E P I L O G U E
E P I L O G U E
'I can't reach you before but now I'm taking your hand and holding it tight to say 'Your always a part of my life.'
"I'm ready, Bro!" Cezar said. Inaayos ko na lang naman ang neck tie ko at ang coat ko. Ewan ko pero sobrang nakakaexcited din ang mangyayari ngayon. Natatawa na lang din ako sa nangyari, I can't believe what they had to be.
"Easy, Bro! Relax!" Tapik ko sa kanya sa balikat. Hindi rin kasi mapakali si Cezar sa kung anong gagawin niya. Well, ang gwapo nga ng bestfriend kong 'to sa porma niya ngayo. Bagay na bagay sa magiging soon-to-be-wife niya.
Cezar's wedding is today. Biglaan din ang pag-imbita ni Cezar at Brena sa kasalang magaganap. Umuwi silang dalawa sa pilipinas para dito gawin ang wedding nila. Church wedding ang ganap nila, akalain mo 'yun sa tinagal ba naman ng panahon ikinasala pa ang dalawa.
Five years na ang nakalipas pero parang wala naman nagbago sakin. Ganun pa rin naman ako, walang pinagbago. Sa five years na nakalipas stay strong pa rin kami ni Reizel at siya rin ang kinuhang brides maid ni Brena at ako naman syempre ang best man ni Cezar. Syempre bestfriend niya ako, hindi pwedeng mawala ako dito.
Si Reizel Saavedra, isa paring sikat na mang-aawit sa bansa. Inibintahan na rin siya sa ibat ibang bansa upang mag-guest sa mga kilalang talk shows. Mas naging proud pa ako sa kanya si hindi siya mapagmataas, lumilingon sa pinanggalingan at down to earth na tao at higit sa lahat. Humble person na mas kinagusto ko sa kanya. Nagkaroon na din ng laman ang photo album na binili ko na halos mapupuno na rin namin ni Reizel, Mapupuno lang kaya kapag kami na ang kinisal. Sana kami na rin susunod ni Reizel ang sumunod sa yapak ng mga bestfriends ko.
"I'm happy for you, Cezar. Congrats!" Niyakap ko ito at tinapik tapik ang likod.
"Don't cry." Sarscatic indeed. Nang-asar pa, kahit kailan talaga hindi kumukupas si Cezar. Kasi kahit na hindi ko siya nakasama sa loob ng limang taon, hindi rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Syempre naging magkaklase kami at naging magbestfriend pa syempre, walang kalimutan 'yun.
"Prepare yourself too, Cezar." Ngisi ko sa kanya. Muli naman namin inayos ang mga damit namin at pinagso-suot na namin ang mga coat namin. Blue at pink ang motif na napili nila Cezar at Brena, bagay naman ang kulay kasi mukhang nagcocompliment naman.
Lumabas na rin naman kaming dalawa sa hotel na pinag-stayan namin ni Cezar. Pagkababa naman namin ay tumuloy na rin naman kami sa sasakyan namin at tumungon naman agad ito sa simbahan. Ramdam na ramdam ko ang kaba at excite ni Cezar, siguro kapag kaming dalawa ni Reizel ang kinasal mas kakabahan din siguro ako kasi sikat si Reizel. Maraming nag-eexpeect na mga tao na syempre engrande ang magiging kasal pero para sa akin. Mas maganda 'yun medyo simple lang, yung mala beach wedding ang dating. Ang astig lang n'un.
Madali naman kaming nakarating sa simbahan at sinalubong ng ibang inbidato sa kasal. Ang laki ng simbahan na pagdadaluhan ng kasal at mas astig daw kapag nasa reception na kasi nasa five star hotel daw 'yun gaganapin. Ang ibang imbitado ay galing pang mga taga Paris na pumunta lang dito para umattend sa kasal ng dalawa.
Iba naman kasi talag ang relasyon ng dalawa.
Nakita ko si Reizel at nilapitan ito. Nabihag na naman niya ang puso ko. Iba ang ganda nito, nakasuot siya ng blue dress kasi ito nga ang motif. Bagay naman sa kanya kasi maputi naman siya at bagay na bagay sa kanya. Niyakap ko ng mahigpit si Reizel ng magkalapit kaming dalawa.
