Star 16

                                                                 Star 16

Still at the moment na iniisip kung anong mangyayari kapag haharapin ko na si Reizel. Alam kong mabobother siya kapag nakita niya ako at maalala ang mga sinabi ko sa kanya. I didn't mean anything, sadyang ang pinunta ko lang noon ay ang sabihin ang katotohan. Pero she's in hand of Nolan. Symepre mas paniniwalaan niya ang boyfriend niya na halos nakakasamaa niya rin, hindi katulad sa akin na first time nagkausap nang ganoon.

              I'm preparing up myself, hindi naman talaga yung usual na body guard na makikita mo sa mga building. Hindi ganun, tagabantay lang talaga ni Reizel. Parang bouncer na rin kung iisipin. Wala silang tiwala sa akin kasi hindi naman daw kalakihan ang katawan ko for the role of the body guard. Bakit? Kailangan ba nang isang tao na magbabantay sa kanya ay may malalaking katawan. Para sakin hindi, kung kaya mong pangatawan ang ginagawa mo, gagawin mo talaga at hindi mo ibibigo kung sino man. Pero kung hindi naman at hanap lang ay hubog ng katawan at laki. Well, malakas nga pero may one word ba? Yung kayang pangatawan?

              "Bro! Are you serious? Body guard? For Reizel?" Hindi makapaniwala si Cezar na tinanggap ko ang trabahong ganun, eh sa nakakaluwag naman daw kami.

              "Cezar, I'm not doing this for the money or so. Ginagawa ko ito to keep Reizel safe. Ayokong may mangyaring masama sa kanya." Tinapik ko sa siya sa balikat niya.

              "So what now? How's the duty?" Bakit parang nag aalala siya sa akin? Natatawa tuloy ako kay Cezar. Naalala ko tuloy nung high school days pa namin.

              "Eight hours, just like a normal worker. Pero pwede daw maextend 'yun kapag may events and anything na kailangan talaga." Nilagay ko na sa likod ko ang bag ko. Extra shirts lang naman ang dala ko at tubig. Siguro maghapon lang akong magbabantay sa kanya.

              Nothing happen. Walang ginagawa as in.

              "Could I used your playstation for the day?" Pagpapa alam nito sa akin. Wala naman kasi siyang gagawin kung sasama siya sa akin. Mabobored lang siya kaya wag na lang.

              "Sure, kung may kailangan ka sakin. Just call me. Sige na alis na ako." Sabi ko. Tumango na lamang si Cezar sa akin, saka niya inayos ang playstation. Lumabas na rin naman ako nang unit.

              Today is the first day. Ano kayang mangyayari ngayon. Sana maging madali lang ang lahat ngayon, ayoko munang istress ang katawan ko dahil lang sa pagbabantay kay Reizel. I won't sacrifice my health for that.

              Sumakay ako nang taxi papuntang Gold Night Vision Company. It takes a little time para makarating doon. Hindi pa ako nakakapunta doon, first time ko pa lang. Sila Cezar at Brena ang last time na pinapunta ko to give the letter to Reizel. At doon nagsimula ang lahat.

              Ilang saglit lang ay nakarating na ako. Malaki ang building. Mukhang mga recording artists talaga ang mga nasa loob nito. Maraming magagaling kumanta pero kahit na ganun, minsan kahit na isipin kong kailangan ko nang iwan ang pagiging fanboy kay Reizel. Lahat sumasagi sa isip ko, hindi ko naman kailangan iwan. Maraming oras at panahon akong ginugol for her. Naging mahalaga na rin siya.

              Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob ng building. Naglakad na ako patungo sa entrance pero hinarang ako nang guard.

              "Anong kailangan mo?" Tanong nito.

              "Boy guard ni Reizel." Diretsyo kong sagot. Kasi baka hindi pa maniwala kung ano ano ang sabihin ko.

