Chapter 44
"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko kay Faye na seryosong nakatingin sa akin.
Katatapos ko lang kumain ng hapunan nang tawagin ako ni mama at may naghahanap daw sa akin. Akala ko sila Jerome at manggugulo na naman. Hindi pala.
"Gusto lang sana kita makausap."
"Tungkol saan na naman?"
Kung kailangan kong maging rude sa kanya para lang hindi kami masira ni Randell, gagawin ko.
"Pwede bang sa ibang lugar natin pag-usapan?"
"Faye . . ."
"Please, Arvin. Last na 'to. After this, ako na mismo ang lalayo sayo. Kailangan ko lang talaga ng karamay ngayon."
Napabuntonghininga ako. Hindi naman siguro magagalit si Randell kung hindi ako magpapaalam sa kanya, 'no?
"Sige, Faye. Magbibihis lang ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top