"Soon-to-be na rin tayo, Reizel." Sabi ko sa kanya saka ako natawa.
"Bakit ka tumatawa diyan? Ayaw mo ba?" Umalis naman ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya sa mga mata nito.
"Hindi Reizel. Gustong gustong gusto ko, ano gusto mo sumabay na lang tayo sa kanila." Hihigitin ko na sana si Reizel pero matawa tawa itong pinigilan ako. Kahit makisabay na kami kilaa Brena at Cezar okay lang, atleast kasal na rin kaming dalawa.
"Baliw ka talaga," hagikgik ni Reizel. "We can still have our own happy ending, Ethan."
I smiled to her. I wish I could marry her today, I'm just so excited what it feels like. When Miss Reizel Saavedra just got married with Mr. Christan Wesley.
Ilang saglit ay nag-aligaga na rin ang mga bisita kasi parating na rin daw ang sasakyan ng bride. Pumasok na rin naman ang mga bisita sa loob ng simbahan at ako naman ay sumunod na lang kay Cezar, dahil best man naman ako. Si Reizel ay nagpawian dahil siya nga ang bridesmaid.
Nagkalembang na ang kampana na isa lang ang ibig sabihin at umpisa na ang kasal. Humarap naman kami sa pinto sa likuran namin at isa isa ng pumapasok ang mga flower girl hanggang kay Brena.
Malayo pa lang ay tanaw ko na si Brena, ang simple ng gown ni Brena pero ang ganda niya. Ano naman kayang ginawang gayuma ni Cezar dito kaya sa kasala humantong ang relasyon nila.
Nakarating naman si Brena at sinalubong ni Cezar. Nagpunta naman silang dalawa sa altar at nagsimula na ang sermon. Ilang saglit lang din ay nagshare of vows na sila then they kissed. Nagsigawan ang nagbunyi ang tao sa loob ng magkiss ang dalawa. Natuwa rin naman ako sa kanilang dalawa kasi sobrang saya ng pinagdaanan nilang dalawa, saksi ako sa lahat.
Simula ng unang pagkikita nila hangga't sa nanirahan sila sa Paris ay alam ko ang nangyari.
Masaya ako kasi nakuha na nila ang Happy Ending nila.
--STAR--
"Nasaan na kaya si Reizel?" I have something to surprise to her.
Nasa Boracay Beach Resort kami. Outing ng mga staffs and crew ni Reizel, isinama niya lang ako. Hindi ko nga lang alam kung nasaan siya ngayon. Ayokong maudlot ang surprise ko sa kanya.
At sana magustuhan niya ang ipapakita ko sa kanya.
Reizel's POV
Limang taon ang nakalipas pero ganun pa rin kami ni Ethan, mas lalong naging masaya at matatag ang aming relasyon. Between media's na laging inaalam ang mga personal na may kinalaman sa amin. Sinasabi naman namin ang totoo at hindi kami naglilihim, yun nga lang ay hindi madalas magpakita sa media si Ethan kasi ayaw niya daw na pagkaguluhan pa siya ng mga tao. Natatawa na lang ako sa tuwing irarason niya 'yun.
Ethan and I are so good. Walang nagbabalak na sumira ng relasyon namin kasi kung meron man, hindi naman kami mahuhulog. May word kami na kung sino at ano kami ngayon, walang iwanan. Naalala ko bigla si Nolan, I heard some news na tumira na daw ito sa new york. Wala na naman ako pakelam sa kanya, pagkatapos niya akong lokohin, hindi ko siya kayang patawarin pa. About her girl, Shorty. Nag-quit na daw 'yun biglang staff sa ibang kumpanya kasi buntis daw ito. Wala na akong balita after n'un.
Natawa na lang din ako. Na-invite din kasi ako sa kasal ng bestfriend ni Ethan, hindi rin malayo kaming dalawa ni Ethan.
"Ito," galak na sabi ko pagkakuha ng mga shells. Nasa tabing dagat ako ngayon at nangongolekta kumbaga. "Tama na ata ito."
