Chapter 90
"Randell, hanggang kailan mo ba balak magkulong diyan sa kwarto mo? Dalawang araw ka na diyan. Hindi ka na rin kumakain sa tamang oras. Ano bang balak mong gawin sa buhay?" pagsasalita ni mama habang kinakatok ang pinto ng kwarto ko.
Saka ko lang na-realize na it's been two days already since I decided to locked my self here in my room. Wala na kasi akong ibang maisip kundi ang magkulong. Gusto kong mapag-isa.
Dalawang araw na rin akong pinipilit kausapin ni Arvin. I deactivated all my SNS accounts. I even turned-off my phone. Pero nakalimutan kong makulit pala siya kaya pati rito sa bahay ay sinubukan niya kong kausapin. But I refused to see him. Ayoko siyang makita . . . sa ngayon.
"Halos isang linggo na lang at ga-graduate ka na tapos ngayon ka pa magkakaganyan. Randell, wag mo namang sirain ang kinabukasan mo."
Don't worry, 'ma. Sigurado naman akong ga-graduate na. Saka hello, hindi naman ako makakapayag na hindi maka-graduate, 'no.
"Randell, 'nak—"
Hindi ko na pinatapos na magsalita si mama at binuksan ko na ang pinto. Pagkakita ko sa kanya, bigla niya kong yinakap.
"'Ma . . ."
"Don't worry, 'nak. Magiging okay din ang lahat. Magpakatatag ka lang."
And by that, hindi ko na napigilang hindi mapaiyak. Sa loob ng dalawang araw, pinilit kong wag umiyak. Pero ngayong kayakap ko si mama . . . hindi ko na mapigilan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top