Star 14
Star 14
Isang buwan na ang mga nakalipas nang mangyari sa amin nila Reizel at Nolan. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano siya nagbulag bulagan sa mga panlolokong ginagawa sa kanya ni Nolan. Sa tuwing napapanood ko sila sa tv at iniinterview sila. Naasar na lang ako sa tuwing makikita ko ang mukha ni Nolan.
"Going strong ang relationship namin, simula nang may mga gustong humadlang dito." Panayam sa kanya sa isang telebisyon. Hindi ko nakakaya kung paano niyang lokohin si Reizel sa lahat ng mga tao.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung itutuloy ko pa ba ang pag iidolo sa kanya. Hindi man lang niya inintindi at inalam ang mga katotohanan.
Mag isa na naman ako dito sa condo, bumalik na rin si Cezar sa bahay niya kasi tapos na rin naman ang summer class namin. Naalala ko, hindi niya ako kinikibo n'un ng ilang araw dahil sa nakita niya kami ni Brena sa ganoong posisyon. Inalam ko pa talaga kung bakit, it ends up na. Meron nga, may feelings si Cezar kay Brena.
Hayaan na lang natin lumalovelife ang bestfriend ko at mag stick to one sa isang babae.
"Bunso!" I heard continouosly knocks at the door. Lumapit ako at binuksan ito. Bumungad sa akin ang kapatid ko. "Sama ka sakin, samin pala ni Sarena."
"Kuya Ethan!" Masayang bati ni Ena.
"Saan tayo pupunta ate?" Tanong ko.
"Basta samahan mo na lang ako. Malapit na natin makuha!" Excited na sabi ni Ate. Mababaliw na ata eh? Halos araw araw masaya.
"Ang ano ate? Anong malapit nang makuha?"
"Basta, malalaman mo rin. Sa ngayon, kailangan na natin umalis."
"Sige Ate, magbibihis lang ako."
Dali dali naman akong nagbihis ng damit na pang alis. I don't know where to go, I have no idea hanggang sa ngayon, madalang pa rin kami magkausap ni ate. Lagi niya lang pinapabantay sa akin si Ena.
Nang matapos na akong magayos nang sarili ay dali dali naman kaming umalis dinn kaagad. Tahimik lang ako sa buong biyahe. Kalong kalong ko si Brena. Si ate naman busy sa kakatext niya sa phone niya kaya hindi ko rin magawang kausapin kaya hanggang tingin na lang ako sa bintana. Napakunot ako nang noo nang malaman ko kung nasaan kami ngayon. Papunta ata kami sa siyudad.
Napasilip ako sa mga nagtataasang building sa labas. Siguro hanggang fifty ang floor nang isang building na 'yun. Nakakalula naman kung ganun. Siguro meron na ring nagbalak magpakamatay sa ganyang kataas na building. Who would rather to jump into a 50 floor to the ground. Heartbrokens? I don't think so, hindi kailangan magpakamatay kapag nabroken hearted ka lang. May mga malaking problema pa para diyan.
Sa pagiging aliw ko sa mga buildings sa labas dahil sa sobrang taas. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.
Bumaba kami sa isa ring mataas na building. Napatingala ako sa sobrang taas. Hindi ko kakayanin ang umakyat sa ganyang kataas kung hagdanan ang gamit. Sino ba kasi nagsabing aakyat ako?
Pumasok kami nang tuluyan sa loob nang building. Mas ikinagulat ko pa at sa ineexpect ko pa. Mas malaki ang loob nito, ang lawak. Pero wala naman gaanong tao dito. Siguro nasa kani kanilang floors to do their jobs.
"Bunso, sa may lobby muna kayo ni Sarena. May kukunin lang akong papers." Sabi nito sa akin. Ngayon ko lang din napansin naa ang presentableng tignan ni ate sa damit niya. Naka skirt siya na hanggang tuhod at coat na fit sa kanya.
"Anong papers ate?"
"Basta, malalaman mo rin." Tinuro niya sa amin kung saan ang papuntang lobby. Tumango na lang din naman ako kay Ate at nagtungo kami sa lobby. Hawak hawak lang ni Ena ang dalawang daliri ko habang papunta kami sa lobby.
"Kuya! Why didn't you play any Reizel songs lately?" Napatingin ako sa kanya. I'm confuse with my feelings for her. I don't know, maybe I'm such a fool idolizing like her. She is a star. A hard to reach.
"I don't know Ena. Nagsawa na siguro ako." Napakibit balikat na rin ako. Madalang na din kasi ako makinig nang mga kanta niya. Minsan nga kakaumpisa pala nang isang kanta eh, ililipat ko na agad. Nakakasawa.
Umupo kami sa mga couch doon. Malaki rin ang lobby nila dito. Nakaka aliw ang mga mwebles sa paligid. Ang mamahal siguro nang mga kagamitan dito. Kumikinang talaga.
"Kuya, cr lang ako." Paalam sa akin ni Ena.
"Samahan na kita."
"No kuya! Kaya ko naman po, malapit lang siguro 'yun dito." Tumango na lamang ako sa kanya at ngumiti. Naglakad siya at tumungo sa malapit na cr.
