Star 15

                                                               Star 15

Pagka uwi na pagka uwi ko galing sa bahay ni Brena ay agad kong tinawagan ang number na binigay sa akin ni Rizza. Pero nakailang tawag na ako ay puro ring lang ito at walang sumasagot. Siguro busy pa 'yung tao kaya hindi makasagot sagot nang tawag. Oh baka naman mamaya eh, scam lang pala ito. No I mean, joke lang nila? Hindi na lang din ako tutuloy kung ganun nga ang mangyayari. Hindi ako magpapagamit sa mga taong hindi ko naman kilala personally.

              Tumayo ako sa sofa at muling dinial ang number. Sana naman sagutin na niya, to make this things clear. Gusto ko ng katahimikan. Pero naiisip ko minsan bakit ko pa kailangan pumaasok sa kanilang buhay eh hindi ko naman sila kailangan. Kasi ayokong may nasasaktan na tao sa panloloko, fan ako ni Reizel I would rather to do all things para lang mabalik lang sa akin ang tiwala niya.

              "Hello?" Sabi sa kabilang linya. Sa wakas may nagsalita na rin, siguro si Rizza na rin itong kausap ko.

              "Oh Hi! I call up because I'm interested for the job to be a bodyguard of Reizel." Nakangiti ko pang sabi. Ano naman kayang magiginng reaksyon niya kung nalaman niya na ako ang nakausap niya after the last event of Reizel.

              Hindi niya kasi ako nakilala kanina tapos inabot na niya lang sakin yung calling card. Siguro hindi niya rin ako makikilala sa boses ko diba?

              "Oh, Great! Meet me tomorrow at exact 9am. I will text you the place. Wait, what's your name first?" Masaya nitong tugon sa kabilang linya.

              "Ahmm, Christan." Sabi ko, pagkakatanda ko ay tinatawag niya ako sa nickname kong Ethan. Pero siguro maaalala niya ang Christan. Pero almost 1 month na ang nakakalipas.

              "Your name is familiar, but by the way thanks for calling I hope tomorrow ha? Bye." Binaba na nito ang telepono.

              Ano kayang mangyayari if makita niya ako. Si Ethan na gustong mag apply as body guard ni Reizel. What should she do. Pero dapat kailangan kong isama si Brena, baka kasi hindi pa ako tanggapin si Brena na gagawa nang paraan for that.

              Alam mo naman ang babaeng 'yun, gagawin ang lahat kahit anuman pa 'yun.

                                                        --STAR--

              "Wait! So tanggap ka na?" Pagtatanong sa akin ni Brena.

              Umiling ako sa kanya. "Hindi pa, kailangan muna natin siya imeet. So parang kikilatisin niya muna ako parang ganun."

              Sunod sunod na tango ang itinugon ni Brena. Tumayo na ito. "Sige wait mo lang ako, mag aayos lang ako sa sarili ko."

              "Sige." Dali dali naman siyang umakyat sa taas. Nadatnan ko kasi siya dito kakagising lang niya. Sinabihan ko rin naman siya kagabi na maaga kami aalis buti na lang at 8 ako pumunta dito at may oras pa para mag prepare siya.

              Ilang minuto rin ay bumaba na si Brena naka skirt na pink at blue na blouse. Bagay sa kanya ang outfit niya, sa katunayan na cocompliment ang dalawang kulay sa kanya. Maputi naman kasi siya, as in bagay talaga. Meron talagang tao na nakalaan para kay Brena and I'm not person in that kind of position.

              "Ano?! Tara na!" Napailing ako bigla nang magsalita siya. "Ano natutulala sa kagandahan ko? Sabi ko kasi sayo eh, ako na lang!" Pagmamalaki pa nito.

              Tumayo na rin ako. "Alam mo Brena, puro ka biro." Sabay tawa ko pa. I couldn't find a way kung paano ko lalabanan ang mga biro niya rin.

              "FYI, Hindi ako nagbibiro. Ano 'to? Pati ang beauty ko binibiro mo na?" Naku, nahihibang na naman si Brena at kung ano ano sinasabi.

              "Hahaha, tara na Brena. Mahuli pa tayo." Sumabay na siya sa akin palabas nang pinto.

              "Ayaw mo lang kasing sabihin na maganda talaga ako." Nakit ko pang nakapout ito at naka crossed arms. Mukhang nagtampo pa ang isang ito.

