Rising Star 32
Rising Star 32
Ethan's POV
Its such a great thing na 'yung pinapangarap ko lamang dati ay nakuha ko na. She is with me and we like each other. Bumalik na rin naman kami sa city makalipas ang ilang araw na summer vacation. Maraming masasayang nangyari sa amin, mas lalo kaming naging close sa isat isa. Lalo na kaming dalawa ni Reizel, mas naging comfortable pa kami sa isa't isa. Hindi na kami 'yung nahihiya sa kapag mag uusap kami. Wala nang ganun kasi gamay na nga namin ang isa't isa.
Niyaya ako ni Reize dahil may recording siya ngayon. May ilolaunch na naman kasi siyang album kasabay nang concert nya. So it would be great na siya na mismo ang nagyaya diba.
When the time has come, never let it go because its just one time that the feelings never be same again.
Still morning at mamaya maya pa naman ang recording niya. Tuwang tuwa nga si Reizel na pupunta kami nang Paris, she loves it. Pinilit niya talaga ako na sumama sa kanya. Wala naman akong nagawa para na rin mabantayan ko siya. Alam na rin naman ni Rizza ang lahat. Tuwang tuwa nga rin siya na malaman na kami na ni Reizel at may sinabi pa sila sa akin.
Yung time daw na nakulong ako si Rizza daw nagpiyansa sa akin n'un. Naalala ko pa nga na sabi niya ay yung kaibigan niya daw ay nalasing kaya nagkaroon nang gulo tapos ako pala ang pinunta niya. So, ibigsabihin lang matagal na rin pala nila ako kilala. Nagulat rin kasi ako nang sabihin ni Reizel na sila ang nagpasimuno n'un. Hinahanap pa talaga namin si Rizza then it turns out na magkapatid pala ang dalawa.
My phone rings kaya kinuha ko agad ito at sinagot ang tumawag. "Hello?" Sabi ko sa kabilang linya.
"Ethan!" Ang taas nang energy ni Reizel ha. Bakit naman ito napatawag, mamaya pa naman ang recording niya.
"Ano 'yun, Reizel?"
"Pumunta ka na ngayon sa GNV Company. Nagpapack up na ako." Sa sinabi niya ay agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at nataranta sa kung anong uunahin ko.
"As in? Ngayon na ba?" Pagtatanong ko pa sa kanya.
"Oo," sabi pa nito. Napasapo na lang ako sa mukha ko. "Hintayin ka na lang namin dun ha?"
"Sige, Reizel." Saka biya binaba.
Agad naman akong nag ayos sa sarili. Nag mabilisang ligo na ang ginawa ko. Ayoko naman na mahuli pa. Nakakahiya naman 'no si Reizel na nga ang nagyaya sa akin ako pa itong huli. Masyado lang din kasing pagod ang katawan ko kaya ganito ako. Ayaw pang bumango sa higaan. Tinatamad kumbaga pero nang marinig ko na ang boses ni Reizel ay ginanahan ako bigla.
This day make somethings up to.
Tinext ko rin naman agad si Reizel na papunta na ako ngayon sa GNV. Nagreply naman ito na on the way na rin naman daw sila. Mabilis na llang din anamn ang byahe siguro nito kasi umaga pa naman at medyo may kalapitan lang naman at saktong bus na lang ang sasakyan ko.
Sumakay ako nang bus, saktong sakto nga at wala pang gaanong tao at nakaupo pa ako sa mga upuan. Minsan kasi hindi na dahil sa mabilis napupuno ang mga bus. Ilang saglit lang din ay mabilis akong nakarating sa GNV kaya bumaba na rin naman ako at tumuloy sa building.
"Good morning!" Bati ko sa body guard na nagbabantay sa entrance nang building.
"Good morning din sayo, hijo." Saka ako tinapik nito sa balikat. Kilala na rin naman ako dito sa building na 'to bilang personal body guard nga lang ni Reizel. Okay na rin 'yun kaysa naman kumalat pa na kaming dalawa na ni Reizel. Mas okay na itago muna namin ang relasyon, atleast naman hindi kami naglolokohan. Hindi katulad ni Nol na pina alam niya pa talaga sa media tapos in the end lolokohin lang pala niya ito.
Speaking of Nolan Statvon. Ayun nga, kumalat na nga na break na silang dalawa. Hindi sinabi ang dahilang kung bakit syempre laking kahihiyaan na lang din 'yun kay Nolan. Pero kahit na, malaki ang kasalanan niyang ginawa kay Reizel. He's secretly loving others while he's on a relationship. Grabe lang din.
Dumiretsyo na rin naman ako sa receptionist. Walang tao kaya naghintay muna ako at nakatayo. Tiningnan ko naman ang relo ko at quarter to nine pa lang naman.
"Hello, Sir." May isang babae ang pumunta sa receptionist at kinausap ako. Nakatingin ito nang diretsyo sa akin kaya hindi ko na lang din pinakelaman.
"Dumating na ba si Reizel Saavedra?" Sabay ngisi ko pa sa kanya.
