Chapter 77
"May nasagot ka sa Phil. Civil Service System?" bungad na tanong sa akin ni Irish.
Isang subject na lang ang poproblemahin namin at pwede na kaming makahinga ng maluwag.
"Meron naman kasi na-review ko halos lahat ng tanong do'n eh."
"Mabuti ka pa. Halos kalahati rin ang hindi ko nasagot eh. Kainis."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sa cafeteria namin balak pumunta dahil literal na ginutom kami ng two-hour examination kanina.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Irish habang naglalakad nang may tumawag sa pangalan ko.
"Tapos na exam niyo?" ngiti na tanong ni Arvin.
"Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung saan mo hinuhugot ang kakulitan mo." Naiinis na sambit ni Irish na siyang tinawanan lang ni Arvin.
"Ikaw naman laging badtrip. Ang grumpy ko lagi eh."
"Kung hindi ka lang talaga mahalaga rito kay Randell, noon pa kita sinaktan." Ako naman ang natawa sa pahayag na 'yon ni Irish. "Sige na, Randell, mauna na ko. At baka kung ano pa ang magawa ko sa boyfriend mo."
Pinanlakihan ko siya ng mata matapos niyang i-emphasize yung salitang 'boyfriend'. Baliw talaga.
Nagpatuloy na lang kami ni Arvin sa paglalakad. Pero agad din akong napahinto sa tanong niya.
"So girlfriend na kita?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top