              "Ah! Okay, ikaw 'yung sinasabi ni Rizza. Sige lang." Ngumiti at tumango na lang ako at tumuloy sa building.

              Pero nagbago ang ihip nang hangin nang makita ko siya. No not Nolan. Its Millette. Ang taas nang mga takong nito, pwede na pang sundot sa mga mata niya. May mga kausap siyang group of people siguro staff's niya 'yun. Hindi pa rin siya nagbabago ganun pa rin siya. Kimokompitensya pa rin si Reizel, kumbaga gusto niyang angatan ang kasikatan nito.

              Lumayo na lang ako sa kanila baka kasi mapansin pa ako at kung anong sabihin sa akin. Diba last nang makita namin siya ni Cezar. Akal mo sa kanya kami nakatingin, masyadong feeler din minsan kaya nakaka agaw din ng mga atensyon.

              Papunta na sana ako sa receptionist nang maagaw ko ang atensyon niya. "Oh why hey?" Kinalabit nito ang balikat ko. Kaya napaharap ako sa kanya. No facial expressions. Maasar ka na kasi sa pagmumukha niya.

              "So?" Agad kong bara sa kanya. Tinaasan ko na lang ito nang mga kilay at inalis ang tingin.

              "Who do you think you are? And how did you come up in this building ha?" Pagtataray nito sa akin.

              "Well, first and foremost. My name is Christan Wesley or you can call me Ethan. So now you know? And I got here because I do know how." Balik ko sa kanya. She's so irritating. Hindi ko siya matitigan dahil sa kapal ng lapi nito dahil sa kapal ng pulang lipstick niya.

              "Whatever! What are you doing here? Your so eww!"

              "I'm here because I'm a body guard of Reizel. And I'm proud of it!" Pagmamalaki ko. "You? Are you proud to your new toasted skin?" Pang aasar ko.

              "Oh Gosh! Crazy Bastard!? This is my skin! How did you insulted me like that? I called body guards!" Ilalagay pa niya sana ang cellphone niya sa tenga nang unahan ko na siya.

              "Well, I'm also a Guard." Pagkasabi ko ay inirapan niya ako at umalis at lumabas nang building. Sinundan pa siya nang mga kausap niya kanina. Kinakausap pa kasi ako, 'yan ang napapala. Mang aasar pa siya pero siya ang napikon.

              Kinausap ko ang nasa receptionist at sinabing new body guard ni Reizel. Binigyan niya ako nang I.D. at pinadiretsyo sa staff room dahil hinihintay daw ako doon ni Rizza. Umalis ako at dumiretsyo sa sinasabi niyang lugar.

              Nakakatuwa lang kasi ang dami kong nakakasalubong na singers. Mga boy band. Actually, ang nasa company na ito ay magagaling talaga. May maipagmamalaki talaga, kaya dito siguro napunta si Reizel kasi deserving siya sa company na ito. Well sa tingin ko, si Millette lang ang hindi deserving for here.

              Nakarating ako sa harapan ng pintuan ng staff room. Well ano na naman kayang pag uusapan sa min ni Rizza. Nasabi na rin naman ni Rizza ang mga tungkulin ko kay Reizel, gagawin ko naman. Hindi naman ako sinungaling para hindi gawin ang isang bagay na itinakda para sa akin.

              Kumatok ako nang tatlong beses, siguro sapat na 'yun para marinig niyang may tao sa labas. May narinig naman akong nagbubukas na nang pinto, maya maya ay bumukas ito at bumungad sa akin si Rizza na nakangiti. Pinatuloy niya ako sa loob.

              "Hi Ethan, so kapag nandito tayo sa building. Dito ka magistay. Tapos si Reizel ay nasa room niya, malapit lang naman dito 'yun kaya mapupuntahan mo rin siya."

              "Ah, ano ba gagawin ngayon?" Sabay kamot ko sa ulo ko. Pinapunta niya lang naman kasi ako tapos ayun wala akong ideya basta alam ko start na ngayon ng job ko.

