Star 20

Note: I changed Reizel's surname from Salarda to Saavedra. I change it for some reasons. Basta okay na.

                                                               Star 20

Ethan's POV

"Ah! Ouch!" Pag atras nang ulo ko. Pinupunasan kasi ni Shini ang nagdugo kong labi. Bwisit na Nolan naman kasi 'yun! Hindi muna kasi inalam kung anong nasa likod nang mga pangyayari. Basta basta na lang din susugod. At sinabihan pa talaga ako ha! Kung tignan niya muna kaya ang sarili niya, kailangan ko na talaga makahanap nang susunod na ebidensya para sa kanya.

           Para malaman na ni Reizel ang katotohanan.

           "Hindi ko naman dinidiinan! Masyado kang oa." Sabi ni Shini. Unang kita ko pa lamang kay Shini ay napagaan na rin ako nang loob sa kanya. So it will be nice to be with her tho.

           "Tss, sige na. Okay na 'ko." Sabi ko sa kanya.

           "Oh? Ethan, ayos ka na ba?" Napalingon kaming dalawa ni Shini kay Reizel na halata sa mukha niya na may pag ala ala. Wow! As in wow! She cares for me, I know somethings were meant to be. Tingnan mo kanina, she used to be with me rather than to be with her boyfriend. Mas pinili niya ako kaysa kay Nolan.

           Ano kayang meaning n'un? Wala naman ata kasi mali naman talaga ang ginawa sa akin ni Nolan. Muntik niya nang sirain ang mukha ko at pangalawang beses na 'to. Once is okay, twice is enough. Hindi na siya makakaulit.

           "Ayos na 'ko Reizel." Nakangiti kong tugon sa kanya. Napangiti rin naman si Reizel sa akin.

           Kanina hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko siya niyakap nang biglaan. Dahil kaso nakita ko siyang lumuha ay hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. I'm still her fan, sinabi ko lang ang mga bagay na 'yun to just make things na hindi ikakagulo nang sitwasyon. Dahil kung hindi man, sasabihan lang nila ako na I'm taking for granted sa job na ito dahil lagi kong nakaksama si Reizel.

           Actually no, hindi ko iniisip na siya ang Reizel na hinahangaan ko. Iniisip ko na normal na tao lang siya na halos araw araw kong nakakasama. She used to be my friend. Formally not my idol.

           "Let's go some lunch?" Napakunot ako sa pag aayaya niya sa akin. Did she say that? Ititreat niya ba ako?

           "Sure ka?" Siniko pa ako bigla ni Shini at malaki ang mga ngiti nito sa labi nito. Hindi ko alam kung anong nasa ngiting niyang 'yun. Natawa na lang din ako at tumingin kay Reizel.

           "Oo naman," nagkatitigan pa kaming dalawa. I see in her eyes na may pain ang mga ito. Pero tinatago niya lang sa mga magaganda niyang ngiti. Kahit anong pagtatago talaga ang gawin mo, makikita mo talaga sa mga mata nito ang tunay na damdamin.

           Tumayo na rin naman ako. Niyaya na rin niya si Shini, para hindi na rin daw ito bumili pa nang pagkain sa cafeteria. Sabay sabay na lang daw kaming kakain sa labas. Were lucky to here, she is so good to everyone. Kahit na hindi niya kalebel ang mga ito.

           Habang palabas kami nang building ay tahimik lang kaming tatlo. No one would like to talk first. Nagkakahiyaan pa kuno. Nang makarating kami sa isang restaurant ay maraming nakakilala kay Reizel at nagsilapitan ang mga ito sa kanya. Agad ko namang hinarangan ang mga taong gustong lumapit sa kanya at si Shini naman ay pinapakiusapan ang mga tao na wag na mag gawa nang kahit ano.

