Chapter 63
"Na-miss ko 'to," bigla niyang sabi habang naglalakad-lakad kami sa parke malapit sa school.
"Ang alin? Itong maglakad-lakad? Itong magkasama tayo? O itong pagho-holding hands natin?"
"Lahat." Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon.
Natigil ako sa paglalakad dahil bigla siyang huminto. "Bakit, may problema ba?"
"Randell, mangako ka sa akin na kahit anong mangyari hindi ka bibitaw ah?"
Napakunot ako ng noo sa tono ng pananalita niya.
"Nangangako ako, Arvin. Hindi na ko bibitaw tulad noon. Kakapit na ko. Mas lalo pa kong kakapit."
Pagkatapos kong sabihin 'yon walang anu-anong hinalikan niya ko sa noo. Napangiti naman ako pero muntikan ko na siyang mabatukan. Paano, halos napatingin ang lahat ng tao na nandito rin sa parke sa amin. Baliw talaga.
"Gusto mo cotton candy? Tara, bili tayo." Huli niyang sabi sabay hila sa akin papalapit do'n sa nagtitinda ng cotton candy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top