Chapter 84


"I had fun. Nag-enjoy ako, salamat." nakangiti kong sabi nang makarating na kami sa tapat ng gate ng bahay.

"Mabuti naman. So . . . good night na."

"Mag-ingat ka, ah. Text me kapag nakauwi ka na."

"Sige, bye. See you tomorrow."

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Kaya lang hindi ako tinigilan ng inner self ko. Kanina ko pa kasi naiisip gawin ang bagay na 'to pero hindi ko alam kung paano. Ay, bahala na nga!

"Arvin!" buong lakas na sigaw ko. Mabuti at wala ng masyadong tao sa paligid. Perfect timing para gawin ang naiisip ko.

Patakbo akong lumapit sa kanya. "May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Wala naman. May nakalimutan lang akong ibigay sayo."

"Ibigay sa akin? Ano 'yon—"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at inilapat ko na ang mga labi ko sa kanya. I slowly kiss him. At nang maramdaman ko na ang dila niya sa labi ko, agad na kong bumitaw. "Thank you ulit. See you tomorrow and good night!" mabilis kong sabi sabay karipas ng takbo.

Pagpasok ko sa gate, hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko!

OMG! I was the one who initiate our first kiss . . .

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang mapansin kong may aninong nakatayo sa di kalayuan. At nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ko si ate Maine na mukhang nasaksihan ang ginawa kong paghalik kay Arvin kanina.

Okay, I think . . . I'm dead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top