Star 11

                                                                 Star 11

Pagkadating na pagkadating ng mga kagrupo namin ay agad naman kaming dumiretsyo kung nasaan ang center ni Ms. Tamara. Hindi maipinta ang mga hitsura namin kung anong magiging resulta ng project namin. I hope na makapasa na kami this time at matapos na ang hell week na ito. Grabe lang, Isang linggong pag eensayo at preparasyon para lang dito. After galing ng summer class ay agad kaming dumidiretsyo sa bahay ni Brena. Hindi naman daw kami nakakaistorbo sa kanya, mas natutuwa pa nga daw siya kasi araw araw siyang may nakakausap.

             "I hope Ms. Tamara, pass us." Sabi ni Cezar na magkadikit pa ang mga palad. Nagdadasal kuno.

             "Cezar, gusto mo sabihin ko kay Ms. Tamara na sinabihan mo siya na..." hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang bigla niyang harangan ng kamay niya ang bibig ko.

             Agad ko namang inalis ang kamay iya sa bibig ko. "Bro, just keep you mouth shut up." Bulong nito sa akin.

             Napailing iling na lang ako. Wala naman na kasing magawang matino si Cezar. Manlait daw ba naman kasi. Maganda naman si Ms. Tamara, model nga kung tingnan.

             Nakarating kami sa center at naghintay pa kami ng ilang minuto dahil di pa raw dumarating si Ms. Tamara kay mas lalo kaming kinabahan dahil hindi namin kung anong mangyayari ngayon.

             May natanaw kaming isang babae na matangkad na nakapusod na palapit sa amin. May bangs ito at namumukhaan namin, nakangiti itong palapit at tumungo sa center niya at pumasok. Teka? Hindi ba ako namamalikmata. At si Ms. Tamara talaga ang nakita ko? Wow! As in talaga.

             "Nakita mo 'yun? Si Ms. Tamara ba 'yun?" Pagtatanong ng gitarista kong kagrupo.

             "Sa tingin ko, pero iba siya ngayon." Sabi ko. Hindi ko talaga maisip na pwede pa pala gumanda ang maganda na.

             "I. Can't. Believe." Napalingon lahat kami kay Cezar na laglag panga at mamaya lang siguro ay papasukan na nang langaw ang bunganga nito. Diretsyo ang mukha nito sa pintuan kung saan pumasok si Ms. Tamara.

             Natawa kaming apat sa naging reaksyon ni Cezar. Siguro natauhan din sa panlalait niya kay Ms. Tamara. Toasted daw ah. Napangisi na lang ako. Nakita naming bumukas ang pintuan at bahagyang nagpakita si Ms. Tamara. "Come."

             Nagtulakan pa kami kung sino mauunang pumasok. In the end, si Cezar ang nauna sa amin. Siya na rin ang nagbukas nang pinto at bumungad sa amin ang nakangiting si Ms. Tamara at nakalugay na ang mga straight nitong buhok.

             "Ms. Tamara, magpapasa na po kami." Sabi ko tska ko inabot kay Ms. Tamara ang cd.

             Kinuha niya naman ito at tumango nang makita ito. Sana naman hindi siya madismaya kapag napakinggan na niya ang kanta ko, siya rin kasi ang nagpursigi sa sarili ko na kailangan mas magaling pa ako sa mga sa duo's na ibang grupo. I tried my best naman at sana hanggang doon sa kinaya ko. Matuwa naman sila.

             "I will give grades for your group now. As of the moment, I will listen to your performance. If you exceed my expectations. I will give you higher grades."

             Halos matuwa kami nang ibalita ni Ms. Tama 'yun sa amin. Mas maganda rin kung mas mataas na grade ang ibibigay niya sa amin at maka uno kami. Na eexcited ang mga kagrupo ko na sana magustuhan ni Ms. Tamara yun.

             At sana hindi ko siya mabigo.

             "You may go home now, I will wait for the other groups to pass their projects. Congrats."

             Napangiti at nagpasalamat kaming anim sa kanya. Lumabas na rin kami ng silid. Pansin kong hindi nagsalita si Cezar at nasa likod ko lang ito habang nakayuko. Nahihiya siguro at ayaw malaman ang panlalait niya.

             "At dahil natapos na ang projects natin, I will treat!"

