Star 13
Star 13
Ethan's POV
Dalawang araw bago maibigay sa kanya ang sulat. Ngayon lang siya nagresponse. Ngayon lang kami magkikita.
Pumapagaspas ang mga dahon ng mga puno dahil sa malakas na hangin. Sobrang lakas nga talaga, baka nga mamaya may ipu-ipo na. Naku, wag naman po sana mangyari.
Nakahalukipkip na naglalakad sa daan. Yumuko ako nang masagi na naman sa isip ang ang ginawa ni Nolan. How could he do that to the person who loved him?
At paano nakakasigurado si Reizel na mahal nga siya ni Nolan?
Sana nga dumating siya, nanghingi pa ako ng tulong kay Brena at Cezar para maibigay ang mga sulat na 'yun. Makikipagkita lang naman ako sa kanya sa park. Ang lugar kung saan ko siya nakita at nakilala. Hindi ko pa rin talaga alam kung paano ko didiskartehan kung paano masasabi kay Reizel nna niloloko lang siya ng manloloko niyang boyfriendd na si Nolan.
Nakadating ako sa park, wala pang tao. Pero may nakita na ako isang babae na nililipad ang buhok sa lakas ng hangin. Nakasuot ng mga mapupulang damit. Kilala ko na ata kung sino siya. Palapit na ako nang saktong may umaligid sa kanyang mga bouncers ata, ang laki kasi ng mga katawan at mga itim ang tshirt nito.
"Ikaw ba si Christan Wesley?" Tanong nang isang bouncer sa akin. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
Napatulala ako nang humarap sa akin si Reizel. Ito na ba yung oras at pagkakataon na mahahawakan ko siya at mapapasakin na? Ito na ba? Nakangiti itong nakatingin sa akin, ang ganda nang mga labi niya dahil din sa pink nitong lipstick. Matangos ang mga ilong at may mahahabang pilikmata. May pagka kulay brownish ang mga mata nito.
"Maiwan niyo muna kami." Ani nito sa mga bouncer. Tila nang magsalita siya ay parang kumakanta pa rin siya sa isip ko. Siguro obsessed na talaga ako sa mga kanta niya at sa kanya.
Lumayo nang kaunti ang mga bouncers nito. Naglakad kami nang kaunti para medyo hindi naman nila marinig ang mga pinag uusapan namin. Finally, after all na paghihirap ko. Naabot ko na ata ang matagal ko nang panagarap.
"Mabuti naman at pumayag ka na makipagkita sa akin." Namumula na ata ako dito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang ganda nang mga ngiti niya.
"Hmm, minsan lang akong makipagkita. Wala akong gagawin ngayon, kaya pinagbigyan kita." Hindi nito maalis ang mga ngiti sa labi.
Kahit ang mga labi ko. Na glue na rin ata at hindi ko na magalaw pa. Nakatitig lang ako sa mukha niya nang mapansin kong nanliit ang mga mata niya at sinusuri ako
"May problema ba?" Umiling ako sa kanya. At binaling ang tingin sa iba. "Nakalagay sa sulat na may gusto kang sabihin sakin? Ano ba 'yun?"
Hinarap ko siya. Ang pakay ko naman talaga dito ay sabihin sa kanya na niloloko lang siya ng boyfriend niya.
"Reizel, kung hindi mo ko paniniwalaan ayos lang pero kung paniniwalaan mo naman ang mga sinasabi ko, mabuti kung ganun." Magsasalita pa sana ako nang putulin niya ito.
"Ano bang sasabihin mo? Hindi ka naman at manghuhula diba?" Matawa tawa pa nitong tugon sa akin. Reizel, hindi ako nagbibiro lahat ng sasabihin ko. Totoo sana lang paniwalaan mo.
"Boyfriend mo si Nolan diba?" Una kong tanong palang ay napataas na ito nang kilay at bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Oo..." diretsyo nitong sagot sa akin.
"Mahal ka ba niya?" Napakagat ako nang dila. Oo mali ang mga tanong ko sa kanya dahil baka isipan lang niya na pinapasok ko ang pribadong pamumuhay niya.
"O-Oo naman." nautal nitong sabi. Pansin ko sa kanya na hindi na siya komportable sa akin. "May itatanong ka pa ba?"
"Paano ka nakakasigurado na mahal ka niya?"
"Ano bang tanong yan? Syempre naman mahal niya ako."
"Kung ganun, mahal mo ba siya?"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at parang tumingin sa kawalan. Anong iniisip niya? Iniisip niya bang mahal niya ba si Nolan? Pag iisipan pa ba 'yun? Ang alam ko kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka na maghahanap pa nang mga salita kung paano mo maipapaliwanag. Basta sapat na ang salitang oo kung mahal mo nga siya.
