Star 18

                                                                 Star 18

Hindi ako kumikibo dito. Seriously not talking to everyone inside the van. Ang awkward din naman nang seatiing arrangement dito sa van. Si Ate si Rizza ay nasa unahan, busy sa cellphone niya. Always naman 'yan. Ako dito sa likod niya tapos katabi ko si Ethan sa left side ko. May pagitan sa amin malaking space kaya hindi kami magdidikit. Ang make up artist ko naman na si Shini ay nasa likod pa namin.

                 Si Ethan ay nakatingin lang sa window niya. Nakatingin lang ito sa buong biyahe. Hindi rin naman siya kumikibo, nahihiya ako sa inasal ko sa kanya kanina. Hindi naman ako masama katulad nang mga inaasahan niyo, pero kasi nagiguilty ako sa ginawa ko sa kanya. Naasar siguro siya sa akin o nainis dahil sa ginawa ko.

                 Dahil ang tahimik nga dito sa van ay nakatingin lang din ako sa bintana ko sa left side ko lang. Ewan ko ba kung bakit ako inatake nang hiya ngayon. May VTR ako at TVC din daw kaya hindi pwedeng ganyan.

                 Hindi ko namalayan na nagdidikit na pala ang mga kamay namin ni Ethan. Kaya napapalingon ako sa kanya at tititigan ang mga kamay namin na magkadikit at iiiwas. Halos ilang beses pa nangyari pero hindi na ako tumitingin sa kanya kundi inaalis ko na lang biglaan ang mga kamay ko. Malamig ang kamay niya, hindi ko alam kung malambot din ba. Ay! Bakit ganyan ang iniisip ko.

                 Nakarating na rin kami sa venue kung saan gaganapin ang VTR at TVC ko. Nauna na akong bumaba nang van at sumunod na kay ate. Sila Ethan naman at si Shini ang make up artist ko ay. dinala ang mga bags ko. Nakasunod lang ako kay ate papasok sa building. May mga tumatawag sa akin at kumakaway at gustong magpapicture pero tumatanggi ako. Ayoko kasing magpakuha nang litrato, okay lang naman kung importante pero for thats? Hindi.

                 Nang makapasok na kami sa building ay sinalubong kami nang staff ng project na 'to. Dinala kami sa isang room kung saan gaganapin muna daw ang VTR. Tinawag ni Ate ang dalawa na dala dala ang bags ko ate pinatabi sa akin. Si Ethan ay parang ngayon lang nakapunta sa lugar na ganito. Kanina pa kasi siya palinga linga.

                 "Ethan!" Tawag ni ate sa kanya. Lumapit naman ito sa amin. Nakangiti ang mga labi nito.

                 "Ano 'yun miss?" Tanong niya sa ate ko. Tinitignan ko na lamang silang dalawa.

                 "Ethan, aalis kasi ako may pupuntahan lang ako, so tinawag kita para mabantay mo pa lalo si Reizel." Sabi nito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Iiwan niya ako dito tapos kay Ethan pa? Naku naman.

                 "Sure po." Napatingin ako kay Ethan na malaki ang mga ngiti sa labi. Anong ibigsabihin n'un pero nang lumingo siya sa akin ay nawala ito. May ibigsabihin din ba 'yun? Galit kaya siya?

                 Tumingin naman ako kay ate. "P-Pero ate..."

                 "No words, Reizel. May tiwala naman ako kay Ethan. I know mababantayan ka naman niya."

                 "H-Ha?" hindi ko magets si ate. Ang busy person din kasi nang isang 'to. Kala mo siya ang may career. Manager ko kasi siya, nag volunteer eh. Siya ang nag aasikaso sa akin sa mga events and others. Siya rin ang naghahanap nang mga nagmemake up at body guards sa akin. Ginagawa niya 'yun kasi sabi niya sa akin. Hindi niya daw naranasan alagaan nang mga magulang namin.

