.
"Wag kang matakot. Reizel, nandito ako." Handa kang alagaan.
Ilang minuto lang nang huminahon na rin naman si Reizel at handa na kaming patunayan sa isa't isa na si Nolan ay hindi lang si Reizel ang babae. Sumakay na rin naman kami sa kotse ni Rizza, hindi namin gagamitin ang van ni Reizel dahil baka mahalata ni Reizel na nandun kami.
Tahimik sa Reizel na nakatingin lang sa labas nang bintana. Tulala at walang kibo sa amin. Kahit si Rizza, sobrang alala na siya sa kapatid niya. Hindi niya nga alam kung bakit naging ganyan si Reizel, basta may sinabi sa akin si Rizza na ayaw daw ni Reizel na niloloko siya, takot siyang maiwan pero hind niya alam ginagawa na sa kanya ni Nolan.
Sinundo na rin naman namin si Shorty sa building kung saan siya nagtatrabaho. Sumakay ito sa kotse na hindi man lang kami kinikibo. Nung una hindi ko nakilala si Shorty na siya pala ang kasama kasamang babae ni Nolan. Alam kong si Shorty lang din kasi ang magpapatunay sa lahat eh.
Maliliwanan rin kami kung sasabihin niya ang lahat.
Nakarating kami sa bar nang oras na sinabi namin kay Nolan. Pinayos ko silang lahat, nakatingin lang naman sila sa akin. "Ganito ang plano, Rizza kapag nandiyan na si Nolan ay agad mong icancel ang pagkikita nila at siguro kapag nangyari nga ay pwede niyang tawagan ang kabit tapos malalaman na natin ang hinahanap natin."
"Okay Ethan." Sabi ni Rizza. Nakatingin lang sa akin si Reizel at konting piga na lang sa kanya ay iiyak na siya. Si Shorty naman ay hindi mapakali kaya hindi ko na rin pinansin.
Nakapark ang kotse ni Rizza, dalawang bahay ang pagitan mula sa bar. Kitang kita naman dito kung sino ang mga pumapasok sa bar. Ilang saglit lang din ay may nag stop na sasakyan sa harap nang bar kaya lahat kami ay natigil at hinihintay kung sino ang lalabas. Nagsalubong ang dalawang kilay ko na si Nolan nga ang lumabas. Tinignan ko si Rizza at binalaan na sa gagawin niya. Nakatayo naman si Nolan at mukhang naghihintay na siya kay Reizel.
"Wag na nating ituloy 'to." Sabi ni Reizel.
"Oo nga..." dagdag ni Shorty.
"Hindi," tugon ko sa kanilang dalawa. "Rizza tawagan mo na si Nolan."
Tumango naman sa akin si Rizza at dinial ang number ni Nolan at nilagay sa tenga niya. "Hello? Nolan? Hindi muna daw makikipagkita sayo si Reizel, mabigat daw ang pakiramdam niya. Pasensya na daw." Sabi ni Rizza saka binaba ang telepono.
"Anong sabi?"
"Uuwi na lang daw siya at magpapahinga." Napakibit balikat naman si Rizza sa sinabi niya. Totoo naman kayang uuwi si Nolan. Si Reizel ay nakatingin lang sa bintana at tinatanaw ang nakatayong si Nolan.
Napansin namin na pakalad lakad si Nolan, pumapasok sa loob nang bar at lalabas ulit at hihinto sa tapat nito. Maya maya lang ay nilabas niya ang telepono niya at mukhang may tinatawagan. Hinihintay kong kay Reizel siya tatawag pero mukhang nagkamali ako nang kay Shorty ito tumawag.
"Shorty, ang gusto lang naman namin dito malaman ang totoo. Shorty, ayaw ka namin madamay dito pero ikaw lang din ang magpapatunay." Sabi ko sa kanya. Napapakagat ito sa ilalim na labi niya at pinipigilang umiyak.
"Kakayanin ko." Sabi nito. Tumahimik naman kami sa loob nang kotse at ni-loud speaker ni Shorty ang telepono.
"Shorty! Babe?" Boses ni Nolan. Niyakap lang ni Rizza si Reizel para hindi maiyak sa maririnig.
"Oh? Nolan?" Ngiwi na sabi ni Shorty. May pumatak na rin sa mga mata nito. Sorry Shorty pero kailangan kong gawin ang nararapat.
"Nasaan ka babe? Tara dito sa bar? Nandito na ako now, hintay kita."
Tumango ako kay Shorty. Bumuntong hiningan naman ito. "Sige, pupunta ako diyan."
"Sige babe, I love you. Promise, hindi malalaman ni Reizel 'to." Saka niya binaba.
Nang banggitin ni Nolan ang mga salitang 'yun ay hindi na napigilan ni Reizel na umiyak. Muntik niya pang sabunutan sa inis si Shorty pero napigilan ito. Kung ikaw rin naman kasi ang nasa kalagayan ni Reizel, kung malalaman mo na may ibang babae pala ang boyfriend mo at sa mismong bibig niya nanggaling.
"Rizza, iikot mo ang kotse at istop mo sa harap nang bar." Nag drive na rin naman agad si Rizza. Dalawang babae ang umiiyak nang dahil lang sa manlolokong lalaki. Hindi ko rin alam kung anong gusto ni Nolan kay Reizel kaya niloko niya 'to.
Inandar ni Rizza at sasakyan at huminto sa harap nang bar. Kita sa mukha ni Nolan na walang idea kung sino ang nasa loob nang sasakyan. Sinabihan ko na rin naman si Shorty na lumabas na ito. Hindi masyadong binuksan ni Shorty ang pinto sakto lanng para makalabas siya. Mas lalo akong nainis kay Nolan nang halikan si Shorty sa labi. Hindi naman maipakali ang mukha ni Shorty habang ginawa 'yun. Hinawakan ni Nolan si Shorty sa bewang nito at papasok na sana sila nang bar.
