Prologue
Mahal kita. I love you. Saranghaeyo. Wo ai ni. Je t'aime. Te amo.
Anim na iba't ibang salita na iisa ang ibig sabihin. Iisa ang gustong iparating. Iisa ang gustong iparamdam. Anim na iba't ibang salita na gustong-gusto kong bigkasin sa kanya ngunit hindi ko alam kung paano. Siguro nga totoo ang sinasabi nila na 'torpe' ako.
Sino ba naman kasi ang hindi mato-torpe sa isang katulad niya? Maganda, matalino, masiyahin, mabait, at mapagmahal pa. Nasa kanya na ang katangian ng babaeng handa kong mahalin.
"Arvin, sinong gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Ikaw," wala sa wisyo kong sagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top