Chapter 96

Wala na kaming sinayang pa na oras. Pagkatapos ng pag-uusap namin ng araw na 'yon, napagdesisyunan namin na sulitin na ang mga natitirang araw bago ang pag-alis niya.

For the past four days, ang dami naming ginawa. Nandiyan yung, finally, he formally introduced me in his family. At nakakatuwa na tanggap nila ako. Nakapag-dinner na rin kami kasama ang buong pamilya ko.

Right after practice, dumidiretso agad kami sa bahay para mag-movie marathon sa Netflix. Minsan, kung saan-saang food truck din kami pumupunta para tumikim ng iba't ibang klase ng pagkain. Tapos nagpunta rin kami sa KTV bar. Hindi nga ko makapaniwala na sa loob ng apat na araw, ang dami na naming nabuong memories.

Nakakatuwa pero at the same time . . . nakakalungkot din. Kasi hindi ko maiwasang isipin na matagal-tagal pa bago namin magawa ulit ang mga ginawa namin in the past days.

Today is the last day of our graduation practice. At bukas, makukuha ko na ang diploma ko. Bukas na rin pala ang huling araw na magkakasama kami ni Arvin.

At ngayon pa lang, nami-miss ko na siya.

"Nakausap mo na ba sila tita?" pagtatanong sa akin ni Arvin.

"Oo naman. Excited na nga sila eh." nakangiti kong sabi.

Nag-plano kasi kami ng isang espesyal na dinner bukas after graduation. Kasama ang mga pamilya namin. Padespidida na rin para kay Arvin.

Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong maramdaman para bukas. Pero kaba talaga ang nangingibabaw sa lahat. Siguro dahil sa excitement . . . at pangamba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top