Star 2

                                                                Star 2

"Steady dude, don't make some troubles. Make yourself calm." Nagtitimpi lang ako sa sarili kasi ba naman makarinig ako nang mga babae na nilalait si Reizel.

            "Kung ikaw kaya pagsabihan nang ganun?" Natahimik na lang si Cezar. Hawak hawak niya pa rin ako sa braso ko.

            Sabihan ba naman kasi ng mga babaeng 'yun na ginagamit lang ni Reizel si Nolan para mas lalo niya itong ikasikat. See? Hindi sikat si Nolan ha, pero gumagawa sila ng issue about her. Pero well let see karma do.

            Umalis nang nagtatawanan yung mga babae. Hindi naman ako madalas mairita sa mga tao kung sa maliliit na bagay bagay lang pero kung lalaitin mo yung idolo ko? No way, hindi pwede sa akin 'yun.

            "Ethan, don't mind them and please stop saving your Reizel, Reizel." Pagkasabi niya 'nun ay sinamaan ko siya nang tingin.

            "Maiwan na nga kita." Tinanggal ko ang pagkakapit niya sa braso ko. Pinapainit lang din ni Cezar ang ulo ko eh.

            "Wait!" Hindi ko siya pinansin kundi nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nandito kasi kami sa astro vision nagtitingin tingin lang ng cd's. "What's going on bro?"

            Anong kadramahan nito. Ang dami pa namang tao dito sa loob at pinagtitinginan na kami. Baka mamaya ay mapagkamalan pa kaming magsyota. Tinignan ko siya at sinamaan ulit ng tingin. Hindi na talaga siya naka imik. Lumabas na lang ako nang astro vision nang hindi siya pinapansin.

            Naalala ko pa rin 'yung nangyari kagabi. It was like malalapitan ko na siya, mahahawakan ko na at makakausap ko na siya pero sa kinamalas malasan nga naman. Hindi pa nangyari. Hindi man lang niya rin ako narecognize, siguro dahil sa isang taon na rin ang lumipas diba? Pero sa mga events niya, hindi niya ba ako nakikilala o naaalala man lang?

            Naiinis lang din ako sa mga taong kung makapang lait wagas. Akala mo mga perpekto sila. Nasa tama naman ang panig ko diba? Hindi naman ako ang mali. Nagtimpi lang ako nang galit kasi si Reizel na yung nilalait eh. O.A kung iisipin pero ganun ako.

            Napadpad ako sa isang coffee shop which is starbucks. Magpapalamig lang muna ako nang utak dito at makapag relax relax din. Pumasok ako sa loob at pumwesto sa may bandang salaminan. Hindi na ako sinundan ni Cezar ewan ko rin kung saan na rin nagpunta ang isang 'yun.

            Umupo ako. May menu list sa harapan ko kaya kinuha ko ito at binasa ang nilalaman. Binaba ko ulit ito nang makita ko ang mga nakasulat. At pagbaba ko ay may agad napukaw ang mata ko. Ang ganda niya. Naka shades siya na kulay black. Tinitigan ko lag ito pero umiwas agad ako nang tingin nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Pansin sa gilid ng mata ko na hinarangan niya ang mukha niya ng magazine para hindi ko siya makilala.

            Pero nagkamali siya, nakilala ko siya. Ang rivalry ni Reizel. Si Millette Madrigal, maganda siya sa personal kahit walang make up. Pero hindi ko pa rin siya gusto, masama ang ugali niya. Halata naman sa kanya eh.

            "Bro! Your here!" Napalingon agad ako kay Cezar na ang laki laki ng ngiti. Lumapit siya sa akin at umupo sa upuan na kaharap ko. "Why did you left me there." Pagtutukoy niya sa astro vision na kanina lamang ay nandun kami.

            Ibinalik ko ang tingin ko sa magazine na nakaharang sa mukha ni Millette. Hindi ko pa rin pinapansin si Cezar. "Hello?" Winave niya ang kamay niya kaya napailing na lang ako bigla at umayos siya nang pagkakaupo para makita sa likuran niya ang babaeng tinitignan ko kanina pa.

            Sakto din namang binaba ni Millette ang magazine.

