Star 10
Star 10
"Bro! Focus please?" Iritang sabi ni Cezar sa akin.
Nakailang ulit na kami pero hindi pa rin kami makatapos tapos dahil hindi ako makapag concetrate at bigla bigla na lang ako nawawala sa tono at sa lyrics. Hindi kasi mawala saisip ko 'yung nakita ko noong nakaraang araw eh. Si Nolan ba talaga 'yun? Bakit ko naman kasi iispin ang isang bagay na walang kasiguraduhan, pero it keeps on bugging me. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko.
Paano na lang kaya kapag niloko niya si Reizel? Sana nandun ako at mag ala Knight-in-shining-armor niya.
Umupo ako sa couch. Hindi rin kami matatapos kung ganito ako ngayon, walang focus sa sarili. Bukas na din ang pasahan ng project at ngayon kami magrerecord dahil pagkatapos ay ieedit pa ng editor namin ang nirecord.
"Ethan, what's bothering you?" Tanong nitong naka kunot ang mga noo.
"Just don't mind me. Tara na! Ulitin na natin."
Nagsibalikan naman kami sa mga posisyon namin kanina. Nagpakawala ako ng malakas ng buntong hininga at ilang ulit na napailing. Napapatingin sa akin ang mga kagrupo ko, naguguluhan sila sa akin. Parang ang laki daw nang problema ko. Pero tingin ko, wala naman akong magagawa eh.
I'm not a part of their lives. But yeah, I'm still part of her career life as a fan.
"Ehem." Huminga muli ako at inilabas ito sa ilong.
Tinignan ko ang editor na nagsenyas na mag uumpisa ako sa tatlong bilang niya. Pagpitik nito ay nagsimula na ring tumunog ang intro. Si Cezar ay nagboluntaryong mag papiano na lang daw siya kesa mag back up sa akin. Umokay naman kami sa kanya kasi may konting alam naman daw siya doon eh.
'There's a shop down the street,
where they sell plastic rings,
for a quarter a piece, I swear it.
Yeah, I know that it's cheap,
not like gold in your dreams,
but I hope that you'll still wear it.'
Sana maging okay ang kakalabasan ng project na 'to. Sana makapasa kami sa subject na ito. Nasulat ko ang kantang ito, before ako maging fan ni Reizel. Dahil nga sa wala akong magawa dati ay napagtripan kong gumawa nang kanta at lapatan ito ng tono. Ngayon, inayos ko ang mga salita at ibinagay sa tono.
'..and there's no guarantee,
that this will be easy.
It's not a miracle ya need, believe me.
Yeah, I'm no angel, I'm just me,
but I will love you endlessly.
Wings aren't what you need, you need me.'
Nakita ko si Brena na nanonood pala sa amin. Nakangiti habang pinapanood akong kumanta. Napangiti rin ako sa ginawa niya pero may biglang pumatak sa mata niya at pinunasan niya agad ito. Hindi na ito muling lumingon pa at lumabas na siya ng music room. Bakit kaya siya umiyak? Hindi pa rin ba niya matanggap na were just friends lang? Alam kong maiintindihan naman ni Brena 'yun.
Si Brena na masayahin, kalog at mapambara at pansin ko lang nang mga nakaraang araw ay sobrang lungkot nito at kapag nagtatama ang mata namin ay umiiyak ito. Hindi ko naman ata kasalanan na hindi siya magustuhan. Kaya hindi ko siya magugustuhan, kasi hindi siya ang taong nilaan sa akin. Una, masasaktan ka kasi for all the first and pain ganun talaga ang mararamdaman mo. Second, try to accept the things that wouldn't be happen. Be happy and enjoy your life with happy things.
'There's a shop down the street,
where they sell plastic rings,
for a quarter a piece, I swear it.
Yeah, I know that it's cheap,
not like gold in your dreams,
but I hope that you'll still wear it.'
I finished singing the song I wrote. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang huling nota nang kanta. Isang beses ko na pinangarap ang mag record ng kanta, and things were finally happen. Hindi talaga ako binibigo. I know somethings wait for me.
"Success!" Sigaw ng guitarist namin.
"Sa wakas!" Sabi ni Gelay kahit na mamaos maos pa ito.
