Chapter 65

"See you tomorrow, Arvin." sabi ko nang marating na namin ang kanto papunta sa bahay namin. Maglalakad na sana ako palayo nang bigla niya naman akong hinila.

"Mahal kita, Randell." Bigla niyang bulong sa akin. Napatulala lang ako sa gulat.

Bakit ba ang hilig mangbigla ng lalaking 'to?! Hindi ako handa, eh. Pati puso ko, hindi handa.

"Mahal kita," pag-uulit niya.

"Arvin, tama na. Narinig ko na. Mahal din kita." tuloy-tuloy kong sabi. Hindi naman ito ang unang beses na sinabihan niya ko ng gano'n pero iba pa rin ang epekto sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa hiya o sa kilig kaya nag-iinit ngayon ang magkabilang pisngi ko na paniguradong pulang-pula na sa mga oras na 'to.

"Ninety-seven," natatawa niyang sabi.

"Ano?" kunot-noo kong tanong.

"Wala, una na ko. Bye, Randell. See you tomorrow."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top