           They flashing their camera to Reizel kaya napapatakip ito nang mukha niya gamit ang kamay niya. Hinarangan ko naman ulit ito. Sa isang private room kami pinapunta kung saan malaya kaming makakain na walang nag aabala sa amin at mga nakatingin na fans ni Reizel.

           "Ganyan ba talaga kapag nakikita nila si Reizel?" Pagtatanong ko kay Shini. Nauuna kasing maglakad sa amin si Reizel.

           "Oo," mahina nitong sagot. Baka daw kasi marinig kami ni Reizel na pinag uusapan siya. "Mas malala pa nga minsann kapag nag sashopping si Reizel. Halos dumugin siya."

           "Tama na 'yan, Shini. Nandito tayo para kumain." Napatigil sa pagsasalita si Shini nang magsalita si Reizel. Nakarating naman kami sa private room na sinasabi sa amin. Maluwag naman ang lugar, good for some privates occassions mga ganun. Pero dito kami dinala para hindi na rin daw magkaroon nang gulo sa labas.

           Nang makaupo na kami ay agad naman na may dumating na waiter na kinuha ang tig iisa naming order. Hindi kami makapaniwala ni Shini kasi pinipilit niya na iorder lang daw namin ang mga gusto namin. Hindi naman kami masyadong gahaman sa pagkain kaya lunch at deserts lang ang akin ganun din naman kay Shini.

           "Sigurado ka ba Reizel? May cash ka ba diyan?" Pagtatanong ni Shini sa kanya.

           "No. I will use credits. Binigay naman sa akin ni Ate before pumunta dito." Hindi na naman ako magtataka kung ganun siya magbabayad. Sikat siya at nasa banko ang mga pera niya for safeties.

           Ilang minuto nang katahimikan ay binasag nang ringing tone ni Reizel. Tumayo siya sa kinauupuan niya at sinagot ang tawag. Tinitigan ko pa ito habang may kausap sa cellphone niya, medyo napapalakad lang ang pagsasalita niya. Hindi naman siya sumisigaw, natitimpi naman niya.

           Inalis ko ang tingin sa kanya nang bumalik na siya sa upuan at binaling ang sarili sa ibang pwedeng gawin.

           "Sino 'yun Miss?" Pagtatanong ni Shini. Madaldal din pala ang isang 'to pero she had a good personality.

           Napalingon ako sa kanilang dalawa at bahagyang nataas ang kilay ko kay Reizel. She rolled her eyes habang binabalik sa bulsa niya ang cellphone niya.

           "Si Nolan." Nag iba ang timpla nang boses niya.

           "Oh? Ano sabi?" Ani Shini.

           "Nakikipagkita sa akin after nang TVC ko. Ayaw pa mag paawat kaya binaba ko na lang. Naasar pa rin kasi ako sa ginawa niya kay Ethan."

           "Edi? Pupuntahan mo naman?"

           "Siguro? Ewan? Bahala na." Naguguluhan nitong sagot kay Reizel. Napatitig na lang ako sa mga mukha ni Reizel.

           Dati medyo malayuan ko pa kung tingnan siya, minsan hanggang 5 segundo lang kung magkakalapit pero halos ngayon ay nakakasama ko siya. Hindi lang limang segundo. Buong oras at araw pa siguro. Dati pinapangarap ko ang lahat na maka dinner siya, ngayon ka lunch ko siya. Okay na kahit hindi dinner atleast kasama ko siya kumain.

           Ilang saglit lang din ay dumating na rin ang mga pagkain na dala dala nang mga waiter. Isa isa nila itong nilagay sa lamesa. Lumabas sila at nagsimula na rin kaming kumain. All sets and ready to eat.

           Pero nagkatitigan kaming dalawa ni Shini nang mapansin namin na tinititigan lang ni Reizel ang pagkain nito sa harapan nito. Winave ko sa harapan nang mukha niya ang kamay ko saka lang siya bumalik sa isip niya.