Idinantay ko na lang ang ulo ko sa couch at nahiga nang bahagya. Bigla ko na naman naalala kung paano ako talikuran ni Reizel kasi ayaw niyang marinig lahat ng sinabi ko. Hindi siya naniniwala. Hindi siya marunong maniwala.
Nahagip nang mata ko ang isang babae na nakilala ko sa event ni Reizel. Si Rizza. May kausap ito sa cellphone niya at halatang seryoso. Naka crossed arms pa ito. Tumayo at sinubukang lalapitan. Bumuntong hininga ako nang malakas baka kasi mamaya ay hindi ako mapansin.
"Hello, Rizza." Sabi ko nang makalapit ako kay Rizza. Hindi siya lumilingon sa akin. Busy nga kasi diba, may kausap siya.
"Teka lang," humarap siya sa akin at may inabot sa akin. "Call me if you're interested." Saka siya umalis habang may kausap pa rin sa cellphone niya.
Nagtataka ako? Napakunot ako nang noo nang lumabas ito nang lobby. Hindi niya ba ako nakilala or namukhaan? Sa tagal ba naman kasi nang 1 month, talagang hindi na niya ako maaalala. Well, ganun talaga. Akala mo lang sa una ay friends na kayo but in the end kapag tumagal na hindi kayo nagkikita. Magbabalik kayo bilang strangers. Napakibit balikat na lang ako. "Ganun talaga ang mga tao, minsan nagbabago."
Naglakad ako pabalik sa couch na inuupuan ko kanina. Nang makaupo ako ay tinignan ko ang binigay ni Rizza sa akin. Mukhang calling card siya.
'Hiring: Body Guard for Reizel Saavedra
Call me if you are interested with this
Rizza Saavedra
09*********'
Napaangat ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ako nagtataka kung bakit naghahire sila nang body guard for Reizel. Ang laking pinagtataka ko lang ay they same in last names. Saavedra? Alam ko Salazar ang apelido ni Rizza. Napailing ako, naguguluhan ako dun ah. Well, I'm not interested to be a body guard to her. Baka nga kung ano pang maging issue kapag ako ang pumalit.
Nilagay ko na lang ito sa bulsa ko. Baka sa iba kailangan nila nang trabaho. Ako, ayoko kahit na laging kasama si Reizel. Ayoko na. Kapag nakikita ko siya, bumabalik lahat nang mga ginawa niya sakin. Hindi niya man lang din pinigilan si Nolan sa pagpapakulong sa akin.
Bumalik na rin si Ena kasama na si Ate. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nagulat ako na ang dami papers niyang hawak, pati mga folders na may laman ding mga papeles siguro. Para saan naman kaya lahat 'yun?
"Ate, para saan lahat nang 'yan?" Pagtutukoy ko sa mga papers na hawak niya.
Ngumiti si ate nang nakakaloko. "Bunso, may inaayos kasi ako ngayon. For our future din naman ito, kaya makakatulong sa atin."
"In short ate ano 'yan?"
"Basta, ano may pupuntahan ka pa ba? Mamayang hapon babalik din kasi ako dito. Ano lunch muna tayo?" Tumango naman ako sa inaya ni ate.
Bago kami lumabas nang building ay nagpa alam muna akong mag ccr din ako kaya naghintay sila sa lobby. Dali dali naman akong pumunta sa cr.
Pero sa pagbukas ko nang cr. Muntik na akong hindi tumuloy nang makita ko siya. Si Nolan. Nagtama ang mga tingin namin. Naaalala niya ba ako? Tuluyan akong pumasok sa loob habang siya ay nasa tapat pa rin nang pintuan. Dali dali akong pumasok sa isang cubicle doon.
Ano naman kayang ginagawa niya dito? Matapos kong umihi ay nagtungo ako sa lababo para maghugas. Pero nagulat ako nang makita ko siyang nakatayo at nasa tabi nang lababo. Hindi ko na lamang ito pinansin at tuluyan akong naghugas nang kamay ko. Ayokong gumawa nang gulo dito lalo na siya ang may kagagawan.
Narinig ko itong ngumisi pero hindi ko na lang pinansin. Pinatuyo ko saglit ang kamay ko at lalabas na pero pinigilan ako nito.
"Ang lakas rin nang loob mo na magpakita sa akin ah." Assuming naman 'to. Hindi naman ako nagpakita sa kanya ah.
"Sorry pero pumunta kami dito at hindi para makita ka." Sagot ko na lang sa kanya. Nahagip nang mga mata ko na ang sama nang titig nito sa akin. Naalala ko. May maganda akong plano. "Alam kong naghahanap si Reizel nang body guard niya, siguro kasi hindi siya kayang bantayan ng BOYFRIEND niya. Balak ko nga mag apply eh." Ngisi kong sabi.
"Sorry pero hindi ka bagay sa pagiging body guard. You are not suit to the role. And your a slayer remember?" Hinawi nito pataas ang buhok nito pataas.
"Hindi ako manghahalay, baka nga ikaw pa? Hindi lang kay Reizel. Kundi sa ibang babae pa?" Siguro naman maasar siya sa pinag sasabi ko.