Lumabas bigla si Reizel sa sasakyan at sinundan naman namin ni Rizza ito palabas. Tinawag ni Reizel si Nolan at humarap ito. Halata sa mukha nito na nagulat siya sa nakita niya kasi sa parehas na sasakyan lumabas si Shorty at Reizel.
Agad binigyan ni Reizel si Nolan nang malulutong na sampal sa magkakabilaang pisngi nito. Hindi ko mapipigilan si Reizel sa ginagawa niya. Dapat lang naman kay Nolan ang mga nangyayari.
"Manloloko ka! Tama nga pala talaga si Ethan! Dapat mas pinagkatiwalaan ko siya kaysa sayo! Hindi ka tapat magmahal! Pati ang puso ko dinamay mo pa." Sigaw nito sa kanya.
Bigla naman siyang niyakap ni Nolan. Ang higpit nang pagkakayakap nito at parang ayaw pang pakawalan si Reizel pero si Reizel ay kumawala sa yakap at binigyan ulit ito nang sampal.
"Nolan! Ngayong araw na 'to! Tatandaan mo lahat nang panlolokong ginawa mo sa akin! Lahat nang ginawa mo sa akin! Kalimutan mo na, dahil ngayon pa lang Nolan sinasabi ko nang break na tayo!"
"Hindi! Reizel, nagkakamali ka! Wala akong ibang babae, ikaw lang ang mahal ko! Maniwala ka!" Niyuyuogyog pa nito si Reizel. Wala kaming magawa ni Rizza at tingnan na lang ang nangyayari.
"Ako? Mahal mo?! Sinungaling! Sino yang si Shorty? Ha! Diba girlfriend mo rin habang girlfriend mo rin ako! Diba? Tama ako?!"
"Hindi! Mali ka Reizel, kaibigan ko lang si Shorty." Sa sinabi ni Nolan ay binigyan muli ni Reizel ito nang malulutong na sampal.
"May mag kaibigan ba na naghahalikan sa lips? Patunayan mo nga sa akin na magkaibigan lang kayo?! Sa bibig mo mismo nang galing! Tinawagan mo pa si Shorty para pumunta rito diba!? Ano! Sumagot ka!"
"Oo, akala ko kasi may sakit ka..." umiwas tingin nitong sagot.
"So kailangan pa palang tawagan ang iba bago sa girlfriend 'no? Magsama nga kayo!" Pumiglas na si Reizel at nabaling sa akin ang tingin ni Nolan.
"Ikaw! Ikaw!" Dinuro duro pa ako nito. "Gumagawa ka nang kwento! May balak ka pa talagang sirain ang relasyon namin 'no! Sinungaling ka!" Sa sinabi niya sa akin. Hinarap siya ni Reizel at sinampal ulit ito.
Kung hindi lang babae si Reizel kanina pa siya nabugbog ni Nolan.
"Si.nu.nga.ling. ka! Shorty!" Tawag nito. "Sabihin mo nga sa kin, diba boyfriend mo si Nolan? Diba sinungaling siya? Lahat nang mga sinabi ko totoo diba? Shorty! Sumagot ka!" Sigaw ni Reizel.
"Oo! Oo!" Umiiyak na sabi ni Shorty. Nakita ko ang expression nang mukha ni Nolan sa sinabi ni Shorty. Wala ka nang pag asa Nolan. Niloko mo na, nabisto ka na. "Boyfriend ko siya kahit kayo pa! Tama ka Reizel, lahat nang sinabi mo. Totoo."
"Mga G**o kayo! Wag niyo 'tong ipapalabas sa media ha! Kundi humanda kayo sa akin!" Babala ni Nolan at pumasok sa Bar at hinigit papasok si Shorty.
Napaupo naman si Reizel sa kakaiiyak niya. "Manloloko ka! Niloko mo ko! Sinaktan mo ko!" Sigaw ni Reizel. Nilapitan ko na siya at tinayo nang dahan dahan.
Niyakap niya ako at umiyak iyak lang siya.
"Reizel, ngayong nalaman mo na ang lahat. Malaya ka na rin..."
Hindi ko alam kung ano nang pwedeng susunod na mangyayari. Aabot at aabot din 'to sa media hindi ako pwedeng magkamali. Basta ang mahalaga, nalaman na nang lahat na si Nolan ay manloloko at ginagamit lang si Reizel.
Simula sa ngayon, ako na ang bahala sa kanya. Ito na ba 'yung sinasabi kong malapit ko nang mukha ang bituin na inaasam ko?
Siguro malapit na nga pagkatapos nang mga sakit at hirap na dumaan sa kanya. Matatahimik na rin naman ang utak ko sa kakaisip ko sa mga bagay bagay na 'yun. I'm free!
--STAR--
Author's Note:
Sorry guys kung hindi ako nakaupdate kahapon. Di ako nakagamit sa laptop eh, dapat kahapon pa 'tong update na 'to. pero itatry ko bukas na dalawa ang chapters :D Ang He's a Fictitious ay iuupdate ko, 3-5 chapters sabay sabay na :) Sorry sa delay. SALAMAT GUYS! THANK YOU! Ayy, Oo nga pala. Bili kayo nang self-publish ko na. Secret Forms of Love :) Mag fill up na lamang nang form sa may gusto, abangan sa page ang form. SALAMAT! Lovelots xx.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top