              "Oo na, sige na. Maganda ka na." Napakamot pa ako nang batok ko. Hindi naman sa napipilitan pero ganun naman talaga siya eh. Maganda.

              "You didn't mean anything."

              "Tss, Brena mahuli pa tayo."

              Lumabas na kami nang bahay niya at nagpara ng taxi. Sa building kahapon ang kitaan namin, yung kung saan niya binigay sa akin yung calling card. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kung makita niya ako na gustong tumanggap sa trabaho bilang body guard ni Reizel.

              Mga kalahating oras din nang makarating kami sa siyudad at marating ang building kung saan kami magkikitaan. Kinakabahan ako, ewan ko kasi baka hindi lang matuloy lahat ng plano ko.

              "Ano okay ka na ba?" Huminga ako nang malalim. Keep yourself calm Ethan si Rizza naman ang makakausap mo at makakaharap nothing any else. Hindi mo naman siguro makikita ulit dito si Nolan.

              "Tara na." Pumasok na kami nang tuluyan sa loob nang building. Sa lobby rin mismo ang kitaan namin.

              Pagkarating namin sa lobby ay wala pa siya. Siguro nahuli lang 'yun at masyadong maaga pa rin naman mag aalas nuebe na rin naman kaya siguro ilang minuto lang darating na 'yun. Umupo muna kami ni Brena sa mga couch na nakapaikot doon. May mga magazines sa harap nang lamesa, tinitigan ko lang ang mga ito pero si Brena ay kumuha at nagbasa.

              "Brena, magkapatid ba si Rizza at Reizel?" Tumingin sa akin si Brena at itinaas ang kaliwang kilay na nakatingin sa akin.

              "Wala akong alam sa families nila pero nakikita ko sa pictures magkamukha naman sila. They are almost have the same features, akala ko nga kambal eh." Tska niya binalik ang tingin sa magazine.

              "Parehas kayo nang perseption ni Cezar, kung sayo kambal sa kanya magkapatid naman. Pero kasi parang ang layo naman."

              Tumingin ulit sa akin si Brena at sinara ang magazine at binalik sa lamesa niya. Tinignan niya ako sa mga mata ko na parang may gustong malaman. Nairita ako bigla kaya ako na ang umiwas.

              "Cezar? Bakit nadamay pangalan niya?" Napaharap ako sa mukha niya. Natawa ako nang kaunti kaso di ko na lang pinahalata.

              "Alam mo may nafefeel talaga ako sa inyo ni Cezar? Meron ba?" Siya naman ang umiwas nang tingin sa akin. At nagtaray pa. "Sus, wag mo nang ideny Brena."

              "Hindi nga kasi Ethan. I'm not the type of girl who to fall in love with that kind of guy. I'm not just crazy you know?"

              Napakibit balikat na lang ako sa kanya. Nilingon ko ang paligid ko at nakita ko na si Rizza na nakatayo at mukhang nag aantay na siya sa amin. Kinalabit ko si Brena at sinabihan na dumating na si Rizza. Umatras pa nga kami dahil may binulong si Brena sa akin, si Rizza daw ay kapatid ni Reizel. Totoo daw ba na siya yung imimeet namin, umoo naman kasi siya yung nasa calling card. Hindi ba niya nabasa sa calling card?

              Nang malapitan namin si Rizza ay hindi pa kami nito pinansin. Medyo may pagka snob din pala ang isang ito ano?

              "Hello! Rizza?" Pangangamusta ko sa kanya.

              Lumingon ito sa amin at mukhang nagulat pa nang makita ako sa harapan niya. Tinignan niya pa ako from head to toe, maay nagbago sa akin? Wala naman siguro siba?

              "Oh hi! Ethan?" Napabilog pa ang mga bibig nito nang makita ako. "What are you doing here? Long time no see ah?"

              "I'm here for the job." Diretsyo kong sabi sa kanya. Napakunot pa ang mga noo nito sa sinabi ko.

              "Sorry? Job?" Paulit nito sa akin. Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko. Kailangan pa ulitin? Hindi naman siguro siya bingi diba??

              "Body guard for Reizel." Nakangiti kong tugon dito. Si Brena ay nakatingin lang sa aming dalawa. Na nag uusap. Tinitignan niya kung paano makipag usa ang kapatid ng isang Reizel.

              "Ah ah eh..." Tinaas ko ang dalawa kong kilay. "Ikaw mag aapply?" Pagtataka nitong tanong sa akin. Hindi pa rin naaalis yung kunot sa noo niya.