"Ah Sir," saka umiling ito. "Hindi pa po." Pero bigla itong tumuro kaya napatingin ako doon. "Sir, ayan na po sila. Dumating na." Sabi niya.
"Salamat." Saka ko siya tinapik.
Lumapit naman ako kila Reizel at Rizza. May ngiti ito sa mga labi niya nang makita ako. Tila parang magic na pinangiti rin ang mga labi ko. Nagkatitigan kami sa mga mata, iba pa rin talag ang isang Reizel Saavedra. She has the charms.
"Mabuti naman, Etha at napaaga ka." Salubong na sabi ni Rizza sa akin.
"Oo eh, nagmadali na nga ako." Napakamot pa ako sa batok ko.
"Kaya kita pinapunta nang maaga kasi, sinabi ko kay ate na isama ka sa next cd ko. Duet tayo." Sabi nito Reizel at siniko pa ako.
Napahawak na lang ako sa sinikuhan niya.
"Meron din kasi nagsabi sakin na maganda ang boses mo, Ethan kaya pinayagan ko na." Sabi naman ni Rizza.
"Salamat." Tugon ko.
Madali naman kaming pumunta sa recording studio at sinalubong din kami nang director at sinabihan kami na magprepare na at mag ready na daw kasi mukhang matatagalan ang recording. Syempre hindi ko pa kabisado ang lyrics ko ay kinabisa ko ko muna at si Reizel muna ang sumabal sa pag rerecord.
Maganda talaga ang boses niya. May pagkarock minsan pero astig talaga. Nakakahiya na talaga kasi siya na mismo ang nagsabi sa akin na isasama niya ako sa next album. It would be great na mapasama ako dun. Hindi ko nga alam kung bakit sila nagagandanna sa boses siguro, naaakit lang talaga sila.
Habang nagkakabisa ako ay nilapitan ako ni Rizza. Nakangiti ang mga labi nito at diretsyo ang tingin sa aking mga mata. Siguro mas masaya siya sa naging takbo nang buhay ngayon ni Reizel. Tumabi siya sa kinauupuan ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Alam mo, Ethan. I didn't expect that Reizel move on that easily and that's all because of you, Ethan. Siguro kung wala ka ngayon sa tabi, palagi pa rin siyang nagkukulong sa kwarto niya because of Nolan."
Napalingon naman ako kay Reizel na kumakanta. Pansin ko nga rin kay Reizel, mabilis siyang naka move on. Siguro kasi pinarealize ko sa kanya ang mga bagay bagay na hindi na naman dapat pang dalhin kasi puro sakit lang naman ang madadala nito.
"Hindi ko rin naman magagawa 'yun nang hindi dahil sayo, Rizza. Tinanggap niyo ako sa pagiging personal body guard niya. For me, that's a big help." Ngiti kong tugon sa kanya.
Diba? Hindi naman ako makakapasok sa buhay ni Reizel if hindi ako personal body gyard niya. Maraming instances na nangyari pero in the end na solusyunan naman ang lahat.
"Ethan, ito lang mapapayo ko sayo. Please take care of my sister. Madamdamin ang isang 'yan kaya alagaan mo." Saka ako tinapik ni Rizza. Tinanguhan ko lamang siya.
"Yes! Rizza, not only a personal bodyguard but a boyfriend for her." I said with a smile. I've said my words at hindi na mababago 'yun.
"Salamat, Ethan." Tumayo si Rizza kaya napatingala ako sa kanya. "May pupuntahan lang ako ah, bestfriend ko." Kinikilig na sabi ni Rizza.
A busy person like my sister. Mag tutwo na pero madalang ko pa rin siya makausap. Dinadala na rin naman niya so Brena kasi alam na niyang personal bodyguard ni Reizel pero may sinabi siya sa akin na kapag hindi na daw siya busy pwede na daw ako magquit sa pagiging bodyguard ko. Pero kahit sabihin ni ate 'yun. Hindi ako aalis, kung sabihin na lang din naman ni Reizel na wag na magsilbing bodyguard that's okay. I will quit.
"Boyfriend mo?" Pagtatanong ko sa kanya. Kasi kung kiligin siya parang ewan kaya natawa tawa na lang ako sa kanya.
"No, a girl. My girl bestfriend. Si Tamara Bliss, I know you know her."
"Yes." Saka kumunot ang noo ko sa kanya.
"Good! Sige pupuntahan ko lang siya, magkabisa ka na diyan baka ikaw na sumunod." Tumango na lamang ako kay Rizza at lumabas na rin naman siya nang studio.
Napaisip ako bigla kay Miss Tamara. Oo, summer class teacher siya namin at ang nag handle sa project namin. Saka n'un nakaraan ay nakita ko siya dito sa GNV at nakausap ko pa siya. Hindi ko nga lang natanong kung anong ginagawa niya sa building kasi umalis din naman ako agad.
Bumukas naman ang pinto nang studio at pumasok dito si Shini ang make up artist ni Reizel. Nag wave ito sa akin at lumapit sa tabi ko. Bigla ba naman akong dambahin kaya muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.