"M-Mahal ko siya." Tumingin siya sa relo niya at tumingin sa akin. "Nakalimutan ko, may meeting pala ako ngayon. May itatanong ka pa ba?" Maglalakad na sana siya nang hinawakan ko siya sa braso niya.
"Niloloko ka nang boyfriend mo." Nag iba ang tingin niya sa kamay at mukha ko. Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko. Pumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Hindi totoo yan. Uuwi na ako." Nagmadali itong maglakad pabalik sa mga bouncers niya.
"Niloloko ka lang ni Nolan!" Hindi na ako nakatiis at sinigaw ko na. Bigla siyang humarap sa akin at nagulat ako nang makita sa mga mata niya ang mga luhang kusang pumapatak.
"Kung wala kang magandang sasabihin. Pwede ka na ring umuwi." Tumalikod ito.
Pero nahabol ko ito at hinawakan sa mga kamay niya. Ang ayoko lang naman masaktan siya sa mga bagay na alam kong wala siyang alam. Hindi ko matitiis na nasasaktan ang idolo ko sa taong walang ginawa kundi paglaruan ang mga babae.
"Hoy! Bitawan mo si Reizel!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw.
"Nolan!"
Agad akong binigyan ng isang malutong na suntok ng isang lalaki sa kaliwang pisngi ko dahilan para mapatumba ako. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko na may dugo. Hindi pa ako nakakatayo nang binigyan niya ako sa sipa sa tiyan.
Nakita ko si Reizel na hinihigit si Nolan palayo sa akin. "Nolan! Tumigil ka na!"
"Sino 'yan ha?! Manliligaw mo? Bwisit!" Iniwan siya ni Nolan.
Hindi pa rin ako makatayo dahil sa lakas ng sipa niya sa tiyan ko. Nakatingin lang sa akin si Reizel. Hindi ba siya naaawa sa ginawa sa akin nang boyfriend niya? Nagmagandang loob lang naman ako diba? Sinabi ko lang naman sa kanya ang tunay na nakita ko.
"Hindi ka na lang dapat nagsalita." Mahina nitong sabi pero sapat na para marinig ko.
Umalis na ito kasama ang mga bouncers niya. Wala. Hindi siya naniwala, mahirap nga talagang abutin. Hindi ka rin paniniwalaan. Tatayo na sana ako nang may biglang humawak sa magkabilang braso ko at pinoposasan ito.
"Anong gagawin niyo?" natataranta kong tanong.
"Sumama ka sa presinto."
"Ano?! Wala kong masamang ginagawa!" Pumipiglas ako pero nakaposas na ang mga kamay ko. Hindi rin nila pinapakinggan ang mga paliwanag ko. Sapat na raw ang nalaman nila mula kay Nolan. Sinasabi ko na nga ba, may mga tao talaga na hindi mapagkakatiwalaan sa mundo.
--STAR--
"Pare anong ginawa mo?" Tanong ng isang lalaki na kaselda ko.
Hindi ko siya inimikan. Nakulong ako sa ginawang walang naman akong ginawa. Nasa may sulok ako at malayo sa kanila. Hindi man lang nila inintidi ang paliwanag ko. At sinabihan pa ako na ano daw bang pakelam ko sa relasyon ng dalawa kung naglolokohan sila. Hindi ako nakakakibo dun. Wala akong nagawa.
"Wesley, labas ka na." Napatingin ako sa pulis na kinakandado ang pintuan ng selda. Sinenyasan ako nito na lumabas na. Wala akong ideya kung bakit ako papalabasin at laya na. Sino naman kay nag pyansa sakin?
Nakita ko ang isang babae na nahaharangan ng buhok ang sumalubong sa akin. Nang hawiin niya ito ay doon ko siya nakilala. Nagtataka lang ako kung bakit siya naririto.
"Ethan? Anong nangyari sayo?" Nag aalala nitong tanong sa akin.
"Ah, napagkamalan kasi maay ginawa ako kay Reizel." Bigla itong napangiwi sa sinabi ko.
Lumingon siya sa katabi niyang pulis at ibinalik ang tingin sa akin. "Ano palang ginagawa mo dito?"
"Ha?"
"Sabi ko, bakit nandito ka?"
"Ha eh? May dinalaw lang, high school friend ko. Nalasing kaya ayun nanununtok. Kulong siya, ah sige ha? Mauna na ako."
"Ah sige."
Nagpaalam siya sa akin. Nagmamadala ata siya ah? Napakibit balikat na lang ako at pumunta ako sa may table kung saan nagbabantay na pulis at may pinapirma sa akin.
"Makakauwi ka na."
Tumayo na ako. Haay, akala ko magtatagal ako dito sa kulungan na 'to. Buti ilang oras lang.
"Ethan!" Bigla akong niyakap ng isang babae at halos mangingiyak ngiyak ito. Ang higpit ng pagkakayakap nito sa akin. "Anong nangyari sayo?"
"Bro! What's goin' on?" Si Cezar. Magkasama sila ni Brena?
