Chapter 62

Hindi natuloy ang meeting namin dahil pinatawag yung president namin. Kaya wala tuloy kaming ginagawa ngayon, hindi rin kasi pumasok yung prof namin sa last subject.

"Hulaan mo kung sino 'to?" napahawak ako sa kamay nung nagtakip ng mga mata ko. Palihim pa kong napangiti nang marinig ko ang boses niya.

"Yung nanloko sa akin?" mapang-asar kong tanong. Kaya naman agad niyang niluwagan ang pagkakatakip sa mga mata ko.

"Grabe ka naman sa akin," reklamo niya.

"Joke lang," natatawa kong sabi. "Ano pa lang ginagawa mo rito? Wala rin kayong klase?"

"Wala. Kaya sumama ka na lang sa akin ngayon."

"Saan naman?"

"Date."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top