           Ano naman kayang iniisip ni Reizel? May problema na naman ba kaya siya? Sana sabihin niya sa akin and I will make to do things to help her.

           "Miss?" Sabi ko. Parang clueless siyang tumingin sa akin. Napakunot ako nang noo sa kanya. She had a problem, I think. And I must know what it is.

           "Ha? Bakit?" Sabi nito na parang nakabalik na sa mundo nang realidad. Napakibit balikat na lang si Shini.

           "Kain na tayo." Kumain na rin naman kaming tatlo. Medyo gutom ako ngayon, kasi hindi ako nagbreakfast. Hmm, ano na kayang ginagawa ni Cezar sa condo ko? Sabi niya kasi siya muna ang maiiwan doon. Well, siguro hindi naman magpapaparty 'yun diba?

           "Ah, Ethan." Napatingin ako sa kanya. At itinaas ang dalawang kilay sa kanya. Kagat kagat ko pa man din ang pork. Naku naku! Natawa pa siya akong tingnan. "Wag na miss tawag mo sa akin, its okay for Rei na lang."

           "Bakit naman?" Inom ko nang tubig.

           "Ang formal naman kasi nang miss. Kaya okay na rin ang Rei."

           "Okay," saka kami bumalik sa pagkain namin.

                                                      --STAR--

           "Sige na, may TVC na ako. Shini! Tara na!" Sumunod naman si Shini kay Reizel kasi aayusan ulit siya for TVC naman.

           Wala na naman akong magagawa dito, ito lang ang medyo mahirap sa pagiging body guard ang mabored. Ang boring kasi kapag walang ginagawa, babantayan mo lang siya.

           Haay! Naghalukipkip ako na naglalakad. Napapangiti na lang ako, iba na pala talaga ako ngayon. See? Dati rati, sa stages ko lang siya nakikita. Hindi ko mahawakan. Ang layo niya sa akin. Maraming dingding ang nakaharang sa amin, pero dumating rin pala ang tamang panahon para dito. Ngayon, halos araw araw ko na siyang nakakasama, hindi ko lang siya nahahawakan pati na rin na yakapin siya. Parang isang achievement na naman ito sa buhay ko.

           Dati lang na pangarap kong makasama siya, ngayon abot kamay ko na siya. Pero bago ko maasam lahat nang ito, I have something to make this things possible. Aalisin ko sa buhay niya si Nolan. Si Nolan lang naman ang nagpapagulo sa buhay ni Reizel. She used her for his fame. Oo marami nang nakakilala sa kanya, actually may mga appearances na rin siya sa mga tv shows. Tapos ikukwento niya na masaya ang relationship nilang dalawa.

           For me, no one happy. I see in Reizel's eye na may pain ito. Gusto ko man alamin pero masyadong pribado kung mangingialam pa ako diba? Rerespetuhin ko na lang siya. At gagawa na lang ako nang way na ako na mismo ang makakaka alam.

           Pero sa ngayon, si Nolan muna ang trabaho ko. Hindi na muli akong nakapunta sa bar after nang makita ko siyang may kasamang iba babae. Make sense naman na niloloko niya si Reizel. The legal wife lang ang peg nito ni Nolan. Masyadong manloloko, sa ngayon masaya pa siya sa mga ginagawa niya I know someday his life will be ruined. Kung hindi ako ang may gawa, pwes siya na rin ang dahilan kung bakit nangyayari sa kanya 'yun.

           "Oh my gosh! Si Reizel Saavedra daw ay nasa loob, for TVC daw." Narinig kong sabi nang mga babaeng nag uusap na may I.D nang building.

           "For real? Matagal ko na siyang gustong makita, pero alam mo ayaw daw niya sa camera?" Napalingon ako sa dalawang babae pero hindi ko pinahalata na nakikinig ako sa kanila.

           "Yeah, hindi ko alam kung takot ba siya sa camera o ayaw niya lang magpapicture? Ang weird niya."

