Chapter 69

"S-Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo? Ipapakilala mo na ko sa mga magulang mo? Akala ko ba—"

"Kumalma ka nga, okay? Saka wag ka nga diyan, sila mama ang may gusto 'no!"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya. Lunch break na kasi namin kaya magkasama kami ngayon dito sa Chowking. Ang dami kasing tao sa cafeteria.

"Ah . . . so ayaw mo?"

"Hindi. Pero kasi . . ."

"Pero ano?"

"Kinakabahan ako."

"Ako rin naman. Lalo na't dating sundalo pa yung papa mo? Mamaya bigla na lang akong barilin non kasi ayaw niya ko para sayo."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ang OA mo! Saka hindi gano'n si papa, 'no. Mabait kaya 'yon. Mas kabahan ka kay mama dahil paniguradong gigisahin ka non."

"Wow, Randell. Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. Na-appreciate ko."

"Walang anuman."

Muli akong napabuntonghininga. Hindi naman kasi alam ni Arvin na mas kinakabahan ako sa kanya. Parang biglang ayaw ko na tuloy sumapit ang Linggo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top