Star 1

                                                                             Star 1

She's a star and I'm only a fan. She's the perfect girl I've ever known. She has the smile, the talent and the voice that makes my heart starts to beat. Lastly, she's everyone's idol.

          In every action, I must know what do you do. In every second, minute and hour I am always thinking of you. But in just a poof, your hard to reach. You still a star that no one can reach.

           Nakikinig ako ng kanta niya sa album niya. Narelease lang ito noong last month lamang ngayon ko lang ulit napakinggan. Lahat na ata ng albums niya ay nabili ko na. Syempre dahil solid fan niya ako ay may mga pirma niya pa ito. Hindi ako nagpapahuli sa lahat ng events niya kahit concert pa man. Kahit gipit ako, gagawa at gagawa ako ng paraan para lang makita siya sa personal.

            Siya si Reizel Saavedra. I'm an obsessed fan of her, kung tutuusin nga parang sa kanya na lang tumatakbo ang buhay ko. Lahat ng naiipon ko ay pinambibili ng mga albums niya, ticket for the concerts. I wonder why kung bakit minsan lang, hindi siya nakikisalamuha sa fans niya. Kahit ni isa palang picture wala pa akong kuha sa kanya. Isa lang ang tumatatak sa isip ko kapag gagawin niya yun. Ayaw niya dahil baka magalit siya. Nagsabi na siya nun sa news na 'Ayoko kasing kumakalat yung mukha ko sa public, I'm a performer not a star'

           But for me, She's a Star.

           Pero kahit sabihin pa niya yun. She's my idol and I'm her loyal fan.

     May biglang kumatok sa pintuan ng kwarto. Nahinto lang ako sa pag iimagine nang may kumatok, I was thinking about her. Bigla namang bumukas ang pintuan, hinihintay kung sino ang papasok.

          "Bro!" A guy whose entered my room with some cd's or should I say playstation games. Dire diretsyo lang palapit sa akin at umupo sa kama ko. "Supp Bro?"

              We do the hand gestures like men do.

           "Ayos lang naman, bakit ka napunta dito?" Oo nga pala, sa condo lang ako nakatira. Kasi ako na lang ang mag isa sa pamilya, my mom and dad died due to air crash. I have a sister, pero wala siya ngayon dito nasa germany siya ngayon.

             "Wanna play?" Englishero talaga 'tong kaibigan ko. Nakilala ko kasi 'to, high school kami. Magclassmate kami. International school 'yun kaya may mga kaklase talaga akong may lahi na dito naninirahan. Isa siya sa mga naging close ko na dahil siya yung may pagka loner minsan.

               "Anong laro naman 'yan?" Pagtatanong ko sa kanya. He handed over the cd's.

            "Final Fantasy," tinignan ko naman ang cover ng cd at mukha ngang maganda ito laruin, "Try to play playstations again, not just listening to your idol's songs." Napatingin agad ako sa kanya at sinamaan ko siya nang tingin.

               "Anong sabi mo?" Umiwas siya ng tingin sa akin at may pasipol sipol pa siya.

              "Nothing important," napangisi ako sa sinabi niya "So let's play."

            "Ayoko tinatamad ako." Sabi ko sa kanya at humiga ulit ako sa kama ko. Nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa ulo ko.

           "C'mon bro, just this time." At dahil minsan lang bumisita ang isang ito dito sa condo ko at makipaglaro ng playstations. Pumayag na ako.

             "Sige, ayusin mo na 'yung playstation."

           "Yes!" Dali dali siyang pumunta sa may tv at inayos ang playstation.

           Malapit na rin pala ang album launching ni Reizel. 4th album na ang ilalabas niya at next week na 'yun. May mall shows na din siya at sigurado akong pupunta ako doon.  I just wanna hear her voice sa personal. Ako lang naman kasi ang Obssed fan niyang si Christan Wesley. Almost 1 year pa lang siya pero iba ang impact niya sa aming mga fans niya.

        "Bro!?" Bigla akong tinapik ni Cezar sa binti ko kaya napailing ako bigla. "Here's your controller." Hinagis niya yung puting controller papunta sa akin na muntik nang tamaan ang mukha ko. Buti na lang at nasalo ko agad kundi wala na akong ihaharap pa kay Reizel kung ganun.

             Umayos ako nang pag kakaupo at humarap sa tv para maglaro. "Why should we try tekken first?"

           Napatango na lang ako sa sinabi at agad niya namang nilagay ang cd sa loob nito. I used to play characters like Jin, Paul and Lili. Wala lang trip ko lang sila gamitin.

