Chapter 88
Breathe in. Breathe out.
Kanina ko pa pina-practice ang breathing exercise na tinuro sa akin ni Irish noon habang hinihintay si Arvin. Pinipilit kong ikalma ang sarili dahil dapat ko munang marinig ang explanation niya bago mag-react.
Nang makita ko siyang nakangiting papalapit sa gawi ko, bigla akong nablangko. Yung hinanda kong sasabihin sa kanya biglang nabura sa isipan ko. Nawala at naglaho na lang na parang bula.
"Kanina ka pa naghihintay, babe?" tanong niya nang makalapit siya. Hindi ako kumibo. Seryoso ko lang siyang tinitigan. "Babe . . . why are you looking at me like that? May problema ba? May nagawa ba kong mali?"
Really, Arvin? Parang wala ka talagang balak sabihin sa akin kung anong nangyayari.
"Wala ka bang sasabihin sa akin?" seryoso kong tanong.
"Babe, what are you talking abo—"
"When is your flight going to London?"
"B-Babe . . ."
"So, wala ka talagang balak sabihin sa akin? Talaga ba Arvin? Ano, iiwan mo na lang akong bigla?"
"Hindi naman sa gano'n . . ."
"Eh ano?!" Hindi ko na napigilan ang sarili at napasigaw na ko. Hindi ko na kasi kaya pang kontrolin ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Kailangan ko ng sumabog.
"Randell, listen—"
"Do you really love me, Arvin?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top