Chapter 59

"So bati na tayo?" tanong niya nang ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Hindi pa," mabilis kong tugon na siyang ikinagulat niya. "Bakit akala mo ba gano'n lang kadali ang lahat—"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil dali-dali niya kong kinulong sa mga bisig niya. Isa ito sa mga sobra kong na-miss.

"Salamat," bulong niya sa tainga ko habang mahigpit niya pa rin akong yakap-yakap. "Salamat dahil bibigyan mo ko ng pangalawang pagkakataon para mapatunayan ang pagmamahal ko sayo. Salamat, Randell."

Hindi ko na napigilan at tumugon na rin ako sa yakap niya.

"Just don't . . . don't break my heart again. Please . . ." mahinang bulong ko rin.

"I won't. I promise that," anya. "Ipinapangako ko rin na ipapakita at ipaparamdam kong worth it ang second chance na ibinigay mo sa akin."

Kumawala na ko sa mga bisig niya. "Siguraduhin mo lang, ah." natatawang sambit ko.

"Oo naman. Kahit araw-araw pa kitang sabihan ng 'mahal kita' gagawin ko."

"Ayan ka na naman . . ."

"Mahal kita, Randell."

"Arvin—"

"Una pa lang 'yan. May siyamnapu't siyam pang natitira. Kaya wag ka munang kiligin, okay?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top