              In the end, marami siyang losses. Mas marami akong wins. Hindi na namin nalaro ang Final Fantasy dahil nabadtrip siya kasi hindi man daw siya makanalo nalo. Hindi naman kasi kailangang malalakas ang gamitin mo if you played like this game kasi kahit anong laban ang gagamitin mo kung ang kalaban naman ay may kakayahan din para matalo ka, ano pang silbi ng lakas mo na in the end wala ring silbi.

          Wala lang nasabi ko lang naman.

      "Ethan, do you have ice cream's here?" Pagtatanong sa akin ni Cezar. Nasa kusina ngayon siya at nagpapawala badtrip daw siya.

           "Yup, Ube flavor!"

           "Yuck! Ube?" Dali dali siyang pumunta kung nasaan ako.

           "Bakit anong problema mo sa ube?"

           "I don't like it." Ang arte talaga ng isang 'to.

                               

         Ube flavor kasi 'yun yung favorite ni Reizel. Kahit anong favorites niya nagiging favorites ko na rin eh. Obsessed fan nga kuno. Lumabas siya ng kwarto ko ay sumunod din naman ako sa kanya, hindi niya na inayos yung playstations dahil sa badtrip. Lumabas ako nang kwarto at sumunod sa kanya. Pagdating ko sa kusina ay kinakain na ang ice cream ko.

           "Sabi ko na nga ba at kakain mo rin 'yan." Umupo ako sa upuan na kaharap niya lang.

            "No choice bro." Natawa na lang ako sa kanya at napailing iling.

            "Gusto mo sumama sa mall show ni Reizel?"

            Hindi ko alam pero.

           Binugahan agad ako ni Cezar ng ice cream na nasa bibig niya ay ibinuga sa akin. Parang nagulat siya nung sabihin ko ang pangalan ni Reizel.

           "No way!"

           Haay naku, kailan kaya ako magkakaroon ng supportive na kaibigan?

                                                                        --STAR--

           Bandang tanghali nang umalis ako sa bahay at ngayon ay pauwi na ako. Mag gagabi na ngayon, wala namasyal lang naman ako sa mall, may binili lang ako.

           "Teka? Anong meron 'dun?" May nakikita kasi akong nagkakagulo sa may bandang tabi ng starbucks. Dahil sa koryusidad ko ay napalapit na lang ako bigla dun.

           Palapit ako nang palapit nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Nakatalikod lang ito pero may kausap sa telepono.

           "Ate, ano pong meron?" Tanong ko sa nasa harap kong babae na kung makatili ay matatanggal na ang ngala ngala. May camera pa siyang nakatutok mismo sa lalaking nakatalikod.

           "Si Nolan!"

           Nolan Statvon? Ang rumored na manliligaw ni Reizel. Hindi na ulit ako pinansin nang babae at bumalik na lang ulit siya sa pag titili. Mui kong sinilip ang lalaki. Ngayon ay nakaharap na siya. Si Nolan nga. Hindi naman kagwapuhan ang isang 'to pero bakit siya pa?

           "Nolan! Kayo na ba ni Reizel?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita at bumalik ang tingin ko kay Nolan.

           Hindi ito sumagot nguniti naglakad na lang palayo. Naiwan akong nakatayo dito pero sinusundan lang siya nang mga tao dun. "Haay, sana ako na lang si Nolan."

           Tumalikod na ako sa paglalakad ko at lumayo sa mga taong nagkakagulo dahil sa isang lalaki. Pwede naman akong pagkaguluhan, biro lang.

           Palabas na ako nang mall, may binili lang ako kanina na para sa sarili somethine like pwede kong itago, kahit anong mangyari. Photo album, sa susunod maglalaman na rin ito nang mga pictures namin ni Reizel.

           Maglalakad lang ako pauwi papuntang condo kasi malapit lang ang condo dito sa mall kaya hindi na hassle sa akin ito. Mapapadaan ako sa park.

           Naalala ko nung kung paano ko nakilala si Reiziel.

           *Flashback*

           Naglalakad ako ngayon sa park para maglibang libang lang dahil wala akong magawa sa bahay. Ang boring naman kasi eh. Lagi na lang playstations ang nilalaro ko.

           "Ba't ang daming tao?" Sabi ko, ngayong araw kasi may event ata dito sa park ngayon. Hindi ko alam kung ano meron eh.

           Dahil sa padumog ng padumog ang tao ay pumunta na rin ako kung nasaan ang event. May maliit na stage sa harap para saktong makikita ang mga nagpeperform.

