Chapter 80

"Saan ba tayo magde-date?" inis na tanong ko.

Paano, pagbaba namin ng bus, wala na kaming ibang ginawa kundi ang maglakad nang maglakad.

Isa pa naman ang paglalakad sa mga hindi ko sa buhay!

"Kalma ka lang, babe. Malapit na tayo."

"For the nth time, Arvin. Kanina mo pa 'yan sinasabi! Alam mo bang—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla siyang huminto sa paglalakad. "Oh, nandito na tayo."

"Okay . . . now I'm really confused. Anong gagawin natin dito sa hotel? May unit ka ba dito or what?!"

"Babe, calm down. Malalaman mo rin. Tara na at malapit na ring mag-5 PM."

"Alam mo, Arvin, kung hindi lang talaga ito ang first date natin, kanina pa kita iniwan."

"Grabe ka naman sa akin. Akala ko ba mahal mo ko?"

Awtomatikong nawala ang inis ko nang bigla siyang mag-pout sa harapan ko. Okay, hindi 'yon nakakakilig. Nakakairita ang ginawa niyang 'yon! Swear!

"Don't do that again, Arvin. Baka hindi na ko makatiis at masipa na talaga kita." sabi ko at nauna nang maglakad sa kanya.

"Grabe ka talaga, babe. Ang sadista mo."

Pagkasabi niya non, agad naman akong napangiti. Ngayon lang kasi nag-sink in ang pagtawag niya sa akin ng babe. Okay, I admit na medyo nakakakilig 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top