Chapter 87

Dahil wala si Irish, wala tuloy akong kasama na tumambay dito sa field. May mga kaibigan naman ako tapos medyo close ko rin naman yung mga kaklase ko. Pero iba pa rin kasi kapag si Irish ang kasama ko. Nasasabihan ko pa ng kung anu-ano.

Si Arvin din naman kasi eh. Ilang araw ng busy kaya hindi ko rin makulit. Ewan ko ba ro'n. Running for cum laude siguro at busy-busyhan.

"Uy, hi Randell!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Jerome lang pala.

"Oh, parang ang tagal nating di nagkita ah." komento ko.

"Makatagal ka naman. Parang hindi tayo magka-department." natatawa niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako pero bigla naman niya kong inunahan. "Ay, muntikan ko ng makalimutan. Congrats nga pala ah."

Pati ba naman siya?! What's wrong with them ba?

"Jerome, pati ba naman ikaw?" seryoso kong sabi. "Bakit niyo ba ko kino-congrats? For what? Pwede pang pa-explain para naman aware ako?"

"Hindi mo pa alam?" nagtataka naman niyang tanong. Umiling ako bilang tugon. "Isa kasi si Arvin sa napili for scholarship sa London. Para mag-aral ng Law. Ang swerte nga, eh. Kaya congrats sa boyfriend mo."

Oh . . . so, that's the reason why they congratulate me? Not me literally . . . but my boyfriend's?

At ano raw? Scholarship? London? Law? What's happening exactly?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top