Chapter 82

"Ilang araw mo 'tong pinaghandaan?" tanong ko matapos niyang lagyan ng alak ang wine glass na nasa harapan ko.

"Dalawa," casual na sagot niya.

"Dalawa? For real? Paano? Busy tayo sa finals, diba?"

"Dalawang buwan ah, hindi dalawang—"

"Two months?!"

Mukhang hindi naman siya nagulat sa ginawa kong pagsigaw dahil tinawanan niya pa ko.

"Alam mo bang ang hirap makahanap ng hotel? Tapos nakailang resched pa ko dahil hindi maganda ang panah—"

"Magkano nagastos mo?" I cut him off. Kanina ko pa gustong itanong ang bagay na 'yon.

"You don't need to know, Randell."

"Don't worry, I'm just asking out of curiosity."

"Siguro katumbas din ng tatlong buwang allowance ko."

"That much?! Baka naman pagalitan ako ng mama—"

"Randell, sabing 'wag mo ng intindihin 'yon. Money is not an issue here. Seeing you smile, makes everything worth the risk. Isa pa, I want our first date to be memorable."

"Pinapaiyak mo na naman ako eh . . ."

"Wag ka mag-alala dahil sa next date natin, sa Luneta Park na lang tayo." anya sabay hagalpak ng tawa. "Joke lang—"

"I don't need fancy dates, Arvin. Basta kasama kita, kahit saan . . . okay sa akin."

"Shit naman, Randell! Pinapakilig mo ko eh."

Sabay na kaming natawa sa sinambit niya. Baliw talaga. Pero naisip ko na tama yung sinabi niya kanina. This is the most memorable date ever! I won't forget this night.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top