Chapter 99

We didn't expect na may pila kaming madadatnan. Akala pa naman namin makakasakay na kami agad. Kaya hetong nasa tabi ko, kanina pa badtrip. Nasira raw kasi ang plano niya.

Nagtaka naman ako kung anong plano ang sinasabi niya pero hindi ko na inusisa pa. Bigla kasi akong nag-crave sa Zagu na nadaanan namin. Kaya nagpabili ako sa kanya para naman may iniinom ako habang naghihintay.

"Wag na lang kaya tayong sumakay?" suhestiyon ko dahil iba na talaga ang pagkakunot ng noo niya.

"No! We've been waited for hours, ngayon pa ba tayo aalis?" mabilis na sagot niya.

"Okay, okay. Nagsa-suggest lang naman ako. Kalma ka lang." natatawa kong sabi.

At eksaktong pag-ubos ko ng Zagu saka dumating na ang turn namin para sumakay.

Narinig ko pa ang mahinang pag-"yes" ni Arvin. Ano kayang problema ng lalaking 'to?

Pagsakay namin, agad akong napahawak sa mga railings dahil sa pagkabigla ng bigla itong umandar. Ang tagal na rin kasi no'ng huli akong nakasakay sa gan'to.

Pero ang mas lalo kong kinabigla ay ang pagluhod ni Arvin sa harap ko.

Shit! Anong nangyayari? Ito ba yung sinasabi niyang surprise?! OMG!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top