            "Sh*t." Rinig kong sabi ni Cezar. Siguro nakilala niya rin ang babaeng tinignan niya.

            "Why are you guys looking at me?!" Nagulat kami ni Cezar nang magsalita siya, may inis ang tono ng boses niya. Bigla niyang tinanggal ang shades niya at nakataas pa ang mga kilay nito.

            "We didn't mean." Sabi ni Cezar. Umiwas na lamang ito ng tingin pero ako nakatingin pa rin ng diretsyo kay Millette at sinusuri ang mukha nito.

            "Oo na pasensya na," sabi ko naman. Dahil hindi pa naman ako bumibili dito sa starbucks ay tumayo na lang ako at aalis na lang. Nakakahiya kung uupo lang ako doon at tititgan ang babaeng 'yun. Nakakasura.

            "San niyo balak pumunta?" pagtataray niyang tanong sa amin ni Cezar. Palabas na kami ng Starbucks, maraming nakatingin sa amin kasi dahil sikat ang kumakausap sa amin pero we don't care. Hindi ko siya kailangan. Huminto ako sa paglalakad at tinignan lamang siya.

            "You wanna join with us?" Sabay batok ko kay Cezar. Nang aasar pa 'tong isang 'to.

            "Hindi mo na kailangan pang alamin kung saan kami pupunta. Its none of your business." Sabi ko na lang sa kanya. Nagulat na lang ito sa sinabi ko. Tinapik ko sa braso si Cezar para umalis kami sa lugar na 'yun.

            "You crazy idiots! Nakakagigil kayo!" Wala kaming pake. Bleh.

            As if we care naman. Oh ano ngayon kung may kumuha ng litrato o video na sinasagot namin ang isang sikat na artista. Kami pa ang lalabas na masama? Hindi naman patas 'yun. Kung sa tv nga kitang kita na yang masamang ugali ni Millette sa personal pa kaya. Kaya minsan, tinagurian siyang man-hater eh.

            Napailing iling na lang ako sa paglalakad palayo sa gulong ginawa ni Millette.

            "What Bro! You did that to her? Unbelievable!" Napakibit balikat na lang ako at humalukipkip na lang. Medyo bangag din ang Millette na 'yun ah.

            "Cezar, try to speak some tagalog words naman, hindi kita maintindihan minsan dahil sa accent mo." Napangisi na lang ako.

            "I have here!" Bigla niyang ipinakita sa akin 'yung english-tagalog tagalog-english dictionary niya. "It will surely help." Nakangiti niyang sabi.

               "Oo na boy." Natawa tawa na lang ako sa kanya.

                                                                  --STAR--

            "Huh? Ano bang meron?" Pagtatanong ko sa kabilang linya. Kausap ko Cezar. "Ako nasa tv?"

            Napakunot na lang ako bigla. Dahil sa hindi ko malamang dahilan ay napabukas na lang din ako nang tv.

            Pero ang mas ikinagulat ko pa nang makita ko ang pagmumukha ko sa tv. Yung scenario kanina sa Starbucks ito. "Ano?!" Gulat kong sabi.

            Ako pa ang may mali? Grabe naman. Binaliktad ako. Iba talaga nagagawa nang sikat. Lahat pinapaikot.

            "Sige, sige, salamat." Binaba ko na ang cellphone ko at itinabi sa lamesa sa tabi ko.

            Kung ganun ang pananaw nila sa nakita nila sige, ako na ang may mali pero sa sarili ko alam kong hindi ako ang nagsimula. Masyado lang siyang sensitive kaya kahit pagtitig lang sa kanya binibigyan niya ng malisya. I don't know her personally pero sa ikinikilos niya, hindi siya yung tipo nang tao na mapagkakatiwalaan mo.

            Unlike Reizel, somethings worth it. Bonus na lang sa kanya yung papaging maganda niya. Simple lang naman siya kung tutuusin. Hindi kagaya ni Millette na kung anong kolorete pa sa mukha ang nilalagay.

             Malapit na rin pala ang album launching niya. I'm ready to see her again. Pero bukas ata ay gaganaping shooting para sa music video niya. Try ko kayang mapuntahan. Wala namang mawawala sa akin.

                                                                --STAR--

            Napabango ako bigla sa pagkakahiga ko nang may bigla kumatok katok sa pintuan.

