Chapter 72

"Aray!" malakas na reklamo ko matapos niyang pitikin ang noo ko. "Ba't ka namimitik?!"

"Ikaw kasi eh . . . sinabing wag kang mag-pout diyan."

Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon na ang atensyon sa pinapanood naming movie. Magi-isang oras na rin kaming nandito sa bahay nila dahil maaga kaming d-in-ismissed.

"Um . . . Randell?"

"Hmm?"

"Mahal kita."

Ayan na naman siya . . . puso, kalma.

Pagtingin ko sa gawi niya, seryoso siyang nakatingin sa akin. "Siyamnapu pa."

Pagkatapos niyang sambitin 'yon, ibinalik niya ang attention sa TV. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil bigla ko na lang inilapat ang labi ko sa pisngi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top