Chapter 45
"Bakit tayo nandito?" nagtataka kong tanong nang pinahinto niya ang taxi sa isang bar.
"Gusto ko lang makalimot."
"Pero—"
"Hindi naman kita pipiliting uminom, Arvin. Gusto ko lang na may kasama ako at makakausap."
Bakit ako?
"Wag kang masyadong magpapakalasing ah."
"Wow . . . concerned?"
"Faye . . ."
"Joke lang, ito naman."
Pagpasok namin, napatakip agad ako ng ilong at napapikit. Sinalubong kasi ako ng amoy alak at usok ng sigarilyo.
Sa may bandang gilid sa gitna kami pumwesto. Medyo malapit sa dance floor.
"Isang bucket nga ng Asahi Super Dry ta's dalawang platito ng mani."
Nanlaki ang nga mata ko sa in-order niya. "Isang bucket?!"
"Told you, gusto ko makalimot."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top