            "Hello?!" As the knocks continued. "Christan?" Babae ito.

            Matutulog pa lang ako nang may nambubulabog na agad. Jojombagin ko kapag si Cezar ito, pero hindi boses nang babae ito eh. Naku.

            Binuksan ko ang doorknob at binuksan ito. Kinusot ko ang mata ko para makita kung sino 'tong nasa harapan ko.

            "Ate?" Natigil lang ako sa pagkamot ng mata ko nang makita ko siya.

            "Yes bunso!" She hugged me tightly. Umalis din naman agad siya sa pagkakayakap sa akin. "I miss you!"

            "Ate, pasok ka muna." Pagyaya ko sa kanya.

            Umiling siya "No, nag rent ako dito sa condo. Magkatabi lang tayo ng unit, kinamusta lang kita. Sige balik ako mamaya."

            "Sige ate."

            Tumuloy si ate sa unit niya at muli kong sinara ang pinto pero saglit lang ay may kumatok muli.

            Pagkabukas ko ay si ate ulit. "Bantayan mo nga muna pala 'tong si Sarena." Napakunot ako nang noo at bumaba ang tingin ko at napahuh sa batang nakangiti sa akin. "Say hi to kuya, sige ikaw muna bahala sa kanya."

            No! No! No way.

            "Hi kuya! I'm Sarena." Sabay nito ang pagkaway sa akin. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

            "Hello, I'm kuya Ethan." Pagpapakilala ko naman ditto.

            Dinala ko siya sa sala namin. Babaeng cute na bata ang kasama ko ngayon sa unit ko. First time na may pumasok na babae sa unit ko, kahit mga ate ko hindi tumutuloy tulad nang kanina.

            "Sarena?"

            "Yes kuya?" Lumingon siya sa akin nang tawagin ko ang pangalan habang abala siya sa pagtitingin tingin sa paligid ng unit ko.

            "Ano mo si ate?"

            "Who? Mommy Aidee?"

            Mommy? Eh?

            "Anak ka niya?" Teka, kasi ang pagkaka alam ko. Wala pang anak si ate at ngayon malalaman laman ko na ang batang nasa harapan niya ay anak niya. Hindi. Unbelievable.

            "No, I'm adopted." Nakangiti pa rin siyang tumugon at bigla na lang siyang bumuntong hininga.

            Nag ampon si ate?

            "Teka ilang taon ka na ba?"

            "8 years old," naglingon lingon siya sa paligid at nag stick ang tingin niya sa poster ni Reizel. "Your a fan of Reizel?"

            "Kilala mo siya?"

            "Yeah kuya, I'm a big fan of her."

            Mukhang may makakasundo na ako sa mga bagay bagay na 'to ah. Katulad na lang nang pag kakaidolo ko kay Reizel.

            "Gusto mo siyang makita?"

                Nagkaroon nang glow ang mga mata niya nang sabihin ko 'yun.

            "Yes! Yes."

            "Sige, pupunta tayo bukas sa shooting niya."

            "Yey!" She hugged me.

            Imbis na mainis ako kasi magbabantay ako sa batang ito pero hindi pala mukhang mag eenjoy ako kasama 'to. Kasi parehas lang kami ng hilig. Favorite niya rin si Reizel. Ang nag iisang star sa buhay ko.

            Umalis siya sa pagkakayakap sa akin.

            "Kuya, bakit nasa tv ka kanina? And whats with you and that millete?" Hala ano bang sasabihin ko? Napanood din siguro ito ni ate kung ganun.

            "Wala 'yun Sarena,"

            "Just call me Ena kuya." Ang cute niya ngumiti. Magkakasundo talaga kami nito ni Ena. Ramdam ko.

                                                    --STAR--

                        Author's Note:

Thank you po sa pagbabasa ng second chapter. I try my best para araw arawin ang update nito. Comments and votes pleeeeeeeeeease? HAHAHA! Oh i forgot, open for dedications po ito. And minsan magbabase rin ako sa comment kung meron man. Sa ngayon, kahit kanino muna ako magdededic. Yun lang, comment ka lang kung gusto mo. SALAMAT GUYS! Next chapter na lang ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top