             "Sigurado ka Wesley?" Tanong ni Gelay.

             "Oo nga, sigurado ka ba?" Tanong ng editor namin.

             Tumango ako nang ilang ulit. "Oo naman, ayaw niyo ba?"

             "No! Bro! Ethan, is rich so he treat us." Cezar interrupted.

             "Anong mayaman ka diyan? Basta tara na."

             Nagpunta kami sa mall.  I will treat them because natapos namin ang project namin nang maayos at hindi kami nagugulo. We perfectly end it so just like that. Nakarating kami sa mall, ang iingay nang mga kasama ko. They just keep tell me na sa mamahaling restaurant kami pumunta. Hindi ko naman afford ang ganun kamahal. I don't have the money to eat in just like that 5 star restaurant.

             You know, marami rin akong kailangang bilhin. Sa pang araw araw ko at syempre hindi na nawawala sa budget ko ang mga pambili ko ng mga kung anong may tungkol kay Reizel.

             "Hayaan mo Cezar, kapag sumikat ako. Ililibre kita sa mamamahaling restaurant. Kahit anong gusto mo, bibigay ko sayo." Sabi ko sa kanya. Pinat ko siya sa balikat niya.

             "Sure? That's a promise right!" Napatango ako sa kanya.

             "I will." Pangako ko sa kanya.

             Malabong mangyari ang sinasabi ko. Pero kahit na, ililibre ko parin ang isang ito sa mamahaling restaurant. Pinangakuan ko na siya. Hindi ko na pwedeng bawiin yun. Hindi pa naman nakakalimutan nitong isang 'to ang mga promise na pinapangako sa kanya.

             "Kami rin ah." Singit ni Gelay. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. I can't. Hahahahaha.

             Pumasok kami sa KFC. Doon ko lang sila ililibre, pero diba KFC yan. Nilibre ko sila nang tag fifty pesos na dish. Flavor shots yun. Ako na nag order kasi ako naman daw ang manlilibre. Mga 'to talaga.

             We used to chitchats. Kung ano ano napag usapan namin. Tawanan dito, tawanan diyan. Hindi kami magkamayaw sa pagtawa kasi sa mga waley na jokes ni Cezar. We can't help stop laughing.

                                                                 --STAR--

             "Sige, Bye!" Paalam ko sa mga ito.

             "Salamat ulit, Christan!" Tango ko sa kanila.

             Umuwi na rin naman ang mga kagrupo ko pero ako hindi pa. Magliliwaliw muna ako sa mall na 'to. Pinauna ko na rin naman si Cezar na umuwi dahil maboboring lang daw siyang mag iikot ikot. May pupuntahan rin daw siyang isang tao. Hindi niya binanggit ang pangalan pero siguro nililigiwan niya lang ito.

             Nakailang oras din ako kakaikot sa mall. Hanggang ngayon pa rin pala wala pang stock ng magazine na 'yun pero atleast nagkaroon na ako at bigay sa akin ni Brena. I wonder why kung ano na kayang nangyayari dun. Kasi nitong mga nakaraang araw talaga, hindi kami masyadong nagkakausap, ni mga text niya wala. Ewan ko siguro may problema lang yan kaya ganyan.

             Naglakad na lang ako pauwi sa condo . Parehas lang naman lagi eh. Kapag pumupunta ako sa mall, walking distance lang talaga. Pero ayoko pang umuwi kaya dadaan muna siguro ako sa park.

             "Haaay." Buntong hininga ko. Months na naman siguro ang aabutin para makita si Reizel sa personal. Ilang araw na rin kasi ako walang balita sa kanya. Ang huling update ko lang sa kanya ay yung nabasa kong articles sa magazine at sa kanilang dalawa ni Nolan.

             Totoo kaya na silang dalawa na talaga? Hindi kaya palabas lang nila 'yun? I think Nolan used Reizel's fame para ikasikat rin nito. Pero siguro, ganun naman talaga ang mga artista. Paikot ikot lang ang mga tao. Kapag napagsaawan ng isa, ang isa naman.

             Pagdating ko sa park ay rinig pala dito ang lakas ng tugtog na nagmumula sa bar. Ang bar na kung saan nakita ko si Nolan. O sadyang namamalikmata lang ako nun kaya ganun.