Naglakad na rin naman ako pabalik sa suit na tinutuluyan namin. Natanaw ko pa lang, malayo pa lang ay may mga nagkukumpuluan na mga tao. Dahan dahan naman akong naglakad at bumilis kas nacurious ako kung ano bang meron 'dun. Ano nga ba?
Napahinto lang ako sa paglalakad nang biglang lahat sila ay nakatingin sa akin. Napalunok ako ng laway kasi hindi ganoon kaganda ang mga titig nila, maya maya lang ay tumakbo na sila palapit sa akin. Nabitawan ko ang basket na nilagyan ko ng mga shells ko kaya napatakbo na lang din ako.
"Reizel! Teka lang!" Sigaw ng isang lalaki na hindi ko naman alam ang pangalan. Bumibilis ang pagtakbo ko kasabay ng kabog ng dibdib ko. Ano ba mga binabalak ng mga 'yun.
"Ethan!" Sigaw ko sa pangalan ni Ethan.
May biglang humigit ng kamay ko palayo sa mga humahabol sa akin. Nagtago kami sa isang malaking bato na humaharang para hindi kami makita. Hinihingal ako at hindi mapakali.
"Will you marry me?" Rinig ko na sabi ni Ethan kaya napatingin ako sa kanya natawa tawa. Napakamot naman siya sa batok niya, maya maya lang ay may kinuha siyang maliit na bagay, at binuksan ito.
"Seryoso?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa ginawa niya o matatawa. Ang epic naman kasi ng pagpopropose niya sa akin. Niyakap ko na siya bigla at hindi ko na rin napigilan hindi maiyak. Ito 'yung pangarap namin ni Ethan. "Yes, Ethan!" Masigasig kong sabi.
Sinuot na rin ni Ethan, napatakip ako ng bibig ako kasi hindi ko na inaasahan na sa isang beach resort niya pa ako pinagproopsan. Natawa tawa si Ethan habang sinusuot ang singsing sa akin. "Bakit ka tumatawa?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Kasi tumakbo ka kanina, may surprise sana kasi ako sa'yo." Tumayo kaming dalawa ni Ethan.
"Ano naman 'yun?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Hayaan mo na 'yun, ang mahalaga. Engage na tayo." Ngisi ni Ethan, niyakap ko na rin siya. So yung mga tumakbo pala kanina is kasama sa surprise niya, sino ba naman kasi hindi tatakbo sa mga ganung reaksyon nila at titig sa akin.
Ang mahalaga, si Ethan at si Reizel. Kaming dalawa, ay engage na.
--STAR--
Ethan's POV
"You may now kiss your bride." The pastor said. I leaned forward to Reizel's face and kissed her lips. Finally, our dream come true.
Tumingin kami ng Reizel sa mga taong naimbita namin. Ang dami rin namin napadalo na sikat na mga artista, syempre hindi mawawala ang mga pami-pamilya naming dalawa. Umuwi ang magulang ni Reizel para masaksihan kaming dalawa, nalulungkot naman ako kasi wala akong magulang pero masaya pa rin ako kasi nandiyan si Ate Aidee na nakahanap na magiging katuwang niya sa pagpapalaki kay Sarena. Ganun din daw ang naging kwento ni Ate Rizza, isang director naman ang naging nobyo nito.
"Reizel, I'm happy." Tipid kong sabi. Hindi maalis sa labi ang mga ngiti ko.
"Ako rin, Ethan. Sa wakas, nakuha na natin ang gusto natin. We finally get what we want." She said. Tiningnan ko siya at muling muli ko siyang hinalikan gawa para. Maghiyawan na naman ang mga tao.
Ang sarap lang sa feeling na, pinangarap ko lang 'to. Hangga't sa nangyari na ang inaasahan ko, umabot sa punto na nagkagulo ang lahat pero nagawa naman na ayusin. Sa kabila ng lahat, magiging lyrics ng isang kanta ang buhay naamin.
Masaya kasi si Reizel ay isang Wesley na.
"Reizel, Kahit anong mangyari. You're my One Last Star." Then I kissed her again.
--THE END--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top