Chapter 40
"Tuloy ka sa bahay nila Kenneth?" pagbasag ko sa katahimikan.
Nandito kami ngayon sa terminal ng bus at kanina pa walang gustong magsalita. Walang umiimik.
"Bakit ka pinuntahan ni Faye?"
Gulat ko siyang tinignan. "Kilala mo si Faye?"
"Wag mong sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong."
"But I'm the one who asked first here."
"Hindi. Hindi rin pumayag si mama."
"So kung pumayag si tita, tutuloy ka pa rin?"
"I already answered your question. So akin naman ang sagutin mo."
"Nag-usap lang kami . . ."
"About what?"
"Privacy, Randell."
"Wow. Really, Arvin?"
Napapikit na lang ako dahil sa reaksyon niya.
"I'm sorry but whatever we talked about stays between us."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top