"Loyal ako sa girlfriend ko. And how do you to say that to me?" Panduduro nito sa akin. Naasar na ata siya.
Loyal daw? Tss, kung hindi manloloko. Sinungaling pa. Hayaan na lang natin 'yan. Darating naman ang oras na lilitaw at lilitaw ang katotohanan. Napakibit balikat na ako lang sa sinabi niya.
"Magkikita pa tayo." Dinuro muli ako nito at tuluyang lumabas ng cr. Siguro nga magkikita pa kami. Hindi bilang magkikita sa cr sa kahit na ano baka nga araw araw pa, kasi body guard ni Reizel. Ano kayang mangyayari? I'm excited to do the evil things to him.
Lumabas na rin ako ng cr. At bumalik sa lobby kung saan naghihintay sila ate. Nang makita nila ako ay lumabas na rin kami ng building. Nag lunch kami sa isang restaurant at kumain panandalian. Ilang minuto rin nang matapos kami sa pagkain at si ate ay babalik na sa building at pinaiwan na niya sa akin si Ena. Baka daw kasi gabihin siya at walang magbabantay kay Ena kung sakali kaya sa akin na lang niya iniwan.
"Ena, gusto mo pumunta tayo kila ate Brena mo?" Agad nagliwanag ang mga mata nito nang banggitin ko ang pangalan ni Brena. Matagal na rin kasi sila hindi nagkikita eh.
"Kuya! I would love to."
Agad naman kaming sumakay ng taxi papunta sa bahay ni Brena. Madali lang naman ang byahe kasi wala namang traffic gaano dito. Ilang sandali lang ay nakarating din naman agad kami sa bahay ni Brena. Hindi ko na siya tinawagan para sabihin na pupunta kami. Masurpse siya.
Nagdoorbell kami. Ilang saglit lang ay lumabas ito, nagulat ito dahil nakita niya kaming dalawa ni Ena sa labas ng gate. Dali dali naman niyang binuksan ang gate at pinapasok kaming dalawa ni Ena.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya samin.
"Bakit ayaw mo ba kaming makita?" I said in sarcasm way.
"Hindi bakit?" Hinawi nito ang buhok sa mukha niya. Hindi ata nagsusuklay ang isang ito kaya parang bruha na. Hahahaha.
"May sasabihin lang ako sayo." Sabay ngiti ko sa kanya.
"Hi ate Brena!" Bati ni Ena kay Brena. Umupo si Brena para magkasing tangkad na silang dalawa. Nagkayakapan naman ang dalawa, parang silang isang taon na hindi nagkita. Sa sobrang hogpit ng mga yakap nila.
Pumasok na rin naman kami sa loob ng bahay ni Brena. Nag abala pa siya nang maiinom bago kami kausapin.
"Brena, pwede na ba ako maging body guard?" Tanong ko dito.
Natigil siya sa ginagawa nila ni Ena kaya napalingon siya sa akin. "Ikaw? Body guard? Sa payat mong katawan? Wala ka ngang muscles, hindi bagay sayo."
"Hindi naman bouncer ang aaplayan ko."
"Ano? Naghihirap ka na? Wala ka nang pera pambayad mo sa condo mo? Hayaan mo papatirahan naman kita dito. Free pa, pwede kang kumain nang kung anong gusto mo. Pwedeng pwede."
"Baliw, hindi naman sa walang pera. May plano kasi ako."
"Ano 'yun?" Saka ko inabot sa kanya ang calling card na binigay sakin kanina ni Rizza. Binasa niya ito at nanlaki ang mga mata. "Seryoso ka? Magpapaka alila ka for that Reizel?"
"No, I have a plan."
"Anong plano? Sirain ang career niya?" Napataas ako nang kilay sa sinabi niya. Hindi ko naman gagawin yun kahit na medyo natangahan ako sa kanya.
"Malalaman mo rin 'yan. Basta sa ngayon. Kailangan ko tulong mo."
"Sige, kung kaya ko naman. Gagawin ko." Nakangiti nitong sabi.
"Tulungan mo ako para makuha nila akong body guard for Reizel."
"Sigurado ka ba? Pwedeng ako naman ang bantayan mo." Sabi pa nito.
"Oo Brena eh." Binigay niya muli sa akin ang calling card. "Mamaya tatawagan ko si Rizza, to make things clear. At para magawa ko na ang plano ko."
"Sige." Nagkibit balikat na lang si Brena sa sinabi ko at bumalik sa pakikipaglaro kay Ena.
Sa ngayon, I will sure that my plan will be success. Ayokong magpatuloy si Nolan sa ginagawa niyang panloloko for Reizel. I know somethings be in good things soon. In other way, malayong hindi ko marating ang pangarap ko.
--STAR--
Author's Note:
Thank you so much for reading the update today! Sana magawa kong 2 chapters per day ang ma update ko. Pero sadyang hindi kaya nang katawan ko. Pero sana magawa ko. Ayun Thank you sa inyo. Comments and votes are highly appreciated. Lovelots xx.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top