               

           "And our special guest," nagtilian ang mga manonood "Reizel Saavedra!" Nagpalakpakan ang mga tao na may kasamang hiwayan.

           Hindi ko kilala ang guest nila kaya napakibit balikat na lang ako.

           "Hello guys, I'm here to sing a song for everyone..."

           Tumalikod na ako. Ang boring naman dito sa park, hindi man lang sikat ang mga guest nila. Nagsimula na akong maglakad at nang may matapakan akong bato ay sinipa sipa ko ito.

           "You're not alone, together we stand

           I'll be by your side you know I'll take your hand

           When it gets cold, and it feels like the end

           There's no place to go you know I won't give in

           (Ah, Ah) No I won't give in (Ah, Ah-Ah)"

           Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko nang boses. Napaangat ang ulo ko at pinakinggan ko mabuti ang boses niya. Ang sarap lang pakinggan ng boses niya, ang smooth. Humarap ako sa kanya para mas makita siyang kumakanta. Ang ganda niya pala.

           "Keep holding on

           'Cause you know we'll make it through

           We'll make it through'

           Nang kantahin niya ang bandang chorus ay pinangilabutan ako sa boses niya at lahat ng tao ay pumalakpak sa kanya at nagsigawan. Napangiti na lang ako. Iba siya, kakaiba ang babaeng ito.

           Sabi ko aalis ako kasi ang boring na dito sa park. Pero hindi, naging bato ako ditong nakatayo habang pinapanood siyang kumanta. She feels the way she sang it. Napahanga niya ako. Nagtama ang mga mata namin pero agad niya itong iniwas at tumingin naman sa iba.

           Ano nga ulit pangalan niya? Reizel?

           "La-Da-Da-Da, La-Da-Da-Da,

           La-Da-Da-Da-Da-Da-Da-Da-Da"

           Tinamaan na ba ako?

           Natapos siyang kumanta. Pinakilala ulit siya. Ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yun pero sa first time na 'yun I think its the best. Bago siya bumaba ng stage ay kumaway muna at bumaba na papunta sa backstage.

           Nagkaroon ako nang idea na puntahan siya sa backstage.

           Dali dali naman akong pumunta doon. Pagkadatin ko sa backstage ay wala namang nagbabantay dito kaya free ko siyang makakausap niya.

           Nakita ko siya na papasok na siya tent kaya tinawag ko siya agad agad.

           "Reizel?" Napalingon siya sa akin. Ngumiti naman siya bigla sa akin. I know, this time I feel love.

           "Reizel, tara dito!"  May biglang humatak sa kanya at pinapapasok na siya sa tent.

           "Wait," hindi na siya nakapalag kundi pumasok na lang din sa loob.

           Haay, nakakaasar naman. Magpapakilala na sana ako eh. Badtrip naman.

           Pero ang sarap lang sa feeling na nakilala ko siya.

           *End Of Flashback*

           Natawa na lang ako nang balikan ko ang ala alang 'yun. Hindi pa rin kasi ako maka move on dun. Makakausap ko na siya pero dahil dun sa humatak sa kanya hindi tuloy natuloy. Ngayong sikat na siya at hindi lang guest performers, mukhang mahirap na makausap ko siya.

           At malabong maalala niya ako.

           Malapit na ako sa park nang makita ko ang pamilyar na tao na kanina lamang ay binabalikan ko ng mga ala ala ko.

           "Reizel?" Nakatayo lang siya at mukhang may hinihintay siya.

           Lalapit na sana ako nang may biglang humintong taxi sa harap niya. Bago siya pumasok sa taxi at buksan ito ay napatingin siya sa gawi ko.

           Ilang segundo niya rin akong tinignan. Kumaway ako at ngumiti sa kanya pero mukhang hindi niya ako maalala dahil pumasok na lang siya sa loob ng taxi at dali dali naman itong umandar palayo.

           Ang hirap talaga abutin ang mga pangarap mo. Kahit na ikaw na ang gumagawa ng paraan para mapalapit, may mga gumagawa talaga ng paraan para mapalayo kayo sa isat isa.

                                                                        --STAR--

                                                                 Author's Note:

           Hello Guys! I Hope you enjoyed the first chapter :) Sana nagustuhan niyo siya :D Please do vote and comments. I highly appreciated those :D Sana hanggang sa dulo ay masubaybayan niyo ang storyang ito. Salamat sa inyo guys :) Rock On \m/ And Wait! Yung lead female ay true singer :) Totoo po siya at hindi siya fictional character lamang. Try niyo siyang iresearch kung gusto niyo. Salamat ulit :*

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top