Chapter 78

Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o mainis. Sa ilang gabi kong pag-iisip kung ano ba talaga ang label namin, sa simpleng pagtanong niya lang pala ng: "so girlfriend na kita?" masasagot ang lahat.

I was caught off guard! Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. Kaya napa-oo na lang ako nang wala sa oras.

Paulit-ulit tuloy na nage-echo sa utak ko yung huli niyang sinabi bago niya ko iwan.

"Yes, at last, official na rin tayo! Girlfriend na kita."

"Shit, Irish." mahinang bulong ko sa katabi.

"Uy, anong nangyari sayo?" nag-aalala namang tanong niya sa akin.

"Kami na," wala sa wisyo kong sambit. "Kami na ni Arvin, Irish. He's my boyfriend na. Shit."

"Ang OA mo, Randell. Eh expected naman na yon. Dapat magulat ka kung hindi naging kayo ang end game."

Mabuti na lang at masaya ako ngayon kaya hindi ako nabadtrip sa sinabi niya. Well, hindi lang kasi talaga ako makapaniwal. Irish was right, expected naman talaga na magiging kami. Pero medyo unbelievable pa rin sa parte ko, 'no.

Mas lalo tuloy akong ginanahan mag-review para sa huling exam na ite-take namin bukas. Bukod kasi sa makakahinga na kami ng maluwag after that, mangyayari na rin ang first date namin as a couple.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top