              "Narinig mo na naman si Ethan diba, kailangan pang ulitin?" Singit ni Brena. Tinignan ko na lamang siya at iniwas ang tingin.

              "Oh sorry, akala ko kasi Christan ang mag aapply hindi ko alam na ikaw pala." Ngiting aso nitong tingin sa akin.

              "Christan and Ethan are one person." Rinig kong sabi ni Brena. Kahit mahina I can hear it.

              "Sorry Ethan pero nakahanap na kami ng suit for the role. Saka mukhang di ka papasa para mabantayan si Reizel."

              "Bakit ka pa nakipagkita,  you said you looking for Christan? Then sasabihin mong may nahanap na kayo? How could you lie?" Singit na naman ni Brena.

              "She's you friend?" Pagtutukoy niya kay Brena. Tumango naman ako sa kanya. "Please tell her to keep her mouth shut up. So annoying." Irita nitong sabi.

              Nilingon ko si Brena at sinabihan na pwedeng maupo na lang muna siya sa upuan doon at hintayin na lang ako. Mukhang hindi pa ako matatanggap sa ginawa ni Brena, sabi ko kailangan ko nang tulong niya. But she's the one who making it failed.

              Pero bago umalis si Brena ay may sinabi pa ito. "Mabait naman ako, pero kapag nagsinungaling ka sakin. Hindi ako papatalo. Edi kung pasinungalingan na lang pala, surely mananalo ka. Wala akong laban. And please, tanggapin mo na lang siya. As if diba?"

              Umalis si Brena sa tabi ko at lumabas na nang building at sabi ay hihintayin na lang daw niya ako sa labas. Hindi daw niya kaya ang atmosphere ng kasinungalingan sa loob. Nandiri pa nga itong lumabas.

              "Okay fine, para matahimik na 'yang kaibigan mo. Oo wala pa kaming hinahire, sorry for that. Pero kasi Ethan your not suited, parang hindi mo mababantayan ang kapatid ko..." hinarang ko sa mukha niya ang palad niya para tigilan siyang magsalita.

              "Wala kang tiwala sakin? Kasi siguro nung last time na nangyari, nakulong ako for saying bad things about Reizel."

              Umiwas nang tingin ito at tinalikuran ako. Nag crossed arm pa ito. "'Yun nga? Natatakot ako na baka gawin mo ulit 'yun?"

              "Promise, hindi na mauulit 'yun. Hire me please!" Pagmamakaawa ko.

              "Okay, sa dahil wala na kaming choice. Ethan, you hired." Napansin kong ngumiti ito pero pilit lang.

              Nakipagkamayan ako sa kanya at sinabi niya ang mga rules para kay Reizel. Ang pinakasisigurahin ko lang daw ay mabantayan si Reizel. Yun ang unang rule na binigay, wag ko daw pababayaan. Kasi minsan daw sa events niya, ang mga body guard niya anng nag aasikaso sa kanya.

              So ako ang mag aasikaso kay Reizel?

              "Bukas pumunta ka Gold Night Vision Company, pag tinanong ka kung saan ka pupunta sabihin mo body guard ka ni Reizel. Ayos ba?"

              Tumango ako. "Ayos na ayos."

              Ngumiti ito sa akin at tinapik ako sa braso. "You have the hardest job, so please make all the things that I mention ha?" Tango na lamang ang isinagot ko at lumabas na rin kami nang building.

              Soon, malalaman na nang mundo na si Nolan ay niloloka lang si Reizel. Magbabago ang lahat ng ito kapag pumasok na ako sa buhay nila.

              I won't ruined everything, but I promised I will change their lives.

              Nakita ko si Brena at lumapit sa akin. "Ano tanggap ka ba?" Masaya nitong sabi sa akin.

              "Naman ako pa." Pagmamalaki ko sa sarili ko.

              "Saan gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

              "Sa condo mo, ay kahit saan. Treat mo ba?"

              "Oo."

              As I said, not of their lives will change but also me, will change.

                                               --STAR--

Author's Note: 

           Buti naman nabasa mo na ang update. Sorry medyo sabaw ang unang part. May writers block ako kaya ganyan. Bumawi naman sa huli kaya okay na rin. Things are getting started and more complicated. Magsisimula na! Nasa Rising action palang tayo na papunta na sa climax pero malayo layo pa yun. Steady muna tayo sa rising action. (may ganun?) HAHAHA ANYWAY! Leave some comments and votes :D THANK YOU ULIT!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top