                 Ang parents ko ay nasa new york. Nagtatatrabaho sila dun, pero parang nag stay na rin ata sila doon. Umuwi lang sila dito gaya nang pinanganak daw si ate at ako. Ang papa kasi ay american (Leonardo Marty) at si mama ay filipina (Nelia Saavedra). Minsan lang sila umuwi after 3 years. Then paulit ulit na 'yun minsan pa nga 4 days lang sila dito at babalik na kaagad sila doon. Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga. Oo kung nagtataka kayo, hindi namin ginagamit ang apelyido ng papa ko. Surname ng mama namin ang gamit namin. Hindi ko alam pero 'yun ang nasa birth certificates namin. Wala rin kaming middle name. Napapahaba na ata.

                 "Sige Ethan, ikaw na bahala kay Reizel." Saka umalis si Ate. Napabagsak ang balikat ko, hindi man lang din kasi nagsabi na aalis siya at iiwan ako dito.

                 "Reizel, kung may kailangan ka tawagin mo na lang ako. Ihahatid ko lang 'to sa dressing room mo." Kinuha niya ang mga bags at pinunta niya sa desire dressing room ko dito sa building. Why he's cold? Nagbago agad pakikitungo niya sa akin.

                 Nauna na siyang pumunta sa dressing room. Lumapit naman sa akin si Shini, ang make up artist ko. Parang kinikilig itong tumabi sa akin at nakatitig kay Ethan na dala dala ang mga bags.

                 "Ang swerte mo sa body guard mo." Kinikilig nitong sabi sa akin. Napa kunot noo naman ako sa sinabi niya.

                 "Naku, ano ka ba Shini."

                 "Pero infairness ha? Gwapo siya, mabait pa, gentleman at mukhang single rin!" Kinakapitan na ako ni Shini sa tuwa niya.

                 "Nababaliw ka na, baka may tama ka sa kanya?" Bigla siyang tumigil at hinarap ako.

                 "Wala Reizel, pero swerte ka talaga! Sige na, tara na sa dressing room mo para maayos ko na ang make up mo." Saka ito naglakad patungo sa dressing room.

                 Napakibit balikat na lang ako sa kanya at sumunod na lang ako sa kanya. Nakasalubong ko pa si Ethan na lumabas ng dressing room, hindi niya ako pinansin kundo nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Siguro hindi ko naman siya kailangan ngayon kaya pwede siyang liwaliw muna.

                 "Reizel, lapit na dito. Aayusan na kita." Napa iling ako at lumapit kay Shini na inaayos na ang make ups. Umupo naman ako sa harapan nang salamin, may mga ilaw ito sa gilid.

                 "Shini, sigurado ka bang mabait si Ethan?" Pagtatanong ko sa kanya. Tinitignan ko lang siya sa salamin sa harap ko.

                 "Hindi mo ba feel? Kanina nga sa cafeteria ba 'yun may bumunggo sa kanyang lalaki tapos natapon 'yung drinks nang lalaki. Akalain mo 'yun si Ethan pa ang bumili nang bago?" Napataas ako nang kilay sa sinabi niya.

                 "Eh? Baka kasi ayaw niya lang gumawa nang gulo kaya niya pinalitan? You know, playing safe?" Sabi ko naman.

                 "Bakit mo naman nasabi 'yan? Magkakilala na ba kayo before?" Natahimik ako sa sinabi niya. Nakilala ko siya pero hindi ko siya kilala personally. Hindi ko alam mga ginagawa niya, hindi ko alam kung anong background nang isang 'to.

                 Umiling ako kay Shini. "Hindi." Tipid kong sagot. Napanguso naman si Shini sa sinabi ko.

                 "Yun naman pala eh, hindi mo pa pala siya kilala. Better to know him diba?" Sabi niya habang inaayos na ang buhok ko at kinukulot ang mga ito.

                 "Body guard lang naman siya, no need na."

                 "Oo nga Rei, siya rin ang makakasama mo all the time. Hindi pwedeng hindi mo makilala ang isang tao diba?" Napabuntong hininga ako sa kanya. "Okay, ayos ka na! Okay na ang face mo."

                 "Salamat, Shini." Nakangiti kong sabi sa kanya.

                 "Wala 'yun Miss Rei, Basta wag mong kakalimutan na kilalanin siya ha?" Tumango tango na lamang ako sa sinabi niya at lumabas na ako nang dressing room.

