Chapter 49
Sabi nila, nasa huli raw ang pagsisisi. Noon, hindi ako naniniwala (siguro dahil hindi ko pa nararanasan). Pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, paulit-ulit kong minura ang sarili. Dahil sa katangahan. Sa kapabayaan. Sa kagaguhan.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mahuli ako ni Randell na kasama si Faye. Yung araw na nangsinungaling ako sa kanya.
"Randell, hindi mo pa rin ba ko kakausapin?" pagmamaka-awa kong tanong. "Hindi mo man lang ba papakinggan yung paliwanag ko?"
"Randell . . . please . . ."
Wala siyang kibo. Tinotoo niya nga siguro yung sinabi niya no'ng nakaraan sa akin na magpapanggap na lang siya na hindi niya ko nakilala. Na hindi siya nagkagusto sa gagong katulad ko.
"Mahal kita, Randell. Sana kahit 'yon man lang paniwalaan mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top