Chapter 48
"Arvin, nasaan ka?"
Medyo kumalma na sa pag-iyak si Faye at kasalukuyan na siyang nakatungo.
"O-Oh, Randell . . . napatawag ka?" kinakabahan kong tanong.
"Arvin, nasaan ka?" pag-uulit niya.
Napatingin ako kay Faye na mukhang nakatulog na. "N-Nasa . . . bahay. Bakit?" pagsisinungaling ko.
Panigurado kasing iba na naman ang iisipin niya kapag nalaman niyang magkasama kami ni Faye sa gan'tong oras. Ayoko nang mag-alala pa siya.
Ilang segundong katahimikan. Akala ko binabaan na niya ako. "Randell, nandiyan ka pa ba?"
"Hindi mo naman ako in-inform na lumipat na kayo ng bahay."
"H-Huh?"
"Saka kailan pa nakatira 'yang si Faye sa bahay niyo?"
"Randell—"
"Arvin, ayoko sa lahat ng sinungaling. Yung niloloko ako. Pinagmukha na kong tanga ni Patrick, pati ba naman ikaw?!"
Hindi na ko nakasagot dahil naputol na ang linya sa kabila. At halos manigas ako sa kinauupuan ko nang may pamilyar akong mukhang naaninag sa di kalayuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top