                 "Oh Miss Saavedra. Are you ready?" Tumango ako sa kanya. "You with Ms. Millette today."

                 Halos maluwa ang mata ko at malaglag ang panga ko nang sabihin niyang makakatrabaho ko si Millete sa VTR at TVC ngayon. Hindi pwedeng makasama siya sa kahit anong project. Haay naku, sino naman kaya nagplano nang ganito?

                 "Is that for real?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. I can't believe, sa career days ko kahit na minsan hindi ko pa siya nakakatrabaho siya ang gusto ni Millette ay laging makipagkumpitensya sa akin. Ayoko sa babaeng 'yan. Alam kong nananakita din siya.

                 "Yes Miss, so are you ready?" Napangiwi na lang ako sa kanya at pumalakpak ito at lumapit sa akin ang isang staff dito. Hindi ko alam kung bakit wala man lang nagsabi sa akin na makakasama ko si Millette dito. Kung pwede lang talagang umatras eh, kaso napirmahan ko na 'to last day pa. Kaya wala nang urungan.

                 Dinala ako nang staff sa isang room. May background na kulay green, siguro doon namin gagawin 'yun. Nagpaiwan na ako sa staff at ako na ang bahala sabi ko. Umalis naman siya at may pinuntahan.

                 "Look who's here?" Narinig ko ang boses niya kaya napalingon agad ako sa kanya. Oh my gosh! The evil Millette. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakikita ko ang nakakasura niyang mukha. Maganda naman siya, maganda ang kulay nang balat niya kahit brownish 'to. May maganda nga sa kanya, marami namang panget sa kanya. Isa na doon ang ugali niya.

                 "Bakit ka nandito sa VTR ko?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakakairita siya. May pataas taas pa nang mga kilay.

                 "Mo? Sorry, they offered me. So bakit ako tatanggi?" She flipped her hair at inirapan ako at tuluyang pumasok sa loob.

                 She's getting on my nerves.

                 Hinawi ko ang bangs ko sa mukha ko at naglakad na rin papasok sa loob. Nairita ako sa kanya kaya umupo na lang ako sa gilid. Nandun sila masayang kinakausap si Millette. Okay lang naman sakin ang tahimik ako dito. Nothing important naman sakin.

                 Nagsimula na rin magprepare ang lahat at pina ready na rin kaming dalawa ni Millette. Pinasuot kami nang mga damit na babagay para sa amin. Ang binigay sa akin ay pinkish na dress lang naman, habang kay Millette ay balck dress. Actually, abagay sa ugali niya ang damit niya.

                 Nauna akong mag take ng VTR. Una perfect naman ang nagagawa ko pero nang mga sumunod na ay hindi ko na naseseryoso. Nagpapapansin kasi si Millette kaya nadidistract ako sa kanya, hindi naman siya sinasaway sa ginagawa nito. Nagconcentrate na lang ako sa ginagawa ko, ayokong masira ang career ko dahil lang diyan Millette. I hate her the most. Nabaling naman ang mata ko sa lalaking nakatyo sa tabi nang pintuan at nagtama ang mga mata namin. Si Ethan ay nakakatitig sa akin. Natulala ako.

                 "Reizel, focus please!" Rinig kong sabi ng director namin kaya nagulat ako at umiling na lang at iniwas ang tingin kay Ethan.

                 "Sorry po," sabi ko at narinig ko naman na tumawa si Millette pero hindi ko na lang siya pinansin. Grabe makapanglait, nakaka asar lang.

                 Few minutes after ay natapos na ako at after naman si Millette. Umupo na lang ako sa tabi at lumapit si Shini sa akin at inayos ang make up ko sa mukha.

                 "Alam mo, nakaka asar talaga 'yan si Millette. Lakas mang asar." Sabi ni Shini habang inaayos ang blush on ko.

                 "Hayaan mo na lang siya. She wants to compete so I will give it to her."

                 "'Yan ang gusto ko!" Cheer up nito sa akin.

                 Tumingin ako sa pintuan at wala na doon si Ethan kaya nabaling ang tingin ko kay Millette na kung makapag pose din sa harap nang camera ay akala mo iseseduce na ang mga nasa loob dito.