Biglang lumapit sa akin at inakbayan ako nito."I tell you Bro! You can do it!" Agad akong binatukan nito. Natatawa na lang ako sa ginawa niya.
Tuwang tuwa ang mga kagrupo ko na natapos namin ang araw araw na pagpapapraktis namin. Nag group hug kami as we complete our project successful. Makakaluwag na kami sa oras nito. We will pass tomorrow our project to Ms. Tamara.
Nilinis at inayos namin ang mga instrumento na ginamit namin para sa project na 'to. Syempre hindi kami makakatapos without the help of Brena. Speaking of Brena? Ano kayang nangyari dun kanina?
And why she's sad these past fee days? Nilalayuan niya ba ako?
Lumabas na kami ng music at nagtungo sa sala kung nasaan si Brena. Nanunuod lang siya ng barbie at nakangiti pa itong. Nabaling ang tingin niya nang makita niya kami kaya nag ayos siya sa sarili niya.
"Ano tapos na?" Pagtatanong nito.
"Absolutely, we couldn't finished it yet if you don't help us. So we thank you so much for lend us your music room." Nakangiti kong tugon sa kanya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at napunta kay Cezar.
"Unggoy! Wag ka nang bumalik dito ha?! Hindi ka na rin naman makakabalik dito, as if."
"Would I come back here to visit you? No! Eww." Nandiri pa ang pucha.
Nagpaalam na rin ang mga kagrupo namin at sabi na magkita kita na lang bukas para sabay sabay na maipasa kay Ms. Tamara ang project. Sumunod na rin naman si Cezar sa labas.
Naiwan kami sa loob ni Brena.
"Ehem, Brena..." nilingon ko siya pero inaaliw niya ang paningin niya sa ibang bagay. "May problema ka ba sa kin?"
"H-Ha? W-wala no!" Ani nito na hindi man lang ako tinitignan. Bumalik ito sa pagkakaupo at panonood ng tv niya.
Napakibit balikat na lang ako. Wala! Nagtatampo pa ata siya kaya ganyan.
"Sige, dadalaw na lang ako if gusto mo nang may makakausap."
Tumalikod na ako pero bigla niya ulit akong tinawag. May kinuha pa siyang bagay sa ilalim ng babasagin na lamesa. Lumapit ito na na nakalagay sa likod ang bagay na tinatago sa akin.
"Heto oh!" She handed over a magzine.
Ang magazine na hinahanap ko simula nung maubusan ako ng stock nito. Pabalik balik kong tinitignan ang mukha ni Brena na nakangiti at sa hawak niyang magazine. Hindi ako makapaniwala na bibigyan niya ako nito. First of all, bakit siya bibili ng isang bagay na hindi naman siya intereaso. Second, paano na lang kaya kung nakabili na ako at ibibigay niya sa akin ito.
Sayang lang diba? Pero maswerte talaga ako at binigyan niya ako.
"Salamat." Kinuha ko ito sa kamay niya. Nakabalot pa ito sa plastic nito at halatang bago pa.
"Hindi ko pa nabubuksan 'yan at nababasa. Binili ko 'yan kasi... naalala kita." Humina ang boses niya nang sabihin ang huling salita.
"Salamat! Brena, ano gusto mo?" Syempre bilang pagbibigay ng magazine syempre gusto ko siya bigyan din ng gusto niya.
"Ikaw..."
"Ha?" Nabibingi na ata ako, hindi ko kasi naririnig yung boses niya o sadyang mahina lang ang boses niya kaya ganun.
"Ha! Wag na! Okay na ako. Bumisita ka na lang ulit dito kapag gusto mo." Tinapik ako nito sa braso ko.
Nagpaalam na rin naman ako sa kanya at lumapit kay Cezar na naghihintay sa akin sa gate.
--STAR--
"What's that?" Tanong sakin ni Cezar habang binubuksan ang magazine na bigay ni Brena.
"Magazine! Can't you see?" He glared. Nakikita naman kasing magazine magtatanong pa siya.
"I mean, what's with that?"
Pinakita ko sa kanya ang cover ng magazine at halos malaglag ang panga niya na hindi niya nahulaan kung sino ang nasa magazine. Ngayon lang siya, nagandahan kay Reizel. As if he knew, Reizel is always beautiful.
Beautiful in her way.
