Chapter 98

The dinner went well. Buong gabing nakangiti ako. Hindi ko kasi na-imagine na aabot kami ni Arvin sa gan'to. 'Yong mapapagsama namin ang mga pamilya namin sa iisang lamesa.

Pasado alas-otso y media nang magyaya ang mga pamilya namin na umuwi na. Syempre, nagpaiwan kami ni Arvin . . . at pinayagan naman kami.

Hello! Last day na kaya namin 'to. Kaya dapat lang na payagan nila kami, 'no.

Papunta kami ngayon sa ferris wheel sa may seaside. Nagkataon kasi na pareho namin gustong subukang sumakay doon.

"I love you," pagsasalita na naman ni Arvin out of nowhere.

Nahahalata ko nga na kanina pa siya sabi nang sabi ng I love you sa akin eh. Hindi naman sa nagrereklamo at ayaw ko ah. Pero kasi binibigla niya talaga ako. Hindi ako handa.

"Alam ko," sagot ko na lang.

"Wala bang I love you too diyan?" nakanguso niyang sabi.

At imbes na sabihin ang gusto niyang marinig, nilapat ko na lang ang mga labi ko sa labi niya.

"Pwedeng isa pa?" pagpapa-cute na sabi niya.

"Arvin Bartolome!" suway ko sa kanya nang hatakin niya ko papalapit sa kanya.

Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao sa paligid.

"Huwag ka ngang PDA at sumakay na tayo ng ferris wheel." muli kong sabi bago naunang maglakad.

Sumunod naman agad siya at hindi ko inaasahan ang binulong niya sa tainga ko na siyang nagpamula sa buong katawa ko.

"So, sa ferris wheel na lang natin itutuloy?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top