Chapter 50

"Arvin, hayaan mo muna siyang makapag-isip-isip." pagsasalita ni Jerome sa tabi ko.

Isang buwan na ang nakakalipas pero wala pa ring progreso. Gano'n pa rin. Hindi niya ko kinakausap. Kapag magtatama ang mga mata namin, agad siyang iiwas.

Ang sakit. Parang paulit-ulit na binabasag ang puso ko sa tuwing gagawin niya 'yon sa akin. Na sa tuwing susubukan ko siyang kausapin, ipaparamdam niya talaga na hindi siya interesado at walang pakialam.

B-in-locked na rin niya ko sa lahat ng SNS niya. Tanging cellphone number na lang niya ang hawak ko na pwedeng maging tulay para makausap ko siya.

Pero natatakot ako na baka pati ro'n ay i-block niya ko.

"Randell, hanggang kailan mo pa ba gagawin sa akin 'to?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top