"May nalalaman ako sa'yo." Sabi nito at sabay kiliti sa tagiliran ko. Dahil sa malakas ang kiliti ko sa tagiliran ko ay napausog ako at muntik na naman akong mahulog buti na lang at nahawakan niya ako.
"Ano naman 'yun?" Pagtatanong ko sa kanya. Ang weird niya ngayon kasi iba ang titig niya sa akin at sa mga ngiti niya ay parang may alam nga siya.
"Kayo na daw?" Mahina nitong sabi. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko mula sa bibig niya 'yun.
"Sino nagsabi sayo? Hindi 'no." Pagtanggi ko. Agad naman akong kiniliti ni Shini pero tumigil din naman agad 'to.
"Si Rizza." Sabay hagikgik nito. Napailing na lang din ako at natawa sa kanya. "Sabi ko na bagay kayong dalawa eh." Dagdag pa niya.
"May sinabihan ka ba?"
"Wala naman." Saka siya umiling. "Wala." Pag iisip nitong sinabi.
Ilang minuto rin ay pinaghanda na rin ako kai isusunod na daw kaming dalawa ni Reizel. Hindi na rin naman ako kinausap ni Shini kaya nagkabisa na rin naamna ko nang lyrics ko. Salitan naman kami nang linya ni Reizel kaya hindi na ako masyadong mahihirapan dito. Sana lang hindi na kami magpaulit ulit pa dahil nakakahiya naman diba.
Hindi ko alam ang kantang 'to pero sinabi na sa akin ang tono syempre ako rin ang kakanta. Siguro sinama na lang sa album niya 'to. Original ang kanta.
"Ethan! Pumasok ka na." Sabi nang director at tumango naman ako sa kanya at pumasok na rin naman sa loob.
Nakangiting sinalubong akao ni Reizel. Napahinga ako nang malalim. Ewan ko ba, kinakabahan ako pero nung gumawa naman kami ng project ay hindi ako masyadong kinabahan tulad nang ganito. Pati ata ang boses ko manginginig nito sa kaba.
"Kinakabahan ako." Sabi ko kay Reizel at humawak sa dibdib ko. Inhale, Exhale na naman ang ginawa ko.
"Kaya mo 'yan..." sabi ni Reizel. Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Naglagay na kami nang head phones nang lumingon ako kila Shini ay nandun na rin sina Rizza at Miss Tamara. Nginitian ko sila at ganun din naman ang binalik.
Ito na talaga 'to. Yung pangarap ko na makakapagrecord, as in totoo na 'to.
Nagsimula na rin naman ang intro nang kanta at dahil ako naman ang unang linya ay inayos ko na.
'Walk away if you want to
it's ok, if you need to'
Nang matapos ang lines ko ay tiningnan ko naman si Reizel at nakapikit pa ito habang siya ay kumakanta. She perfectly sings very well.
'There's a magic runnin' through your soul'
Salit salitan lang naman kami nang mga linya. Hinawakan ko ang mga kamay niya, alam na rin naman kasi nang iba sa studio dito na kami na ni Reizel.
'But you can't have it all'
Naabot namin ang chorus at mas minabuti ko pa ang pagkanta. Magaling kumanta ang kasama ko at damang dama niya syempre hindi naman ako papatalo at gagalingan ko rin hanggang nagsabay na kaming dalawa sa pag awit.
'(Whatever you do)
I'll be two steps behind you
(Wherever you go)
And I'll be there to remind you
That it only takes a minute of your precious time
To turn around, I'll be two steps behind'
Natapos namin ang kanta at nagtitigan pa kaming dalawa sabay pa nito ang pagyakap naming dalawa. "Bukas, pupunta na tayong Paris." Bulong sa akin ni Reizel.
"Oo, masosolo na kita." Bulong ko naman sa kanya.
Pinalabas na rin naman kaming dalawa nang studio at okay na naman daw at hindi na kailangan pang ulitin. Natuwa naman ako sa naging kalabasan nang kanta at ang ganda nga. Nagcompliment ang boses naming dalawa ni Reizel, katunayan na 'yun na bagay talaga kaming dalawa diba.
Bukas na rin pala kami aalis at pupuntang Paris. Handa na akong makasama si Reizel kahit iilang araw lang nang walang kahit na anong trabaho o nakapaligid sa aamin na kilala kami.
Nagbreak nang sandali at pinagpatuloy ang pagrerecord ni Reizel. 10 songs ang gagawin niya for this album, kaya may dalawa na at may walo pa. Kayang kaya na naman siguro ni Reizel 'yan. Magaling siya.
Pinapauwi na ako ni Reizel pero hindi ko pumayag kasi daw para makabawi ako nang tulog kapag aalis na kami bukas. Sabi ko naman ay pwedeng matulog sa eroplano. Mas mabuti na kasing bantayan mo 'yung taong mahal mo diba.
Mas masaya kung 'yung taong inaasam mo lang dati. Buong kamit mo nang nakuha. She's my star.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top