           "Kasi nga sikat na." Nagpintig ang tenga ko sa sinabi nang isang babae kaya turn ko na para lapitan ko silang dalawa.

           Nagulat pa ang dalawa kung sino daw ba ako at lalapit lapitan sila. Sinabi ko na body guard ako ni Reizel. Nakatingin ang dalawa sa akin na nagbubulungan pa kuno. Kung hindi lang mapuputi ang babaeng 'to, nilait ko na. Well, mataas pa rin naman ang respeto ko sa mga babae kaya hindi ko gagawin.

           "To make things clear girls, she's not scared to camera's. She's scared of what being others to say to her. Like what did you say, na sikat na siya? Mukhang nagkakamali ka, porket ba na sikat ay puro pictures na lang ang alam? Ang iba kasi oo, pero ito lang ang masasabi ko sa inyo, wag na magsalita kung walang batayan. Sige."

           Nabadtrip ako sa dalawang babae kaya pumunta na lang ako room kung saan ginaganap ang TVC ni Reizel. Pero nadatnan kong wala doong tao. Nasaan naman kaya sila nag sho shoot? Walang nagsabi sa akin.

           Lumapit ako sa isang staff at tinanong kung saan nag shu shooting. Tinuro ako sa likod nang building, doon daw gagawin ang shooting for TVC. May garden din daw kasi doon. Naglakad naman ako patungo sa likod nang building at nakita ko ang mga tents at ibang staff. Nagsisimula na rin pala sila nang shooting.

           "Kailangan daw nang lalaking makakasama ni Reizel sa TVC. Naku! Paano 'yan? Wala tayong nakuha?"

           "Wait! Tingnan mo si Kuya na nakatayo doon, he has the good look. Matipuno din ang mga katawan pero medyo payat pero okay na rin siguro yan."

           "Tara! Tanungin natin!"

           Dalawang babaeng may staff nang I.D ang nagsilapitan sa akin at may mga ngiti sa labi napakunot na lang ako sa pagtitig nila sa akin. Parang may gusto sila sa akin, hindi ko alam.

           "Kuya, anong name mo?" Tanong nang short hair na babae.

           "Ethan." Sagot ko.

           "Pwede na 'yan! Kuya sumama ka samin!" Hindi ko nga naintindihan ang sinabi niya kasi mabilis siya nagsalita ay hinigit na lang ako nilang dalawa. Palapit sa mga ibang staff.

           Nilapit kaming dalawa nang ito sa director nang TVC. Nang malapitan namin ay nag cut bigla ang director at nilapitan kami.

           "Direk! Meron na tayo!" Sigaw ni short hair.

           "Oh? Sige ayos na 'yan! Make upan niyo na!" Napatingin ako kay Reizel na nakangiti sa akin at parang may alam sa mga nangyayari. Hinigit ulit ako nang dalawang babae papasok sa tent.

           "Magpalit ka nang damit!"  Utos sa akin nang may mahabang buhok.

           "Ha? Bakit naman?" Pagtataka kong tanong sa kanya. Hinigit nila ako rito pero wala akong idea kung anong gagaawin namin dito. Nililito nila ako.

           "Wala kasi kaming mahanap na lalaki for TVC, eh natsempuhan ka namin. Kaya ikaw na lang! Nagustuhan ka rin naman ni Direk eh." Sabi ni Short hairt.

           "T-Talaga?" Napangiwi pa ako sa kanilang dalawa. Nagpalit rin naman ako nang damit na binigay nila sa akin. Nang makapag palit na ako ay pinaupo nila ako harap nang salamin na may ilaw sa gilid, I don't know what is called. Basta alam na 'yun.

           "Shorty Nana." Saka abot nang kamay nang may maikling buhok. Nakipagkamay rin naman ako sa kanya. Ang weird nang dalawang ito ah, bakit nakikipagkilala.