                  "Okay! Okay! Miss Reizel and Miss Millette. Sabay na kayo!" Sigaw nang director.

                 This is what I hate. Wala akong magawa at lumapit na lang at nagtabi kami ni Millette. Nang umupo pa siya ay dinaganan pa ako, hindi ko na pinahalata na umaray ako at ngumiti na lang. Ganun din naman siya, plastik na ngiti.

                 "Hello, once again I'm Reizel Saavedra. Your one and only star." Nang sabihin ko ang line ko ay bigla akong siniko nito. Insecure ata sa sinabi kong one and only star. Hindi tuloy ako makapag salita nang masyado dahil kapag sasabihin ko na ang lines ko ay sisikuhin niya ako bigla. Minsan malakas kaya napapangiwi ako bigla. Sa tagiliran ko pa man din.

                 Nang siya naman ang turn para magsalita ay gumanti ako. Inapakan ko nang takong ko ang paa niya. Nakita ko ang mukha niya na ngumiwi sa sakit. Humarap ito sa akin at nginitian ako at binantaan sa mga titig niya saka siya bumalik sa pagsasalita sa harap nang camera.

                 "Cut!" Sigaw nang director. Tumayo naman agad ako at nilapitan nang ibang staff. Mamayang 3pm naman daw ang TVC ko. Tumango na lamang ako sa kanila at lumabas na nang room.

                 "Hey Reizel! How did you that to me!" Rinig kong sabi ni Millette na sinusundan ako palabas nang room.

                 Hindi ko siya hinarap pero sinagot ko siya. "You did it first, so gantihan lang tayo." Naglakad lang ako patungo sa dressing room.

                 "You! Sh*t!" Nakaramdam ako nang humila nang buhok patalikod kaya muntik na akong mawalan ng balance dahil din sa sapatos na suot ko.

                 Nang hinarap ko siya ay nang gagalaiti ang mukha sa akin. Mukhang witch. Bagay na bagay sa kanya ang face niya ngayon. Mangkukulam talaga.

                 "Anong tinatawa tawa mo diyan?" Matigad nitong tanong sa akin. Nakayukom ang mga kamao nito at maya maya lang siguro ay mananapak ito.

                 "You look like a witch." Nang sabihin ko ang pang asar ko ay natawa din ako bigla. Nang tignan ko siya ay sinugod na ako nito at hinablot na ang buhok ko.

                 "I'm not a witch! You! You are the witch!" Sabi nito. Hindi ko rin maalis ang kamay niya sa buhok ko kaya gumaganti rin ako. Wala bang tutulong sa amin o aawat dito? Like hello?

                 "Oh me witch? But you look like hell!" Sigaw ko na. Agad niyang binitawan ang buhok ko at ngayon ay gulong gulo na ang mga buhok namin.

                 Nagkatitigan pa kaming dalawa.

                 "Hindi ka sana sisikat! Kung hindi kita tinulungan!" Agad akong nakaramdam nang mabigat na kamay sa pisngi ko.

                 Hindi ko alam kung anong mararamdam ko. Masakit kasi sinampala niya ako. Masakit kasi isa pa sa mga binitawan niyang mga salita.

                 May bigla yumakap sa akin at nasa dibdib niya ang ulo ko at yakap niya ako. "Don't ever hurt Reizel. She's not your property to hurt her."

                 Tiningala ko kung sino 'tong lalaki na yakap yakap ako. Nang makita ko ang mukha niya, hindi ako nagkamali. Si Ethan.

                 "Bwisit kayo." Rinig kong sabi ni Millette at nagkaroon nang mga murmurs sa paligid.

                 "Tara sa dressing room mo." Sabi niya sa akin.

                 "Hindi. Sa labas muna tayo."

                                                             --STAR--

Author's Note:

                 Things are getting more complicated at nagsisimula na tayo XD! Oh Yes, nagsisimula na rin si Millette. Siya nga rin pala ang nasa multimedia section sa gilid makikita. I know you know her naman kaya sapat na sa role niya 'yan. So thank you ulit sa pagbabasa ha? Next update ulit.  Don't forget to leave some comments and votes. THANK YOU! Lovelots xx.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top