Chapter 97
"OMG! Finally, graduate na tayo!" lalong lumawak ang ngiti ko sa pagsigaw na 'yon ng president ng section namin.
Katatapos lang kasi ng ceremony at picture taking na. Lahat ng tao rito sa SMX Convention Center ay malalapad ang mga ngiti. Kaya naman nakakahawa.
"Randell, 'nak! Congratulations!" napatingin ako sa likuran nang marinig ko ang boses ni mama. Kaya agad ko siyang yinakap.
"Congrats, 'nak." si papa naman sabay yakap din sa akin.
"Congrats, bunso." ani ate na busy sa pagkuha ng litrato namin habang nagyayakapan.
"Congrats, Randell." si kuya naman na malapad din ang ngiti sa akin.
"Ate, congrats! Sa wakas, graduate ka na rin." masayang sabi naman ni Luisa na nagtatalon-talon pa.
"Salamat sa inyong lahat." mangiyak-ngiyak kong sabi.
Saktong dumaan sa harap namin ang official photographer ng school kaya nagpakuha muna kami ng litrato.
"Oh sige na, mauna na kami. Hintayin na lang namin kayo sa sasakyan." biglang sabi ni mama.
"P-Po?" naguguluhan kong tanong at nang ngumuso siya sa likuran ko. Doon ko lang nakuha ang gusto niyang sabihin. "Sige po, susunod na po kami agad."
"Congrats, babe." salubong sa akin ni Arvin sabay halik sa labi ko.
"Congrats din. Suma cum laude, naks." nakangiti kong sabi nang putulin ko ang halik.
"I love you, Randell."
"I love you too, Arvin."
Pagkatapos muling naglapat ang mga labi namin. And I must say that this is the most romantic kiss we've ever done.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top