Chapter 66

Buong gabi akong hindi pinatahimik ni Arvin. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang paraan ng pagsabi niya sa akin ng mga salitang 'mahal kita'.

Nakakatunaw ng puso.

Nakakatuwa.

Nakakakilig.

Dahil din do'n, hindi na ko nakasabay kila mama sa hapunan. Kaya naman ngayong alas-dose na ng madaling araw nagwawala ang dragon sa tiyan ko. Bigla kasi akong nagutom.

Pagbaba ko, si mama na busy sa paglalaro ng COC at ang pinsan kong si Luisa na busy sa tablet niya ang naabutan ko sa sala.

Sa sobrang pagkaabala nila, hindi ata nila napansin na bumaba ako at dumiretso sa kusina. Pagkatapos kong magsandok ng makakain, bumalik ako sa sala.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang magsalita si mama. "Oh anak, kailan mo ipapakilala yung Arvin sa amin?" tanong niya na siyang ikinagulat ko.

Teka . . . paano niya nalaman ang tungkol kay Arvin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top