Inalis ko sa pagkakayakap sa akin si Brena. Bumuntong hininga ako. "Okay na ako. Laya na ako!"
Pagmamalaki ko pa sa kanila. Yun nga lang may pasa ako sa mukha dahil sa ginawang pagsuntok ni Nolan sa akin. Kung makikita ko muli siya sa bar, gagawa na ako nang ebidensyang magpapatunay na niloloko niya lang si Reizel.
"Ano bang nangyari sayo?" Pag aalalang tanong sakin ni Brena.
"Nakulong malamang."
"Hindi!" Sabay kinutusan ako. Baliw din ang babaeng 'to eh. "Bakit ka kinulong?"
"Pinagsamantalahan ko daw si Reizel, eh nag usap lang naman kami. Mga tao talaga, binibigyan ng malisya." Tsk! Napa iling iling na lang ako sa sarili ko.
"So Bro? What's with your face?"
"Nabugbog."
"Ano?!" Gulat na sabi ni Brena. Hahawakan pa niya sana ang pasa sa may labi ko pero iniwas ko agad. Alam na ngang masakit eh.
"Uwi na tayo." Sabi ko.
Lumabas na rin naman kami ng presinto. Pero hindi pa rin matahimik si Brena sa kakatanong. Dapat daw hindi na lang daw siya tumulong, hindi pa dapat daw ako nabugbog. Tinanong niya rin ako kung anong pinag usapan namin. Hindi ko siya kinibo. Ayokong malaman niya ang nakita kong pangyayari.
"Naku, gusto mo gamutin natin sa bahay 'yan?"
"Wag na, nakaka abala pa."
"Yeah, Brena. We should go home now."
"Hoy! Unggoy, hindi naman ikaw ang gagamutin ko eh."
"Fine."
"Ano tara?" Tumango na lamang ako sa kanya.
--STAR--
"A-Aray!" Pag iwas ko sa bimpo na pinapahid niya sa pasa ko. "Masakit! Wag mo namang diinan."
Natawa na lamang si Brena kaya binasa na lang muli ang bimpo sa batsya na may malamig na tubig.
"Brena, could I used the cr?" Nabaling ang tingin namin kay Cezar.
"Sige lang." Sabi niya. Naglakad naman si Cezar patungo sa cr nang bahay.
"Nagbago ang ihip ng hangin ah?" Ngisi kong sabi. Hinawaka ko ang pasa ko, medyo masakit pa rin naman. Siguro sa makalawa mamawala na rin ito.
"A-Anong nagbago? Malamig pa rin naman dito sa bahay ah?" Hindi ko alam pero feel ko na meron nag bago sa kanilang dalawa. Natawa na lang ako sa itinugon ni Brena.
"Hindi! Ang tinutukoy ko sa inyo ni Cezar. Bakit hindi ka nagsusungit?" Sabay taas ko nang kaliwang kilay ko sa kanya. Umiwas naman siya nang tingin at inabot ang bimpo at pinigaan ito.
"H-Hindi naman ah? Ano ba! May pasa ka kasi kaya wala ako pakelam sa kanya!"
"Ano ngayon kung may pasa ako, si Christan Wesley pa rin naman ako? Eh si Cezar, siya na ba?"
"Ha? Baliw!" Tumayo ito sabay din naman akong tumayo.
"Bakit ka umiiwas?"
"Kukuha nang maiinom?" Tinanong pa ba ang kukuha ng iinumin?
"May juice oh," pagtukoy ko sa lamesa na may pitchel ng juice. "Saglit lang."
Sa paglakad niya ay biglang napatid siya kaya ako rin ay nadamay. Ako ang nadaganan niya, ibigsabihin siya ang nasa ibabaw ko. Ang pangit naman ng posisyon namin. Nakakahiya.
"Ah?" Ngiwi na sabi ni Brena.
"Guys?!" Napalingon kaming dalawa ni Brena kay Cezar na gulat na gulat sa nakita niya. Agad naman kaming dalawa umayos ni Brena. Napansin ko kay Brena na medyo namula ang mga mukha nito. "I'm leaving." Hindi na ito namansin kundi patuloy na lang sa palaglabas nang bahay.
"Nagseselos ata." Sabi ko. Napalingon naman sa akin si Brena. "Sige mauuna na ako sayo, baka nagtatampo na 'yun!"
Nagpaalam na ako kay Brena at lumabas na rin nang bahay. Sinundan ko na lamang si Cezar. Hindi ko gets kung bakit ganun na lamang ang reaksyon niya nang makita niya kami ni Brena sa ganoong posisyon.
I smell something fishy.
--STAR--
Author's Note:
Yey! Araw araw na ulit ang update nito :D Thank you sa inyo guys! Tuloy lang ang support natin sa story! Leave some somments and votes please? THANK YOU! Lovelots xx.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top