Hindi na ako inabala ni Cezar at naglaro na lang siya nang psp niya. Hindi talaga 'to nanahimik kapag naglalaro ng psp niya. Kaya kapag gusto ko matulog, hindi maayos kasi ang ingay niya.
Binabasa ko ang mga articles about kay Reizel. Ang iba ay tungkol lang sa buhay niya, kung paano siya naging successful na singer. At ang ma issue na 'No picture publicity' niya. Nabasa ko na, hindi naman daw niya yung taong ayaw sa camera o picture. Ayaw niya lang daw talaga kumakalat ang picture niya, may nabasa rin ako na kapag nakakakita at nakakabasa siya nang mga bash tungkol sa kanya at binaboy na picture niya, minsan hindi daw siya nakakapag focus sa trabaho niya.
'Hindi ko kailangan ng fame, nandito ako to gave inspirations for others. Nasasaktan lang kasi ako kapag may hindi tama sa ginagawa ko sa kanila.' Quote from the article.
Mabilis ko na inilipat sa susunod na pahina at bumungad sa akin ang picture ni Reizel at Nolan na halos sakupin na ang dalawang page ng magazine. May caught in the act pa na magkahawak ang kamay.
"Were official, I'm his girlfriend." Halos maluwa ang mga mata ko nang mabasa ko ang article about sa kanilang dalawa. Hindi ako makapaniwala na sa sandaling panahon lang ay sasagutin niya ito. Binasa ko pa ang article. Hindi talaga ako makapaniwala. Almost 1 month na rin palang sila at wala akong kaalam alam sa kanya.
Hindi na ba ako updated sa kanya kaya wala kong mga kaalam alam?
Sana lang alagaan ni Nolan si Reizel. I know, the two of them are perfect for each other. Pero sa tingin ko, mukhang hindi magtatagal ang relasyon nila. Ganun naman talaga ang mga sikat, una pakipot pa lang at magliligawan tapos kapag nasagot na ay magtatagal nang ilang buwan tapos maghihiwalay. Cycle na 'yan nang pagiging artista.
Sana lang maprotektahan niya si Reizel. Wala akong laban, kasi I'm only a fan. A fan which inlove with her. Na kahit anong mangyari, walang magaganap. I can't reach the stars from its fame.
Maraming tao ang nakaharang bago ka makalapit sa kanya.
Noon, malapit na kami sa isat isa. Kaso hindi talaga ata kami tinadhana kaya pinaglayo kami.
Pero may nakadali na rin ng bituin ko. Si Nolan. Parang masasabi ko na rin ba? May pag asa pa ako?
Napailing na lang ako sa sarili ko. Walang mangyayari kung hanggang dito na lang ako at walang gagawin. Ginawa ko na naman dati ang maging admin ng page niya subalit hindi ko nagamapanan kaya inalis ako.
"Cezar!" Tawag ko dito.
"Wait! See I'm playin!" Balik nito.
Hinintay ko pa siyang madead bago ako kausapin.
"May tanong ako, would you believe if a fan and a star had a relationship?"
Napataas ang kilay nito sa tanong ko. "Bro, if I'm the one who answer that. Its possible. But, there comes a time that you don't deserve that postion to be with her."
Wow! Bilib ako kay Cezar. Saan niya kaya nakuha ang mga sinasabi niya? Pero meron ding sense yung sinabi niya kaya pwede na rin.
"Why? Are you inlove with Reizel? Oh c'mon Bro! That wouldn't be happen!"
Ay! Dinown ba naman agad ako! Tss, binatukan ko ito.
"Matulog ka na nga, we still have our last day for our summer class tomorrow! Be ready, because I will tell to Ms. Tamara that you insulted her!" Pang aasar ko dito.
"No! Bro! No! Please?! She 's not toasted, I mean black is beauty!" Nagmamakaawa itong lumapit sa akin.
"Okay, baliw ka talaga." I patted his head.
Napahiga na lang ako sa kama ko. Kailan ko kaya makakausap si Reizel as in hindi katulad ng sa album launching na mag ha hi at hello lang ito.
"I Wish I could be a star."
--STAR--
Author's Note:
THANK YOU SA INYO! SALAMAT SA PAGBABASA :D I HOPE HANGGANG SA DULO MASUBAYBAYAN NITO ITO! DONT LEAVE withouth leaving votes and comments! Lovelots xx.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top