           "Ellen Longer." Pakilala naman sa akin nang isang may mahabang buhok.

           "Nice to meet you guys." Medyo weird lang mga pangalan nila. Pero cute naman bagay sa kanila.

           Nang matapos nilang pulbusan ang mukha ko at ayusin ay lumabas na rin naman kami nang tent. Illang minuto rin ay pinasok na rin ang role ko sa TVC. Nahihiya ako kay Reizel, hindi ako sanay sa mga TV Commercial lalo na at first time ko pa 'to.

           "Wag kang mahiya, wala ka namang sasabihin eh. Yayakapin mo na lang ako." Mahinhin na sabi ni Reizel.

           Hindi ko alam kung namumula na ba ako sa nangyayari. Ang gagawin ko ay yayakapin ko siya? Kaya ko ba at sa harapan pa nang camera. Sana lang walang magalit. Ah! May pumasok agad sa isip ko, what if makita ni Nolan ang TVC? Sigurado akong magseselos siya. This is the first step for my plan.

           Nagsimula na rin mag shoot at ginawa ko naman ang sinabi nila sa akin. I do my best, pero kinakabahan na ako nang time na para yakapin si Reizel. Naka ilang take pa kami kasi mali ang pagkakayakap ko sa kanya pero nagawa naman na sa huling ulit namin. Akalain mo 'yun nakailang yakap ako kay Reizel ngayon.

           "Ang galing mo." Sabi ni Reizel.

           Nahiya ako kaya napakamot ako sa batok ko. Hindi ko rin maiwasan na hindi mapangiti. "Hindi naman, ginawa ko lang ang dapat."

           She giggled. Ang cute niya sa tawang 'yun. Mas lalo tuloy akong nainlove sa kanya.

           Bumalik na rin naman kami sa tent, hindi na nila pinapalit ang damit dahil ang gwapo ko daw sa polo shirt na suot ko. Sina Shorty at Ellen ang nagsabi kaya wala na akong nagawa. Nawawala rin kasi ang tshirt ko.

           "Hoy Shorty ibalik mo na kay Ethan ang damit niya." Medyo natawa ako sa narinig ko. Nakita ko naman si Shorty na parang ayaw pa.

           "Ang ingay mo kasi." Lumapit naman siya sa akin at inabot ang damit ko. "Sorry! Infairness mabango ka." Kinilig pa nitong sabi. Mga baliw.

           Lumabas na ako nang tent at hinintay si Reizel sa tent niya. Sakto naman nang pagkarating ko ay lumabas na rin siya, naka dress ito na kulay purple. Bagay sa kanya ang damit niya.

           "Ethan, wag mo na akong bantayan. Pupuntahan ko na naman si Nolan." Sabi nito ang makalapit ako sa kanya.

           "Edi, sasabay na lang ako sa paghatid sayo." Sabi ko pa.

           "Sure," naglakad na kami. "Tara na." Sabi nito. Sinundan ko na lamang siya at nang makarating kami sa van. Kasunod na rin pala namin si Shini.

           "Saan ba kayo magkikita?" Pagtatanong ko sa kanya nang makaupo kami sa van.

           "Sa private bar daw. Medyo malapit lang sa park."

           Natigil ako sa sinabi niya. Doon ang huling pangyayari na kung saan ko nakita si Nolan na may kasamang babae. Sana hindi gawin ni Nolan ang mga pakay niya, maganda ang mood ni Reizel ngayon. Wag niya lang sirain.

           "Bakit? May problema ba?" Umiling ako sa kanya.

           Kung pwede ko lang ipaalam sayo ngayon Reizel. Kung pwede lang talaga.

                                                              --STAR--

Author's Note:

           30 Chapters more to go XD! Thanks for reading! I Hope you enjoyed. Leave some comments and votes, those are highly appreciated. THANK YOU!  Sali kayo sa group ko sa fb. Click the external link lang pls. Lovelots xx.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top