Chapter 55
"Grabe rin kung makatitig sayo si Arvin, ah. Parang gusto ka ng tunawin," natatawang sambit ni Irish sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin kahit na kating-kati na kong tignan si Arvin. Nandito kami ngayon sa waiting shed ng CAS Building, hinihintay yung iba naming kagrupo para sa theater play na kailangan naming pag-usapan.
"Wala ka pa rin bang balak pansinin 'yon? Sobrang torture naman ang ginagawa mo sa kanya."
No'ng isang linggo ko pa pinag-iisipan ang bagay na 'yon. Ang ibigay na kay Arvin ang second chance na hinihingi niya. Kaya lang . . . natatakot pa rin ako. Hanggang ngayon.
"Ikaw din, maunahan ka pa niyan ni Rachelle." nang banggitin niya ang pangalang 'yon, napatingin na ko sa gawi nila.
Hobby ba talaga ng babaeng 'to ang lumingkis kay Arvin? Nakakaasar na ah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top