             Hindi na ako tumambay pa sa park kundi sa bar ako nagtungo. Hindi ko alam kung bakit din ako dinala ng sarili kong mga paa papunta dito. Mas lumakas pa ang tugtog nang makalapit na ako. Hindi naaman siguro mga bingi ang tao dito kaya sobrang lakas ng musics nila dito.

             Papasok na sana ako nang bigla akong harangin ng isang nakaitim na lalaki na mas matangkad pa sa kin. Bouncer ata. "Under age?" Tanong nito sa akin. Umiling naman ako. "Ilang taon?"

             "Nineteen po." Pagkasabi ko ay tumabi agad siya sa pintuan. Mukha pa ba akong teens? Sabagay nineteen pa lang naman ako. Hindi rin naman kasi ako magtatagal dito, may gusto lang akong patunayan.

             Malakas nag tugtog. Maiingay. Nagkakasayawan. Mga naghahalikan sa harap ng iba. Mga lasing at mga nag iinuman pa. Hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa nila. Mga adik na ata 'to eh? May mga babae pang nag oofer na kumandong sila sa mga hita ng mga lalaki.

             Napiling iling na lang ako. Why do I enter this kind of place?

             "Drinks sir?" Tanong nang isang waiter sa akin na may hawak na tray na nakataas gamit lang ang isang kamay.

             "Hindi." May kasama pang hand gestures. Umalis din ito kaagad.

             Ano ba kasing gagawin ko dito? Mukhang wala naman talaga ang hinahanap ko dito. Namamalikmata lang talaga ako. Napaparanoid na lang din siguro ako kaya ang mga imposibleng bagay ginagawa kong posible.

             Aalis na sana ako nang may bumangga sa akin na lalaki na hindi man lang ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa kahalikan niya. I don't mind them kaya hindi ko na pinakelaman pa. Pero biglang napabalik ang tingin ko sa dalawa nang makita ko si Nolan at siya ang gumagawa ng halik sa babae.

             Teka? Napaparanoid na ba ako o sadyang namamalikmata na naman ako. Ilang beses kong pinikit at kinusot kusot ang mata ko pero sadyang totoo ang mga nakikita ko.

             Sabi ko na nga ba. Niloloko niya lang si Reizel.

             Hindi ko na kinaya ang nangyayari sa loob at lumabas na ako nang bar. Umuwi nang hindi man lang naalais sa isipan ko kung paano lokohin at traydorin ni Nolan si Reizel.

             Sabi na nga, she used Reizel for his fame. Hindi ko kinaya ang tindi niya rin pala.

             Kailangan malaman 'to ni Reizel pero paniniwalaan niya kaya ako?

             "Bro! What's with the mood?" Tanong ni Cezar. Hindi ko siya pinansin kundi nagpatuloy ako sa kwarto ko at padabog itong sinara.

             "AHHHH!"

             "Bro!" Biglang pagpasok ni Cezar sa pintuan ko. Napapasabunot na ako sa buhok ko. Wala akong magawa sa mga oras na 'to. Kailangan malaman ang katotohanan. "What's with you? Don't try to kill you self." He said in sarscatic way.

             Hindi ko pupwedeng sabihin muna sa iba ang nakita ko. Ayokong kumalat ang isang balita. Ako mismo ang gustong ipaalam kay Reizel na niloloko siya ni Nolan.

             "Cezar, may kakilala ka ba na nagtatrabaho sa Gold Night Vision Company?" Ang kumpanya kung saan nagtatrabaho si Reizel.

             "None, but Brena could help you."

             "Bahala na."

             Napahiga ako sa kama ko. Hindi na ako makumportable. Ayokong masasaktan ang idolo ko kasi niloko siya. Pero ano nga ba ako sa kanya. I'm a fan, walang magagawa.

             Wala.

                                                                 --STAR--

Author's Note:

             Medyo sabaw ang update no? Pero may sense naman kasi diyan magsisimula ang story nila. Just wait for the next chapters at magugulat na lang kayo bakit ganun na lang :D So Yeah, Walang update bukas! Tomorrow is Friday, kahit sa iba kong stories no update. Babalik ako sa saturday :D Kaya kahit 1 day lang okay na walang update :DD Ngayon lang naman yan XD! Oh sige na, leave some somment and votes ah? THANK YOU!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top