              "Ah, may shooting si Reizel for the VTR, so dahil body guard ka niya ay sasamahan mo siya."

              "So, kasama si Nolan?"

              Natahimik si Rizza sa sinabi ko. Ilang minuto rin bago niya sagutin ang tanong ko. Wag daw ako mag aalala kasi hindi daw kasama si Nolan. Busy rin daw ang isang 'yun.

              Sa pagkaka alam ko rin. Anak si Nolan nang sikat na business company dito. Wala akong alam sa background niya. Hindi ko lang talaga siya inaaksyahan ng pahanon. Sa ganung ugali nang manloloko. Tss, never.

              "So, maiwanan na muna kita dito. Tatawagin ka na lang for sure ni Reizel if aalis na kayo." Nakangiti ito. Lalabas na sana siya nang pintuan nang pigilan ko siya.

              "Wait! Rizza!?" Tumingin siya sa akin and she raised her left eyebrow.

              "Magkapatid kayo ni Reizel?" Nang tanungin ko ito ay parang naguluhan pa siya. She's finding some words if its okay to say.

              Napansin kong bumuntong hininga siya at bahagyang ngumiti. "Oo, sige na. Mauuna na ako."

              Tuluyan na siyang lumabas nang staff room at naiwan ako sa loob. Ako lang mag isa dito. Hindi naman maliit ang room actually katamtaman naman for us. May dalawang couch may tv naman, naka aircon pa. May locker naman sa gilid for staffers siguro 'yun.

              Bumukas ang pinto at may pumasok na babae. Iniwas ko agad ang mga tingin ko sa kanya at binaling sa tv. Kita ko naman sa gilid nang mata ko na sa locker siya tumungo at may nilagay sa loob. Napansin niya siguro ako nakatitig siya sa akin.

            "Bago ka?" Napalingon ako sa kanya. Medyo nagulat pa ng ako kasi bigla siyang nagsalita. Ngumiti naman ako sa kanya.

              "Oo, body guard ni Reizel." Sabi ko naman.

              "Good to hear. Nag memake up naman ako kay Reizel." Sabi niya at umupo sa kabilang couch.

              "So, ibigsabihin niyan. Magkakasama pala tayo." Masaya kong tugon. Mukhang may makakasama na agad ako sa trabaho kong ito ah.

              "Ay! Oo nga pala! Hinahanap ka ni Reizel! Gusto ka daw niya makilala!" Sabi nito.

              Nagmadali naman akong mag ayos sa sarili ko at nagpa alam sa kanya at lumabas na nang staff room. Dali dali naman ako pumunta kung saan ang room ni Reizel.

              Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Baka naman papalitan niya agad ako. That's negative. Wag naman sana.

              Kumatok ako nang dalawang beses. Huminga nang malalim at inayos ang t shirt ko. Umubo para maayos ang pagsasalita ko. Itinaas ang buhok. Mabango naman na din ako.

              "Saglit lang! Ikaw na ba yung bagong body guard ko?" Sabi nito sa kabilang pinto.

              "Oo." Sabi ko.

              Maya maya pa ay may nagbukas na nang pinto at unti unting bumukas. Nang bumukas na ang pinto at magkita ang mga mata namin. Tila natulala pa kami sa isat isat. Ako na starstruck na namang makita siya. Pero siya, parang ewan ang ekspresyon nang mukha at sinarado ang pinto.

              Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit niya sinara. Kasi nakita niya ako?

              Well, siguro nagulat lang siya kasi ako ang nakita niyang magiging body guard niya. Wala siyang magagawa. I'm hired to take care of her.

                                                   --STAR--

Author's Note:

           Sorry for the short update. I know naman! Babawi na lang ako sa ibang chapters :D Basta thank you na lang sa pagbabasa. Leave some comments and votes please? Those are highly appreciated. THANK YOU! Lovelots xx.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top