Chapter 73

"Hindi pa kayo?!" buong lakas na sigaw ni Irish.

Nakatambay kami ngayon dito sa field dahil katatapos lang ng midterms exam namin.

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko na namalayan na malapit ng mag-finals tapos sembreak, second sem at graduation na. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaunting kembot na lang ga-graduate na ko. Parang kailan lang kasi.

"'Wag ka ngang maingay diyan," suway ko sa kanya nang mapansing pinagtinginan kami ng ibang tao sa field.

"Nakakagulat ka kasi," komento niya. "Hindi pa kayo tapos may halikan na at palitan ng I love you."

Natahimik ako. Bigla akong na-mental block.

"Bakit mali ba yung ginagawa namin?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi naman sa gano'n, Randell. Ang akin lang, mas maganda kasing may label na kayo habang ginagawa niyo ang mga bagay na 'yon. Ikaw rin, baka masaktan ka sa pinaggagawa mo."

"Hindi ko kasi alam kung paano."

"Huh? Anong hindi mo alam?"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na kami na. I mean, kailangan bang ako mag-initiate?"

Hindi ko alam kung nakailang rolled eyes na si Irish mula nang mag-usap kami.

"Simple lang 'yan."

"May plano ka?"

"Oo."

"Ano?"

"Ito . . ." anya at nagulat na lang ako nang tawagin niya si Arvin na tahimik na naglalakad kasama sila Jerome at Kobe. "May sasabihin daw si Randell sayo."

Bwisit ka, Irish. Bwisit ka.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top