Chapter 74

"Ano 'yon, Randell?" tanong ni Arvin.

Nandito kami ngayon malapit sa gymnasium, naglalakad-lakad, dahil sapilitan kaming pinagtulakan ni Irish na pati sila Jerome at Kobe nakisali na rin.

Hindi ako makabuo ng matinong sentence kahit sa isip ko. Saka biglaan naman kasi 'to, hindi ako prepared.

Alangan namang basta-basta ko na lang sabihin na, "ano ba tayo? O may tayo ba? Tayo na ba, as in yung tayo?"

Edi nagmukha naman akong ewan non. Saka, hello, ako kaya yung babae sa amin. Ang inappropriate naman ata kung ako magi-initiate ng usapan tungkol do'n, diba? O ako lang nag-iisip ng gano'n?

Pero kasi . . . dapat siya na magbigay linaw ng lahat. Tama si Irish. After all the things we did together, dapat talagang may label na ang kung anumang meron kami.

"Randell? Natulala ka na ata."

"A-Ah, may iniisip lang kasi ako."

"So, ano nga 'yong gusto mong sabihin?"

"Wala naman 'yon. T-Tungkol lang sana sa—"

Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil sa biglaang pagsulpot ni Rachelle out of nowhere.

At saan naman galing ang babaeng 'to? So, ano? May bago na naman siyang title? Hindi na linta gano'n? Kabute na?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top