Chapter 58
"Um . . ." kanina ko pa pilit na kinukumbinsi ang sarili na magsalita pero biglang walang gustong lumabas na salita sa bibig ko.
"Alam mo, Randell, hindi mo naman kailangan kabahan—"
"At sinong may sabing kinakabahan ako?"
"Ay, hindi ba?"
"Hindi!"
"Oh edi hindi. Chill lang."
Dead air. Tanging buntonghininga ang naririnig ko sa mga oras na 'to. Muli akong pumikit para kumuha ng lakas ng loob.
"Randell—"
"Arvin—"
Napahinto ako nang sabay kaming magsalita. "Pwede bang ako muna magsasalita? Shut up ka lang pwede?" naiinis na sabi ko.
Hindi ko alam pero mas nainis pa ko nang mapansing pinipigilan niya ang pagngiti.
"I miss you . . ." mahina kong bulong.
"Anong sabi mo?" nakangiti na niyang tanong.
"Don't me, Arvin. I'm sure na narinig mo 'yon. At hinding-hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko. Bahala ka diyan."
"Hindi ko talaga narinig kaya nga pinapaulit ko eh. Sige na, Randell. Ano nga ulit yung sinabi mo?"
"Blah blah blah, wala akong naririnig . . ."
"Randell . . ."
Muli akong nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga nang marinig ko ang malungkot niyang tinig.
"Sabi ko miss kita, ano ba!"
"I miss you too, Randell. Sobra. Sagad hanggang buto."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top