Chapter 93

Halos tumagal ng dalawang oras ang practice. Sabi nung nagga-guide sa amin, sa mga susunod na araw pa raw ang pangmatindihang practice. Ipinakita lang sa amin ang magiging takbo ng program.

"Ano, sabay na tayo kumain?" tanong ni Kenneth nang makalabas na kami sa gymnasium.

Sasagot na sana ako nang may marinig akong pamilyar na boses sa likuran. Hindi na ko nag-abala pang lingunin ito at tumingin na lang ako kay Kenneth. "May kasabay na ko eh. Next time na lang."

"Ay oo nga pala, may pag-uusapan pala kayo. Sige, see you tomorrow!"

"Sige . . ."

"Randell, saan tayo kakain?" bungad na tanong ni Arvin nang malapitan niya ko.

"Hindi ako nagugutom. Saka gusto ko ng makapag-usap agad tayo."

"Hindi ba pwedeng kumain na muna tayo?"

"Fine. Kung nagugutom ka, kumain ka muna. Hihintayin na lang kita kung saan tayo mag-uusap."

"Randell naman . . ."

"Do you want to solve our problem or not?' Nang hindi siya sumagot, muli akong nagsalita. "And silence means?"

Imbes na sagutin ang tanong ko, binigyan niya lang ako ng isang mahigpit na yakap.

Gosh! I miss his hugs.

Ilang segundo na ang lumipas at pilit na kong kumakawala. Pinagtitinginan na kasi kami ng ibang estudyante. Pati na ang mga professors na nadaan.

"Tara na, marami pa tayong pag-uusapan. We have a lot of talk to do para maayos natin 'to." nakangiti kong sabi sabay higit ng kanang kamay niya.

Pinag-intertwine ko ang mga kamay namin na siyang ikinangiti na niya.

Dapat maayos talaga namin 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top